Chapter 38

13.1K 388 142
                                    

ENCHANTED: The Accursed Daughter
©EmpressWinteroo

Chapter 38

I R I N E

Si Red. Si Red ang kalaban dito.

Hindi ako makapaniwalaang nagsisinungaling lang sa'kin si Red. Hindi ako makapaniwalang hindi totoo ang pinapakita niya sa'kin.

Masama siyang tao!

"Kita mo 'to?" Pinakita ni Maya ang mga nangingitim niyang mga pasa sa ilalim ng damit niya.

Tila matagal na ngang hindi gumagaling ang mga 'yon na bumabalot sa braso at balikat niya. Nabugbog siya. At sigurado akong hindi niya 'yon nakuha sa labanan namin kanina.

"Siya ang may gawa nito, Irine. Sinasaktan niya ako. Kaya sinasabi ko na sa'yo ngayon, layuan mo na siya. Layuan mo siya kung ayaw mong mangyari sa'yo 'to," mariin na sabi niya.

Kumuyom ang mga kamay ko hanggang maging kamao. Tiningnan ko ng masama si Red.

Nagbabadya nang tumulo ang mga luha sa mata ko. Hindi ko na iniinda ang sakit ng katawan ko at ang lamig ng hangin dahil tanging galit lang ang nararamdaman ko sa pagkakataong 'to.

Si Red. Alam ko na ang tunay niyang ugali. Sinungaling siya. Masama siya!

"H'wag kang magpapaloko. Kung may sinasabi man siya sa'yo, hindi totoo 'yun–"

"H'wag mo 'kong hawakan!" Lumayo ako kay Red nang balak niya akong hawakan.

Sobrang galit ang nararamdaman ko. Nanginginig na ang katawan ko sa sobrang pagkamuhi kay Red.

Wala siyang kwenta. Wala!

M A Y A

Pinipigilan kong matawa sa nangyayari ngayon. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

Ang sayang makita kung paano sila nagtatalo. 

Kung hindi ko kailangang manatiling seryoso ngayon, kanina pa ako natawa.

Hindi ako nakikita at naririnig ni Red o kaya ng alaga niya. Malakas lang naman ang senses ng dambuhalang halimaw na 'yun kaya niya ako nararamdaman.

Pero ang totoo, si Irine lang ang nakakagawang makakita sa'kin. At dahil sa kagagawan ko, kinamumuhian na niya ang lalaking pinakamamahal ko.

Naramdaman ko ang sarili kong napangisi dahil sa nakikita kong pagkalito na bumabalot kay Red ngayon. Tiim ang bagang at tila nagagalit na sa nangyayari.

Hindi nila alam na nasa ilalim parin ng kapangyarihan ko si Irine at hinding-hindi siya makakawala sa 'king hangga't buhay pa 'ko. At hindi alam ni Red na sirang-sira na siya kay Irine. Hindi niya alam na malapit na siyang mapunta sa'kin.

Hindi totoo ang sinasabi ko kay Irine, puro kasinungalingan lang ang lahat! Pero dahil kontrolado ko ang isipin niya, kontrolado kung sino at ano ang paniniwalaan niya. Kontrolado ko rin ang emosyong nararamdaman niya.

Habang tumatagal, nanghihina na rin si Irine dahil nahihigop ko ang kanyang lakas.

Natawa ako ng mahina. Hindi niya alam na ginagamit ko ang emosyon niya at ang isip niya para magalit kay Red. Sinisiksik ko ang maling impormasyon sa utak niya at kapag nagtagumpay akong panatilihin ang mga kasinungalingang nasabi ko, ilang minuto pa, sigurado akong habambuhay niya nang kakamuhian si Red.

Wala pa talagang kaalam-alam si Irine sa Amaryllis. Sa simula palang na nakita ko siya, alam kong bago lamang siya dito sa dimensyon at bulag siya sa nangyayari.

Bulag siya sa katotohanan na nagtatago sa kampong ito. Alam kong galing siya sa kabilang dimensyon dahil narinig kong nag-usap si Sovereign Blue at si Leyva noong pinagmamasdan nila si Irine na nag-t-training.

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon