Chapter 50

1.6K 57 2
                                    

ENCHANTED: The Accursed Daughter
©EmpressWinteroo

Chapter 50

I R I N E

"AALIS na tayo sa ilang minuto!" Sigaw ni Sister Leyva habang abala kaming inaayos ang mga bagahe namin sa bawat kabayo na gagamitin namin bilang transportasyon.

Ayos na rin saddle na uupuan ko sa likod ng kabayo, ang stirrup na aapakan ko, ang bridle at rein na hahawakan ko para mamaneuver ang kabayo.

Nandito na kami sa battle ring, East gate. Madilim na rin ang paligid at nagmumula nalang sa buwan ang tanging ilaw namin. Ang sabi nila sa 'kin, lumalamig na ang panahon ngayon. Hindi ko naman maramdaman dahil isa akong ice enchanter. Sinuot ko na lamang ang black long-sleeves, brown coat, at black  leggings, at black boots para komportable sa paglalakbay.

"Irine," tawag sa 'kin ni Red. Iniabot niya sa 'kin ang isang bagay na parang lalagyan ng isang…kutsilyo?

Kinuha ko 'to at inilabas ang nasa loob ng lalagyan. Isang dagger. Napatingin muli ako sa kanya na nagtataka.

"Baka kailanganin mo," usal niya lang bago umalis sa tabi ko at bumalik sa kabayo niya para ayusin ang saddle nito.

Tiningnan ko ulit ang dagger. Mukhang gawa sa mamahaling bakal at may disenyong apoy na nakaukit sa metal. Mukhang sa kanya 'to? Nagkibit balikat nalang ako at ipinasok ulit ang dagger sa lalagyan.

Itinali ko ang lagayan gamit ang garter na nakakabit sa 'king kaliwang hita para madali ko siyang mahablot kung kakailanganin ko.

"Handa na ba ang lahat?" Sigaw ni Sister Leyva na nasa pinakaunahan.

"Distro!" Sigaw namin.

"Kung gayon, sumakay na kayo at tayo'y aalis na!" Sigaw muli niya.

Huminga ako ng malalim. Ito na. Dumating na ang panahong hindi ko inaasahan.

Hindi namin kasama si Fiery at Erracious dahil magiging banta 'yon para sa 'min. Mainit sa mata ng mga nilalang sa Amaryllis ang mga spirit guardians dahil 80% ng mga katauhan nila ay mula sa kapangyarihan ng mga Enchanters. Siguradong mahahanap kami ng mga Spirit Hunters kung sakaling kasama sila.

Sunud-sunod na nagsiakyatan ang mga kasama ko sa kanilang kabayo. Kaya naman inapakan ko na ang stirrup at maingat na umupo sa saddle. Hinawakan ko ang reins o ang tali na konektado sa ulo at bibig ng kabayo ko. Ito ang magsisilbing signal ko para patigilin siya o pumunta siya sa ibang direksyon.

Natutunan ko 'to noong training namin ni Red dahil namangha ako sa galing niya sa horseback riding.

"Buksan na ang East gate!" Sigaw ni Sister Leyva. Unti-unting tumaas ang makapal na pintuan ng East Gate.

Napatingin ako kay Red na ikinagulat kong nakatitig pala sa 'kin. Kitang-kita ko ang brown niyang mga mata naiilawan ng buwan at ang buhok niyang sumasayaw nang dahil sa hangin.

Ngumiti ako at kinindatan siya. Natawa naman siya nang bahagya sa ginawa ko. Akala mo ha, 'di ako papatalo sa galawan mo.

Nagsimula nang maglakad ang mga kabayo na sakay ang mga kasama ko. Kaya naman mahina kong tinama ang aking binti sa tagiliran ng kabayong sinasakyan ko kaya siya nagsimulang maglakad din.

Pagmamay-ari ng Amaryllis Camp ang mga horses na kasama namin sa paglalakbay. Mula sila sa Stager Ring at ang balita ko'y sobrang alaga daw sila doon at sinisiguradong healthy sila.

Nag-explain na rin si Sister Leyva ng plano namin para sa expedition kanina bago pa man kami naghanda at pumunta dito sa Battle Ring. Binigyan niya na rin kami ng mga gawain. Kaming dalawa ni Red, Sov, at Errapel ang nakaassign sa pag-iimbestiga at pagtatanong sa karatig bayan o mga daang maaaring napuntahan ng Dark Assemblage bago pa man sila makarating sa Elf Village.

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon