Chapter 12

14.7K 503 12
                                    

ENCHANTED: The Accursed Daughter
©EmpressWinteroo

Chapter 12

I R I N E

Ikinwento ni Cyndel ang pangyayari mula noong nakita niya ako at lahat ng nangyari kung bakit ako nasa mundo ng mga tao. Tahimik lang namang nakinig si King Caledon at minsan ay nagtatanong. Si Eoin naman ay tahimik din at wala yatang balak magsalita.

Sa pag-uusap namin, napansin kong tumitigil si Cyndel sa pagkwekwento at para bang may kinakausap sa isip dahil nag-iiba ang expressions ng mukha niya.

Mind link. 'Yon ang unang pumasok sa isip ko.

"Kung ganoon hindi mo alam kung sino ang 'yong tunay na magulang, tama ba ako?" Tanong sa 'kin ng hari.

"Opo. Wala po kasing sinabi noon si Sister Martha tungkol sa kanila."

"Wala ka bang balak na hanapin sila?"

Natahimik ako. Sa totoo lang, gusto ko talaga silang hanapin. Pero hindi ko alam kung matatanggap ko ba sila kaagad bilang mga magulang ko.

At ang dami kong gustong itanong sa kanila.

Kung bakit ako iniwan? Kung bakit ipinamigay na lamang ako at ipinunta sa lugar na pwede palang maging dahilan ng pagkamatay ko? Kung bakit tinalikuran nila ang anak nila?

Ang dami kong gustong linawin pero natatakot ako na galit lang ang maibigay ko sa kanila. Natatakot ako na ang akala ko'y pangarap kong makita sila ay maging isang bangungot pa.

Napabuntong-hininga si Eoin kaya napatingin kami sa kanya.

"Kung ayaw mo muna silang hanapin, pwede naman nating sabihin sa iba na inampon ka namin dahil naulila ka. Dito ka nalang tumuloy kung wala kang matitirahan," usal ni Eoin.

"Bakit naman natin sasabihing inampon niyo ako? Hindi ba pwedeng magsabi nalang tayo ng totoo?" Tanong ko.

"Hindi maari 'yon, Irine.." Biglang nagsalita si Cyndel. "Magkasing edad lang tayo at sa edad nating ito, kailangan na nating pumunta sa Amaryllis Camp para magtraining. Kailangang may pamilya ka para makapasok ka."

Tiningnan ko si Cyndel na may halong pagtataka. "Anong ibig mong sabihin?"

"Bilang Enchanter at mamamayan ng Amaryllis, mandatory ang pagpasok sa Amaryllis Camp para magtraining ng ilang taon. Ang iba ay nagtatagal ng isang taon dahil iyon ang minimum at ang iba naman ay nagtatagal hanggang 5 o higit pa. Maaari ngang manatili ka doon at magsilbi habang buhay. Depende na rin sa lebel ng galing at lakas mo."

Habang buhay? Pumasok sa isip ko ang mga kaibigan ko sa kabilang dimension.

"Pero hindi ko naman pwedeng iwan nalang ang buhay ko sa mundo ng mga tao. May mga kaibigan akong naghihintay sa 'kin.

Si Sister Leyva, si Errapel, at pati na rin si Sam. Sila ang mga naging importanteng tao sa buhay ko at ayaw ko naman silang talikuran nalang.

Kahit na iniwan ako ni Sam, hindi ko parin magawang magalit sa kanya. Alam kong may rason siya kung bakit niya ako iniwan.

"Delikado para sayo kapag nandoon ka. Patawad, Irine, pero hindi ako makakapayag kung pupunta ka muli doon. Gusto ka lang naming tulungan," sabi ni King Caledon.

"Pero bakit? Bakit ang bait niyo sa 'kin?"

Hindi ko maintindihan kung bakit nila ako tinutulungan. Kung bakit ang bait nila sa isang hindi nila ka-genus samantalang nakilala lang nila ako sa gubat. Mapagkakatiwalan ko ba talaga sila?

"Dahil..." Nagsalita si Eoin. "Isang Ice Enchanter din ang tumulong sa 'min para bumangon mula sa paghihirap at pasakit. Malaki ang utang na loob namin sa kanya kaya naman ipinangako namin sa pamilyang ito na kung sino mang Ice Enchanter ang nangangailangan ng tulong, gagawin namin ang lahat para tulungan siya."

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon