Chapter 41

12.6K 408 61
                                    

ENCHANTED: The Accursed Daughter
©EmpressWinteroo

Chapter 41

I R I N E

Sinubukan kong sulatan sila Cyndel at pinadala gamit ang Pepire ni Red. Mabuti nalang pinahintulutan niya akong utusan ang Pepire niya.

Hindi ako nakatulog kagabi sa kakaiisip kina Eoin at kung ano na ang kalagayan nila. Parang hindi nga kumpleto ang kwarto namin ni Nisha dahil wala si Cyndel.

Kahit na hindi sabihin ni Nisha, alam kong malungkot siya.

Babalik pa naman si Cyndel at naniniwala ako roon. Pero sa pinapakita ni Nisha kagabi na parang may tinatago siya, kinukutuban ako.

Hindi maaaring mangyari ang kutob ko. Nangako naman si Cyndel na babalik siya.

Babalik siya.

"Ang gwapo talaga ni Stager Red," bulong sa'kin ni Nisha habang nakatutok ang atensyon kay Red na ngayong nakatayo at nagmamasid sa paligid namin habang nakapamulsa.

"Tumigil ka nga." Siniko ko siya.

"Totoo naman diba? Sinabi mo pa nga sa rooftop noon na ang hot niya. May pagnanasa ka nga eh–"

"Nisha!" Tinakpan ko kaagad ang bibig niya. "Isa lang 'yong pagkakamali!"

Pumalag siya at tumawa nang makawala sa pagkahawak ko. "Ano ka ba! Syempre tinatanggal ko lang 'yang kaba mo, Irine. Kanina ka pa kasi aligaga diyan."

Huminga ako ng malalim at tumingin sa direksyon kung saan naghahanda ang iba pang mga kalahok. Lahat sila ay kinokondisyon ang mga katawan nila para sa tournament.

Tama.

Ngayon na ang Locus Tournament.

Tumingin muli ako kay Nisha. "Hindi mo ako masisisi Nisha. Nakita mo ba 'yung mga makakalaban ko? Lalo na 'yang si–"

"Keith?" Tumingin siya ng masama kay Keith. "Baka gusto mong bunutin ko 'yang mga pangil niya?"

"Hindi lang siya. Pati si–"

"Lina? Magbigay ka lang ng signal at uupakan ko na 'yan!"

Pinigilan ko si Nisha sa balak niyang pagsugod. Natawa ako. "Ang sadista mo!"

"Tumawa ka rin sa wakas." Tumawa rin siya. "Alam mo, Irine. Isipin mo nalang na para kay Cyndel 'to. Malaki ang tiwala niya sa 'yo 'di ba?"

Ngumiti ako. "Gagawin ko 'to para sa kanya."

Ngumiti siya at niyakap ako. Matapos kaming mag-usap, umalis na si Nisha mula sa tabi ko at bumalik sa pwesto niya sa upuan ng mga audience. Kasama niya na ang iba pang Tyros at Stagers na nakaupo sa ginawang bleachers ng Doyens sa gilid ng battle ring.

May nakaharang na transparent barrier sa pwesto nila para na rin sa kaligtasan ng mga manonood.

Isang malaking widescreen hologram din ang kitang-kita sa buong lugar na kinauupuan ng audience. Nakikita sa hologram ang mga kalahok at susundan kami sa bawat galaw namin.

Ang sabi nila, mga mini cameras ang nakalagay sa bawat sulok ng mga dadaanan namin sa buong tournament. Kaya wala talaga kaming takas sa mga mata nila.

Nag-uusap naman, hindi kalayuan sa aming mga kalahok, ang mga Mestro at Doyen. Mukhang malalim ang pinag-uusapan nila. Pati si Sov na palaging maaliwalas ang mukha ay seryoso ngayon.

"Natatandaan mo ba ang mga bilin ko?" Lumingon ako kay Red.

Pinigilan kong ngumiti sa sobrang cool niyang tingnan ngayon. Hawak niya ang sword niya habang nakapamulsa ang isa niya pang kamay. 

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon