Chapter 9: Persistent

707K 19.8K 5.3K
                                    


Angel's point of view

Pabalik na ako sa kwarto ko ng marinig ko si Skie na sumigaw. Nagmadali agad ako na pumunta sa kwarto niya. Nakita ko siyang nakaupo sa sahig at hawak hawak ang ulo niya. Kinabahan ako ng sobra para kay Skie. Lumapit agad ako sakanya. Nakapikit na siya at parang wala na siyang malay.

"Skie!" Sigaw ko. "Skie gumising ka!"

Nakapikit pa din siya kaya inalog alog ko na ang katawan niya.

Dahan dahan niyang minulat ang mata niya. Tinignan niya ako diretso sa mga mata ko. Mas lalo tuloy bumilis ang tibok ng puso ko.

"Trix.."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Sinabi niya ba talaga ang second name ko? Tama ba talaga ako ng narinig? Parang gusto konh maiyak.

"Naaalala mo na ba ako, Skie?" Tanong ko. Nakatingin lang siya sakin. "Skie, ayos ka lang ba?"

"Oo naaalala na kita." Naiyak na talaga ako sa puntong 'yon. Ang tagal kong hinintay na maalala kiya ako na-- "Ikaw 'yong babaeng nagpahirap sakin nung fourth year high school ako. Ikaw 'yong greatest enemy ko non, kayong dalawa ni Kiro, 'yong best friend mo." Napanganga ako sa sinabi niya. Parang may mali sa mga sinabi niya.

"Ha? Ayon lang ba naaalala mo sakin?" Tanong ko.

"May kailangan pa ba akong maalala sayo bukod sa kinakamuhian kita? Kaya pala isa ka sa mga bagay na nabura sakin simula ng magka amnesia ako kasi isa ka sa mga kinakamuhian ko, kayong dalawa ni Kiro. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko pa nakalimutan yang si Kiro. Kaya pala hanggang ngayon, naiinis ako sayo." May kung anong kumirot sa puso ko. Sa lahat ba naman ng alaala na babalik sakanya bakit yong memories pa niya nung fourth year high school kami, bakit 'yon lang? "Bakit ba bumalik ka pa dito? Bakit iniwan mo don 'yong best friend mo ha?" Inis na inis niyang sabi. "Pwede ba umalis ka na lang sa kwarto ko? Naiinis lang ako kapag nakikita kita."

Tinignan ko lang siya at halata ngang naiinis siya sa akin. Umalis na lang ako sa kwarto niya. Dumiretso ako sa kwarto ko sa hindi malayo. Humiga ako sa kama ko pagkatapos duon na ako umiyak.

"Ang tanga mo Skie.. sa lahat ba naman ng maaalala mo 'yong bad start pa natin?"

Pinikit ko ang mata ko at hinayaan ko na lang na tumulo ang mga luha ko. Akala ko pa naman maaalala niya na ako. Konting alaala na lang sana makakapunta na siya sa araw ng science camp namin nung fourth year, kasi hindi pa din umabot.

Napatingin ako sa bilog na bwan sa bintana ng kwarto ko. Bilog din ang bwan nuong science camp namin nung fourth year high school kami. Nung gabi na nakulong kaming dalawa ni Skie sa classroom namin, duon nawala ang galit niya sa akin at kay Kiro. Naintindihan niya na kaya lang kami ganon sakanya ni Kiro dahil nag aalala lang kami sakanya. Duon niya na realized na yong mga tinuturing niyang best friends ay siya lang din palang mang iiwan sakanya. Naintindihin din niya na all along, puro kapahamakan lang pala yong dulot ng mga tinuring niyang best friends. Iyon ang araw na from best enemies ay naging best friends kami. Iyon din ang araw na nagsimula ko siyang gustuhin at ganon din siya.. 'Yong ang araw na hindi ko makakalimutan.

"Sa lahat ba naman.. 'yon pa 'yong makakalimutan mo.." Bulong ko sa sarili ko. "Mas lalo pa tuloy nadagdagan 'yong galit mo sakin.." Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko. "Oo nga pala, kailangan lang naman kitang mapatino ulit pagkatapos non tapos na, babalik na ako sa New York."

Tama, hindi dapat ako magpaapekto sa nangyari. Hindi na din dapat bumalik pa ang feelings ko sakanya dahil sa huli, ako lang din ang masasaktan. Nakapag move-on ka ako at tama na 'yon.

Pinikit ko ang mata ko at hinayaan ko na ang sarili kong makatulog. Masyado ng mabigat yong mga nangyari sa akin ngayong araw.

Pagkatapos ng ilang oras na tulog, gumising ako only to see if Skie was awake. Umalis na siya ng bahay at maagang umalis. Mas okay na din sa akin para hindi kami magkita, baka awayin na naman niya ako at baka hindi na ko na naman mapigilan ang sarili ko.

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Where stories live. Discover now