Chapter 14: Chance

680K 18.6K 4.3K
                                    



"Nagpapatawa ka ba? Ako magiging girlfriend ni Skie?" Tumawa ako kunwari para makalusot ako. Makakalusot nga ba ako? Kinakabahan ako. "Nakita mo kung anong ugali meron siya? Hindi ako papatol sa ganon kasamang lalaki."

Tinitigan lang niya ako na para bang nag iisip siya. Shit. Sana maniwala siya sakin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nahuli niya ako.

"Sabagay, kung ako nga hindi pumasa sayo, si Skie pa." Sambit niya. Tumalikod ako sakanya para hindi niya makita 'yong reaksyon ng mukha ko. Nakahinga talaga ako ng literal sa sinabi niya. "Pero kilala mo ba kung sino siya? Magkapangalan talaga kayo eh."

"Alam ko namatay na siya duon sa aksidente kaya nga hindi na siya pinapabanggit nila Tito Charles." Palusot ko. "Oo beatrix din ang pangalan niya."

I hate lying but I don't have any choice. And the hell, I just killed myself.

"Namatay na siya? Talaga? Nakakagulat naman. Sayang hindi ko na siya nakilala pa." Nakita ko sa mata niya 'yong disappointment. Sorry Caleb kung nag sinungaling ako sayo. "Pero alam mo kung naging ikaw si Trix, nako malaking gulo 'yon. For sure hindi ganito 'yong treatment niya sayo at baka magkalabuan sila ni Anya. Sana nga mag hiwalay na lang sila."

"Bakit gusto mo silang mag hiwalay?" I asked because my effin' curiosity is killing me. Mukha naman kasing ayaw talaga ni Caleb kay Anya. "And it seems you don't like her."

Natigilan siya sandali pero hinarap niya din agad ako.

"Cause she's a b*tch." Straight forward niyang sabi. Feeling ko may malalim na pinanghuhugutan si Caleb. Mas lalo lang akong na curious pero I'll let it pass for now. "Sorry, ayoko lang talaga sakanya." Dagdag niya.

"I don't like her too so that's fine." Sabay kaming natawa sa sinabi ko. Well he's telling the truth anyway, ang b*tch naman talaga ni Anya. Ewan ko lang kung may redeeming quality siya na nagustuhan ni Skie or talagang nabulag lang si Skie sakanya. Naisip ko tuloy, paano nahulog sakanya si Skie ng ganito? Nakakapagtaka. "Oo nga pala, saan ka galing at late ka din?" Tanong ko.

"Sinundo ko pa sa airport 'yong baby sister ko. Aminin mo na kasi, hinanap mo talaga ako kanina." Sambit niya. Tinarayan ko na lang siya. Hindi ko sasabihin sakanya 'yong totoo, lumaki pa 'yong ulo niya. Tinawanan na lang niya 'yong pagtataray ko. "Late ka din pala kanina, anong nangyari? Naghirapan ka ba na sumakay? Sorry ah, wala ako kanina."

Naisip ko 'yong nangyari kanina kay Ailee.

"Punuan kasi sa bus kaya ayon, late na ako nakadating dito." Sagot ko. "Ilang taon na pala 'yong kapatid mo?" Tanong ko.

"Fourteen na siya at dito na din siya mag aaral. Third year high school na siya." Nilabas niya 'yong wallet niya at pinakita niya sakin 'yong family picture nila. "Ayan siya, eto naman si Dad at Mom tapos siya 'yong ate ko kaso nasa US siya ngayon."

"Lahat pala kayo maganda at gwapo." Bulong ko sa sarili ko ng pagmasdan ko silang lahat. Halos magkakamukha din silang lahat. "Nice family." Sambit ko.

"Narinig ko 'yong binulong mo. Gwapo ba ako sa paningin mo?" Tanong niya with his excited voice. "Tell me honestly, gwapo na ba ako sa paningin mo?" Mas lumapit pa siya sa akin kaya bigla akong na tense.

I hate lying so I'll just tell the truth.

"Oo, gwapo ka." Tipid kong sagot. "Ang ipokrita ko naman kung sasabihin kong hindi."

I saw a smirk on his face. "May chance ba na sagutin mo ako kapag nanligaw ako sayo?" Tanong niya. Straight forward nga talaga siya.

"Wala." Sagot ko. "Sabi ko nga sayo, 'di ba? I'm not gonna be one of your girls. Hindi ako mahuhulog sa charisma mo, noh." Pagtataray ko.

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon