Chapter 32: Forgive me

520K 17.1K 6.1K
                                    





Pagdating ni Kiro, niyakap ko agad siya. Kailangan na kailangan ko ng masasandalan ngayon. Kailangan ko ng maiiyakan. "Kiro, they all fooled me."

Pinunasan niya ang luha sa mata ko. "Stop crying, they don't deserve your tears." I know they don't but it still fvcking hurts.

"I trusted him, Kiro. Akala ko nagbago na siya. Akala ko mahal niya talaga ako pero niloko lang pala niya ako. The most hurtful part is I already love him." I can't stop myself from crying. Parang pinipiga dahan dahan 'yong puso ko.

"He doesn't deserve you, Trix." Hinigpitan ni Kiro 'yong pagkakayakap niya sakin. "Just forget about him, I'm here to help you, okay?" Pinunasan niya ulit 'yong mga luha sa mata ko. "I'll take you home, you need to rest."

Inalalayan ako ni Kiro hanggang sa kotse niya. Hinatid niya ako sa bahay at buti ka lang wala si Mommy at Daddy sa bahay dahil ayokong makita nila akong ganito. I don't want them to worry about me.

Humiga ako sa kama ko habang si Kiro pumunta sa kusina para ipagtimpla ako ng tea. Kanina ko pa pinipigilan 'yong sarili ko na wag umiyak pero hindi ko magawa. Masyado akong nasaktan.

Kung wala siguro akong nararamdaman para kay Caleb ayos lang pero hindi, eh. Mahal ko na siya. Binuksan ko na ulit 'yong puso ko para sakanya. Nag risk ako para sakanya at nagtiwala ako. Paano niya nagawa sakin 'to? Paano niya ako napapaniwala na mahal niya talaga ako?

Ang tanga ko kasi, eh. Naniwala agad ako. Naniwala akong nagbago na talaga siya. Naniwala akong iba ako sa lahat ng babaeng nakilala niya. Naniwala ako na mahal nga talaga niya. Naniwala ako sakanya pero nagkamali na naman ako.

Isa lang din pala ako sa mga babae na pinaglaruan at sinaktan niya. Isa ako don sa mga babae na itatapon na lang niya bigla. Isa ako don sa mga babae na napaniwala niya sa mga kasinungalingan niya. Isa ako sa mga tangang babae na minahal siya... minahal ko siya, eh. Minahal ko siya pero bakit niya ako sinaktan ng ganito? Ang sakit sakit, eh. Wala naman akonh ginawang masama sakanya pero ginawa niya sakin 'to. Bakit?

"Here's your tea," inabot niya sakin 'yong tasa. Uminom ako para kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko. "Alam ko nasasaktan ka ngayon pero hindi niya deserve kahit isa sa mga luha mo. Niloko ka niya, Trix."

"Kiro mahal ko na siya, eh. Mahal ko na si Caleb pero bakit ganon?" Umiiyak na namana ko. Lecheng luha 'to ayaw tumigil. Ayokong umiyak, ayoko na. "Alam kong naglihim din ako sakanya, tinago ko sakanya 'yong tungkol samin ni Skie pero sasabihin ko din naman sakanya 'yon, eh. Lahat ng pinakita ko sakanya totoo lahat 'yon.. totoong mahal ko siya."

Hinila ako palapit ni Kiro at niyakap niya ulit ako. Kapag yakap yakap niya ako gumagaan ang loob ko. Kahit papaano, nababawasan 'yong sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Ang sama nilang lahat! Niloko nila ako. Sinaktan nila ako."

Iniharap ako ni Kiro pagkatapos pinunasan niya 'yong mukha ko.

"Forget about them, Trix. Wala silang kwenta kaya kalimutan mo na sila."

"It's not that easy, Kiro."

"Trix, sumama ka sakin sa New York. Kapag malayo ka sakanila mas madali mo silang makalimutan."

What? Sa New York?

"Are you serious?" I looked at him and yeah he's serious about it. Napaisip tuloy ako bigla. What if bumalik nga ako sa New York? "Do you think that would be a good idea?" I'm not really sure about it but a good escape can work for me.

"Do you still want to see them? After what they've done to you? Trix, come with me."

Hindi agad ako nakasagot. Oo nasasaktan ako ngayon at oo ayoko silang makita pero ibang usapan kapag pumunta akong New York. "Kiro, I need to think about it first."

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt