Chapter 50: The past

578K 16.5K 6.8K
                                    



Habang natulala ako sa mga sinabi ni Skie, may bigla na lang sumampal sakin. Napahawak ako bigla sa pisngi ko dahil sa sobrang sakit. Hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko. Hindi ako makapag-react sa ginawa sakin ni Anya. Galit na galit siya at kulang na lang kumuha siya ng kutsilyo at saksakin niya ako.

"How dare you! I know you're behind all of this!" Sinabunutan niya ako pagkatapos hinila niya ako pahiga sa sahig. Napahiga ako pero hindi pa din ako makagalaw. "I'm going to make you pay for this, you b*tch!"

Para akong tanga. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko maigalaw 'yong katawan ko. Buti na lang mas humigpit 'yong pagkakasabunot niya sakin kaya parang natauhan na ako.

"Get away from me!" Sigaw ko.

Tinulak ko siya palayo pero hindi siya kumakawala. "Not until you're dead!"

"Anya! Bitawan mo siya!"

Sigaw ni Ashton at Caleb. Hinawakan ni Ashton si Anya habang si Caleb inalalayan akong tumayo. Inayos niya 'yong buhok ko pagkatapos tinignan niya ako sa mata ko. Mukhang alalang alala siya sakin.

"Anong masakit sayo?" Tanong niya.

"Ayos lang ako, Caleb. Walang masakit sakin."

"Are you sure? Let's go, I'll take you home." Hinawakan niya 'yong kamay ko tska niya ako inalalayan maglakad. "Kumapit ka lang sakin." Tumango lang ako.

"Where are you going b*tch! Magtutuso pa tayong dalawa!" Sigaw ni Anya. Tumalikod ako para makita siya. Ayaw niya talagang paawat kaya nakawala siya sa pagkakahawak ni Ashton. "Come here! Kakalbuhin pa kita!"

Malapit na siya samin pero hinila siya ni Ailee pagkatapos sinampal niya 'yong kapatid niya. Nagulat kaming lahat sa ginawa niya. Napahawak sa pisngi niya si Anya. "What the?" sambit niya.

"Tumigil ka na Anya!" Sigaw ni Ailee. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito at masasabi kong nakakatakot siya. "Kung dati hinahayaan lang kita sa mga kalokohan mo pwes ngayon hindi na kita hahayaan pa."

"Ah ganon? Sige, isusumbong kita kala mommy! Hindi mo ako kaya, pwede ba wag ka ng makialam dito!" Tumaas 'yong kilay ko don. Ang spoiled brat niya masyado. "Tumabi ka, dadaan ako."

Nanatili lang si Ailee sa kinakatayuan niya. Hindi siya natinag sa mga sinabi ni ng kapatid niya. "Sige banggain mo ako, tignan natin kung anong mangyayari."

Sinubukan lagpasan ni Anya si Ailee pero hindi siya nakalagpas, napaupo pa siya sa sahig. Gulat na gulat siya sa ginawa ng kapatid niya at feeling ko anytime, sasabog na siya. Hindi ko din akalain na magagawa na talagang kalabanin ni Ailee si Anya.

"Alam mo Anya, ikaw ang may kasalanan ng lahat ng 'to. Alam mo kung bakit? Kasi malandi ka! May boyfriend ka na pero ano? Nang-agaw ka pa ng boyfriend ng may boyfriend? Tapos ngayon nahuli ka, mag mamaktol ka? How stupid. Lahat ng 'to deserve mo, kabayaran 'to sa mga ginawa mo. Kaya wag mong sisihin si Angel dito. Sisihin mo 'yong sarili mo."

Wow, this girl on on fire.

Tinulungan ni Luke si Anya na tumayo. Hindi na nagsalita pa si Anya at tumakbo siya palayo.

"Sige na iuwi mo si Angel," sambit ni Ashton. "Ako nang bahala kay Ailee."

Inalalayan ako ni Caleb papunta sa kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at sinuotan niya ako ng seatbelt. Nagkaroon ng katahimikan sandali bago ako nagsalita.

"Caleb, mali ba 'yong ginawa ko?" Tanong ko. "Ang sama ko ba?"

Hinawakan niya 'yong kamay ko at tinignan niya ako sa mata ko. "I want to be honest, mali naman talaga na maghiganti ka pero hindi din naman kita masisi. Alam ko nasaktan ka ng sobra at minsan paghihiganti talaga 'yong unang pumapasok satin kapag naloko at nasaktan tayo," Hinawakan niya 'yong mukha ko. "Angel, you have a good heart. I
know that and it's never too late to make things right."

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Where stories live. Discover now