Chapter 18: First date

656K 18.8K 4.4K
                                    

Angel's point of view.

Two weeks na akong nandito sa unit ni Caleb. Hindi na muna ako bibili ng bagong unit kasi sabi ni Mommy dito na daw kami mag stay for good at pupunta na sila dito next month pagkatapos nilang ayusin lahat duon sa Canada. Mag o-open na daw kasi ng branch dito 'yong company nila Lolo at si Daddy daw 'yong mag ha-handle non. So ayon dito na daw kami for good. Biglaan ang lahat kaya hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa balitang 'yon o hindi. Front lang naman namin kay Skie na dito na kami mag stay for good pero hindi ko inexpect na magkakatotoo nga.

Alam na 'yon nila Tito Charles pero ayaw pa din nila na nandito ako sa unit ni Caleb mas okay daw kasi kung nanduon ako sakanila pero nirerespeto naman nila 'yong desisyon ko. Si Skie, umuwi na siya sakanila pero sabi ni Tita Serina, mailap pa din si Skie sakanila. Gustong gusto ko siyang kausapin pero kahit sakin ilag siya. Ayaw niya nga akong makita eh, kaya siguro one week ma siyang hindi pumapasok sa mga class na classmate niya ako. Ganon ba talaga katindi 'yong galit niya sakin?

"Here," inabot sakin ni Caleb 'yong food. Nandito kami ngayon sa cafeteria. "Kumain ka ng madami kasi mamaya magugutom ka sa date natin." Masaya niyang sabi.

Two weeks na din simula ng ligawan ako ni Caleb. Ever since mas naging sweet siya sakin. Hatid sundo, palagi siyang nakaalalay sakin. Sabi nga ni Ailee, first time daw niyang makita na ganito si Caleb kaya bilib na bilib daw siya sakin. Tinatanong pa nga niya kung anong napakain ko kay Caleb. Never pa daw kasing nag effort si Caleb sa isang babae, ngayon pa lang daw. Syempre hindi naman ako bato para hindi kiligin sa mga efforts niya. Never ko nga siyang nakita na mag e-effort sa isang babae dahil siya ang hinahabol ng mga babae.

"Saan naman tayo pupunta mamaya?" Tanong ko.

"Later you'll find out." Ngumiti siya sa akin at halata mo sakanya na may surprise siyang gagawin mamaya. Hindi na naman ganon kahirap basahin kung anong iniisip niya. Madami na din siyang na open up sakin like sa interest niya, sa past relationships at pati sa family niya. Pretty much, komportble na siyang magsabi sakin ng kahit ano at ako paunti unti na din akong nag o-open up pero never kong na open 'yong tungkol kay Skie, sa past namin. "Are you excited?"

"Yeah, I am." I said trying to contain my feels. Palagi na lang kasi akong nasusurpresa sa mga ginagawa niya.

One time, habang nasa soccer game sila, bigla siyang tumingin sakin at sumigaw, "I love you Angel Beatrix Dela Fuente." Syempre lahat ng tao sa field, napatingin sakin. Nakakahiya pero na touch ako sa ginawa niya. Hindi ko kasi inexpect na ipagsisigawan niya 'yon harap ng napakadaming tao.

Well, kilalang tao sa school si Caleb dahil varsity player siya sa soccer at syempre campus heartthrob kaya kalat sa buonh school 'yong panliliwag niya sakin. Minsan nga ang sama ng tingin sakin ng mga babae dito sa school minsan pa pinagbubulungan nila ako. Hindi ko ka lang din sila pinapansin.

"Hi guys!" Bati ni Ailee samin. "Hindi naman siguro ako nakakaistorbo sa inyo noh?" Nagkatingin kami ni Caleb. "Why? Am I interrupting something?"

"No, it's okay." Sagot ko. "So what's up? Ilang araw ka na naming hindi nakikita."

"Busy ako sa banda ko but I'm back! Did you guys miss me? Kasi ako, oo." Masigla niyang sabi. "Napa-oo mo na ba 'to si Angel?" Humarap siya kay Caleb at si Caleb naman tumingin sakin.

"Not yet but I'm willing to wait." He said.

"Shit dude, ang lakas ng tama mo kay Angel," humarap sakin si Ailee. "Haba ng hair mo girl." Sambit niya habang tawa siya ng tawa pero nawala agad 'yong ng makita niya si Anya. "Here comes the devil."

"So, friends na din pala kayo ng sister ko." Sabi niya habang nakatingin siya sakin. Napatingin naman ako kay Ailee. Magkapatid silang dalawa? "Bagay naman kayong maging magkaibigan, pare-pareho kayong loser." Biglang napatayo si Ailee.

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Where stories live. Discover now