Chapter 49: Defeat

552K 17.1K 8K
                                    



Naka-line up na kaming lahat sa stage habang hinihintay 'yong decision ng mga judges. Hindi maalis 'yong tingin ko kay Caleb na hanggang ngayon hawak hawak pa din 'yong banner ko. Mukha siyang ewan sa totoo lang pero ang cute niya tignan.

"You're really in love with him," bulong sakin ni Ashton. "The way you look at each other is breathtaking."

"Am I that obvious?" Bulong ko. "Well, yeah. I really love him." And I know he loves me too.

"I'm happy for you, Angel."

Isa-isa ng tinawag 'yong winners. Inaasahan ko na naman na maiiwan kaming apat nila Skie. Kung sinong mananalo dito? Hindi ko alam pero manalo o matalo, wala na akong paki-alam pa. Pagkatapos naman nito, malalaman pa din ng lahat ang totoo. Ang pagtataksil ni Anya kay Skie at ang pagkakataksil kay Skie ng matalik niyang kaibigan.

It will all ends tonight.

"For our first runner up," nag play 'yong background music pagkatapos pinatay 'yong ibang ilaw sa auditorium. "Contestant number.. 18 and 21!"

Napatingin agad ako kay Anya. Halos hindi siya makagalaw at para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. Alam ko hindi niya 'to inaasahan dahil alam ko na binayaran niya 'yong mga judges para sila ni Skie 'yong manalo pero nakagawa agad ako ng paraan tungkol don. Pinigilan 'yon ni Ailee at tinapatan niya 'yong binigay na halaga ni Anya para ipanalo kung sino man talaga ang mararapat manalo. Lucky me, ako pala 'yong pinili nila at si.. Skie.

"Congratulations Angel, I know you'll win this," sambit ni Ashton sabay yakap sakin. "I'm so proud of you." Bigla akong nalungkot para sakanya. Sana kaming dalawa 'yong nanalo.

"Para sa akin, ikaw pa din 'yong panalo Ash, congrats sa ating dalawa." Niyakap ko siya pabalik bago siya naglakad sa harapan.

Hindi maipinta 'yong mukha ni Anya. Parang wala oa siya sa sarili niya. Nakakatawa siya tignan. Cheaters never win, b*tch.

"And for our Mr. and Ms. Enderun, contestant number 16 and 17!"

Naghiyawan lahat ng tao sa auditorium. Dahan dahan akong naglakad papunta sa harap at ganon din si Skie. Hindi ko inaasahan na kaming dalawa pa talaga 'yong mananalo dito pero okay na din, mas nadagdagan naman 'yong inis ni Anya dahil dito. Natalo ka na nga, iba pa naging partner ng boyfriend mo. Mahal man niya si Skie o hindi, nakasalalay pa din dito 'yong ego niya.

 Mahal man niya si Skie o hindi, nakasalalay pa din dito 'yong ego niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Kumaway pa ako para lalong maasar si Anya. Nag e-enjoy akong panuorin siya. Ngayon pa lang quota na ako sa paghihiganti ko pero syempre kailangan pa din malaman ng lahat ang baho niya.

"Congratulations Angel," Sambit ni Skie. Ngumiti lang ako sakanya pero hindi ko siya kinausap. "Nakikita ko si Caleb mula dito at mukhang masaya na ulit siya, okay na ba kayong dalawa?" Dagdag pa niya. Hindi ba niya mahalata na ayokong makipag-usap sakanya?

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Where stories live. Discover now