Chapter 53: Farewell

636K 17.2K 6.2K
                                    


This is the last chapter. Thank you for reading until the end. I hope you did enjoy the story!

--

Graduation day, ito 'yong isa sa mga pinakahihintay kong araw. Halos lahat naman ata ng tao, gustong makapagtapos ng pag-aaral. Kumbaga sa isang karera, itong araw na 'to 'yong finish line.

"Congrats sa atin," sambit ni Ailee. "Ano nang plano mo?" Natigilan ako sa tanong niya dahil sa totoo lang wala pa akong naiisip sa ngayon.

Pagkatapos ng lahat ng mga nangyari samin, hindi ko na naisip pa kung anong gagawin ko after graduation. Masyado akong pre-occupied.

"Sa totoo lang wala pa akong naiisip. Ikaw, anong balak mo?"

"Ayon, ako daw mag ma-manage ng flower shop business namin. Okay lang naman sakin, gusto ko naman 'yon eh." Buti pa si Ailee, meron nang plano. "Kayo, 'di ba may family business din kayo? Hindi ba ikaw ang mag ma-manage non?"

"Siguro pero hindi naman ako pinipilit nila Mommy tungkol don, malaya pa din naman ako sa gusto kong gawin."

Napabuntong hininga siya. "Buti ka pa, malaya sa kung anong gusto mo. I mean, gusto ko nga 'yong flower shop business namin pero mas gusto kong mag pinta. Ayaw lang kasi ng family ko."

"Then, do both at the same time. Kaya mo yan, ikaw pa." Pahawak siya sa baba na parang napapaisip siya. "It's your life anyway."

"Tama ka, Angel. Siguro nga it's time to voice out what I want."

"Ano nga palang balita sa kapatid mo?" Biglang nag bago 'yong mood niya. Napataas 'yong kilay niya at parang gusto niyang mag chance topic na lang kami. "Anong problema? Nag sumbong ba siya sa parents niyo?"

"Actually tahimik lang siya tungkol sa nangyari pero mas lalo siyang nagpapa-awa sa parents ko ngayon. Feeling ko babalikan niya din ako anytime soon." Pareho kaming napatingin kay Anya. Kung titignan mo siya sa malayo, parang ang amo-amo niya pero ang totoo, hindi. "Looks can really be deceiving."

"Sa pagkakakilala ko sayo, hindi ka kayang pabagsakin ng isang katulad lang ni Anya," ngumisi ako sakanya. "Ikaw pa, si Ailee ka eh.

Ngumiti siya, 'yong ngiti na matagal ko nang hindi nakikita. "Tama, si Ailee ako. Thank you, Angel."

"Thank you saan?"

"Thank you for being a good friend to me, a true one. I'm so lucky to be one of your friends." Ngumiti kami pareho at sabay nagyakapan. I feel the same way too. "Cheers to our friendship!"

"Teka!" Sigaw ni Caleb at kasama niya pa talaga si Ashton. "Sali kami sa group hug niyo!" Lumapit silang dalawa samin pagkatapos niyakap nila kami. "Group hug!" Sigaw nilang dalawa. Mga loko-loko talaga sila.

"Congras sa ating lahat," sambit ni Ashton. "Sana kahit graduate na tayo, maging magkakaibigan pa din tayo."

Inakbayan siya bigla ni Ailee. "Oo naman, noh." Napangiti ako bigla, naisip ko na naman kasi 'yong fact na bagay talaga silang dalawa. "Teka, friends na din ba kayo ni Caleb?"

"Yeah, we are." Sabay pa sila. Mukha ngang magkaibigan na silang dalawa. "Ang mga pogi, madaling nagkakasundo." Pagbibiro ni Caleb.

"Tara na, alis na nga tayo." Pangbabara naman ni Ailee. Natawa tuloy kaming lahat. "Kakain kami ng family ko sa labas, kayo anong balak niyo?"

"Ganon din, kayo Angel?" Tanong ni Ashton. "Magkasama ba kayo ni Caleb?"

"Oo, magkasama 'yong family namin na mag ce-celebrate." Sagot ko.

"Wow, going strong. We're so happy for you. Kaya ikaw Caleb, wag na wag mong sasaktan 'tong kaibigan ko ha? Kung hindi malalagot ka sakin." Sambit ni Ailee.

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Where stories live. Discover now