Chapter 10: Friends?

722K 19.7K 4.3K
                                    

Angel's point of view.

Pagkatapos kong mag ayos, bumaba na ako ng kwarto ko. It's already ten in the morning pero ayos lang kasi my class starts at twelve. Pumunta ako sa dining area at nakita ko don si Tita Serina at Tito Charles na kumakain ng breakfast. "Good Morning po." Bati ko sakanila.

"Hi Angel, kakauwi lang namin galing Tagaytay. Sorry ha, hindi ka namin naasikaso." Bungad ni Tita Serina. "Nauna na pala si Skie sa school kaya ipapahatid ka na lang namin sa driver."

"Hindi na po Tita, gusto ko din kasing sanayin yong sarili ko sa pag commute." I said with a smile. "Mauuna na po ako."

"Hindi ka ba muna kakain?" Tanong ni Tito Charles. "Samahan mo na muna kami dito."

"Honestly Tito, I'm craving for McDonalds burger kaya I'm planning to eat there na lang. I hope you don't mind."

"Sure, I know you're missing eating there because I know you're missing New York so much. I'm really sorry you have to do this for us." Sambit niya. Ramdam ko 'yong pag aalala niya para sa akin. "If you really want to go home, we will not going to stop you. I think we can handle Skie by our own. Right sweety pie?"

"Yeah, Angel you don't have to do this if you're having a hard time." Sagot ni Tita.

"No it's fine. I want to help him so it's not a big deal. And I'm enjoying my stay here so no need to worry." Maybe it's okay to say I am enjoying rather than saying the truth, ayoko silang mag alala pa sakin. "Well, I must go. Bye."

Hindi naman nila ako pinilit na pumunta dito at bumalik sa buhay ni Skie. Ako ang may gusto nito. I know how hard it is for them kaya masaya akong tulungan sila. Ito na lang din siguro 'yong way ko para pasalamatan sila para sa mga bagay na nagawa nila sa akin dati.

Paglabas ko ng gate napasigaw ako dahil nakita ko si Caleb sa tapat ng bahay nila Skie. Ano na naman bang ginagawa niya? Talagang ang kulit niya.

"Good Morning, mag co-commute ka lang ba?" Tanong niya at lumapit siya sa akin. "Pwede ba akong sumabay sayo? Tinatamad kasi akong magdrive."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Paano na lang pala kung nag pahatid ako sa driver nila Skie, paano ka na?"

"Makikisabay din ako sa inyo. Kilala naman ako ng mga driver nila kahit pati mga maids nila." Masigla niya pang sabi. "So ano, gusto mo bang mag bus? Walang thrill kapag sa taxi eh."

Mautak din pala siya. Parang wala talaga akong kawala sakanya. "Mag co-commute ako mag isa. Mag commute ka din mag isa. Okay ba yon?" Pagtataray ko.

"Okay sige, basta wag mo lang akong intindihin." Sagot niya.

Buti na lang at hindi siya umangal at hindi na siya nangulit pa. Naglakad ako palabas ng gate at pagdating ko sa bus stop, sumakay agad ako. Nagulat na lang ako kasi kasunod ko na pala si Caleb sa likod. At ang malas pa nakatayo pa kaming dalawa kaya pumunta siya sa likuran ko. Tinignan ko siya pero nakatingin lang siya sa may bintana pagkatapos nag lagay siya ng earphones sa tainga niya. Hinayaan ko na lang din siya.

Nang malapit na kami sa bus stop malapit sa University, bigla na lang huminto 'yong bus na sinasakyan namin kaya napaatras ako sa likod ko, buti na lang nasalo ako ni Caleb dahil kung hindi, sumubsob ako sa sahig.

"Okay ka lang?" Tanong niya. "Sa susunod, magpahatid ka na lang sa driver nila Skie, baka mapaano ka pa. Halatang hindi ka sanay sa mga ganito." Sinabi niyo 'yon habang hawak hawak pa din niya ako sa magkabilang braso ko.

"Okay lang ako, kaya ko 'yong sarili ko." Sambit ko. Ngumiti siya sakin. Hindi ko maiwasan na mainis sa mga ngiti niya. "Okay na ako kaya bitawan mo na ako."

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Where stories live. Discover now