Chapter 40: Don't dare me

546K 18.1K 6K
                                    

Beatrix's point of view

"Who is he?" Dad asked.

Hindi pa din alam ni Mom at Dad ang totoong nangyari sa amin ni Caleb. I still don't want to tell them about it. It's too complicated and as much as possible I don't want to involve them with this. I can handle this by myself.

The Mom suddenly asked, "Where's Caleb?"

So maybe I could just give them an idea.

"Dad, we broke up already and that guy is Ashton. He's my partner in our upcoming pageant."

Nagkatinginan silang dalawa at may malaking question mark agad sa mga mukha nila. I know them and I know that I need to explain this more but I don't have time anymore, we will be late.

"We really need to go, I'll talk to you later. Bye!"

Tumakbo ako palabas at papunta kay Ashton. Naka blue jeans siya at white t-shirt kaya ang sexy niyang tignan. Pinaghandaan talaga niya 'yong araw na 'to. Well, ako din naman naghanda din. Light lang 'yong make-up ko ngayon pero naka blue backless dress ako, hindi ako pwedeng matalbugan ni Anya dahil alam ko paghahandaan niya din 'tong araw na 'to. Kilalang kilala ko na siya at ayaw naayaw niyang nagpapatalo.

Pwes, nandito na angtatalo sakanya.

Ngayon pang alam ko na 'yong sikreto niya. Hawak ko na siya sa leeg at sa oras na sabihin ko 'yon, paniguradong magugulo silang lahat.

"Good morning beautiful." bati ni Ashton.

"Good morning handsome," napatingin ako sa Porsche niya at walang wala 'yon sa kotse nila Skie. "Nice car." I said smiling.

"Thank you, Beatrix. Regalo 'yan sakin ni Dad." Pinagbuksan niya ako ng pinto. The usual thing he does. Kaya siguro madaming patay na patay sakanya. "Let's go, we need to be early today."

Pagpasok ko sa loob tinawagan ko agad si Ailee. Nakalimang ring pa 'yong phone niya bago niya sagutin. Wag mong sabihin na tulog pa siya? "Hi friend! Kakagising mo lang?" tanong ko nang sagutin niya na 'yong phone.

"Uy hindi ah! Kakatapos ko lang maligo. Ikaw, nasaan ka na?"

Sumingit na si Ashton kaya hindi na ako nakapagsalita.

"Hi Ailee!" kitang kita ko dito sa upuan ko 'yong ngiti sa labi niya. Tinapat ko sakanya 'yong phone para mas marinig pa siya ni Ailee. "On the way na kami sa school. Sorry hindi ka namin madadaanan dyan, Porsche kasi 'yong gamit kong kotse ngayon, eh."

"Okay lang, sasabay na lang ako sa parents ko. Mas maganda 'yong dalawa lang kayong dadating sa school para mas lalo kayong pag-usapan. Hintayin niyo na lang ako mamaya sa assembly. Okay? Bye."

"Bye!" Sabay namin sabi ni Ashton.

Saglit lang 'yong byahe namin dahil ang bilis magdrive ni Ashton pero hindi naman ako kinabahan kasi race car driver naman siya. Pag park namin sa school, pinagbukasan niya ulit ako ng pinto pagkatapos kinuha pa niya 'yong gamit ko. Saktong sakto ang daming babae sa hallway malapit sa parking lot na nakakita samin. As usual, pinagbubulungan nila ako at 'yong iba ang sama ng tingin sakin. Hindi na ako magtataka, alam ko naman na patay na patay sila kay Ashton. Hindi ko sila masisisi, dream guy naman kasi talaga siya, eh.

"I hate the way they looked at you but don't mind those girls, they're just jealous of you. I'm just here for you, Beatrix." hinila pa niya ako palapit sakanya. "Just stay near me, okay?"

Hindi ko alam kung ganito ba talaga ka attached sa mga kaibigan niya o baka ginagawa niya 'to dahil sa partner niya ako sa pageant.

"You really don't need to protect me but thank you, Ashton."

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Where stories live. Discover now