Chapter 30: Meet the parents

655K 17.2K 4.1K
                                    


Caleb's point of view

Umalis na si Angel at Ailee. Nahila ko naman sa parking sa likod si Luke at Enzo. Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa Starbucks. Akala ko titigl na si Luke pero lumapit siya kay Enzo pagkatapos pinagsusuntok na nman niya 'to. Pinigilan ko agad siya.

"Wag mo akong pigilan Caleb! Lulumpuhin ko yang hayop na yan!" Tinutulak niya ako palayo pero hinigpitan ko lang lalo 'yong pagkakahawak ko sakanya. "Traydor kang hayop ka!"

"Luke calm down!" Sigaw ko. "Pag-usapan natin 'to ng maayos!" Tinignan ko si Enzo. Tumayo siya pero dumudugo 'yong labi niya. Ayaw pa din mag paawat ni Luke. Medyo hihirapan na akong hawakan siya dahil kanina pa siya pumapalag sakin.

"Bro sorry, mahal ko lang talaga si Ailee." Sambit niya. "I'm really sorry."

"Gago! Wag mo akong tawaging bro! Simula ngayon hindi na kita kaibigan!" Tinulak na naman ako ni Luke palayo at nakawala siya sa pagkakahawak ko. Lumapit siya kay Enzo kaya hinabol ko siya pero wala akong nagawa. Galit na galit si Luke at walang awa niyang pinagsusuntok si Enzo. "Alam ko bang kapatid na 'yong turing ko sayo pero ginago ko pa din ako!" Sinubukan ko ulit awatin si Luke. Buti na lang dumating na si Skie kaya napaglayo namin silang dalawa.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Skie. "Luke anong ginagawa mo kay Enzo? Pumuputok na 'yong labi niyo oh!" Inabutan ni Skie si Enzo ng towel. "Ayos ka lang bro?" Tanong niya.

"Alam ko ba kung anong ginawa niyang hayop na yan?" Tinulak na naman ako palayo ni Luke pero hindi na niya sinugod si Enzo. "Sinabi niyang inakit siya ni Ailee na may nangyari sakanila pero wala naman pala! At ang malupit pa mahal daw niya si Ailee! Kung hindi ka ba naman isang malaking gago, Enzo!" Pareho kaming nagulat ni Skie sa sinabi ni Luke. Nung una pa lang naman hindi na ako naniwala sa sinabi ni Enzo dahil imposibleng gawin 'yon ni Ailee pero mas pinaniwalaan ni Luke si Enzo kaya hindi ko din masisi kung bakit nagagalit ng ganito si Luke. Naiintindihan kong mahal ni Enzo si Ailee pero mali pa din 'yong ginawa niya.

"Enzo, maling mali 'yong ginawa mo." Sambit ni Skie. "Naghiwalay sila Luke at si Ailee dahil don."

"Alam ko! Alam kong mali ako pero naipit lang din ako non. Nagsisisi na naman ako sa ginawa ko."

"Huli na para magsisi ka! Sinira mo na kami ni Ailee at sinira mo na din ang pagkakaibigan natin!" Sigaw ni Luke. Hinawakan ko siya sakaling maisipan na naman niyang bugbugin si Enzo. "Hindi kita mapapatawad, Enzo!"

Pumikit si Enzo at sinara niya ang kamay niya. Halatang nagpipigil siya ng galit. "Nagkamali ako Luke. Patawarin mo ko."

"Niloko mo ko! Hinding hindi kita mapapatawad! Tandaan mo yan!" Lalapit na naman sana si Luke pero pinigilan namin siya ni Skie.

Huminga ng malalim si Enzo. "Oo niloko na kita pero ikaw din naman hindi ba?! Niloloko mo kami!" Bigla namang natigilan si Luke. "Pareho lang naman tayo."

"Don't even try, Enzo." Ang sama ng tingin ni Luke sakanya. "Alam mong ikaw din naman ang may kasalanan ng lahat ng 'yon kaya wag mo nang subukan." Nagkatinginan na lang kami ni Skie. Hindi namin alam kung anong pinag uusapan nila. "Ayoko nang makita yang pag mu-mukha mo. Naiintindihan mo?"

Naglakad si Luke papunta sa kotse niya at pagkaalis niya lumapit agad ako kay Enzo. "Anong sinasabi mo? Anong niloloko tayo ni Luke?" Tanong ko.

"Wala 'yon. Una na ako."

Hinayaan na lang namin ni Skie si Enzo. "May alam ka ba tungkol sa nangyari sakanila?" Tanong ni Skie.

"Ngayon ko lang nalaman lahat ng 'yon. Mag kakape nga lang sana kami ni Angel kanina pero nakita namin sila na nagkakagulo kaya umawat agad ako. Bakit nandito ka? Kasama mo ba si Anya?"

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Where stories live. Discover now