Chapter 51: Wake up

575K 16.5K 9.5K
                                    





Naglakad ako palayo kay Kiro. Ayoko siyang makita, msyadong masakit. Hindi ko akalain na 'yong isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ko ng sobra, siya pa 'yong manloloko sakin. Mas masakit pa 'to sa panlolokong ginawa sakin dati nila Caleb. Mahalaga sakin si Kiro, mahal ko siya pero bilang matalik na kaibigan lang. Para ko na siyang kapatid.

"Why do you have to do this, Kiro?"

Napaupo ako sa bench sa labas ng hospital. Iyak lang ako ng iyak. Wala na akong pakialam kung nagiging mahina na naman ako ngayon. Kahit anong tigas ng puso ko, lalambot at lalambot 'yon para sa mga taong mahal ko.

"Do you mind if I sit with you?" tanong ni Caleb.

Hindi ko siya sinagot. Nakatulala lang ako habang patuloy na tumutulo 'yong luha sa mata ko. Ayoko talagang may nakakakita sakin na umiiyak pero hindi ko maiwasan.

"Here," inabot sakin ni Caleb 'yong panyo niya. "Please stop crying, it hurts me a lot to see you like this."

Kinuha ko 'yong panyo niya at pinunasan ko 'yong mga luha ko. "Hindi pala totoo na niloko ko ako. I'm sorry, Caleb." Hindi ko magawang tumingin sakanya dahil nahihiya ako. All this time, pinapahirapan ko siya pero hindi naman pala dapat.

Hinawakan niya 'yong kamay ko. "Angel, let's move-on. Ang mahalaga naman okay na tayo at willing pa din akong patunayan 'yong sarili ko sayo." Iniharap niya 'yong mukha ko sa mukha niya. "Mahal na mahal kita at gagawin ko ang lahat para sayo." Ngumiti siya sakin at pakiramdam ko bumalik lahat sa dati. 'Yong panahon na mahal namin ang isa't isa at masaya kami.

"I love you too.. Caleb."

Niyakap ko siya. That's what I need, his comfort. Sa lahat ng nangyayari ngayon, kailangan na kailangan ko ng comfort. Feeling ko babagsak na 'yong katawan ko anytime. Sana matapos na 'to lahat. Handa akong bumalik sa dating ako.

Nagpaalam kami ni Caleb para pumunta sa prisinto pero si Tito Charles at daddy na daw ang bahala don. Wala na sa hospital si Kiro, sabi ni Tita Serina umuwi na daw muna siya sa bahay nila. Nag stay pa kami sa hospital para samahan si Tita at para na din kay Skie.

After all, mahalaga pa din pala sakin si Skie. Hindi man katulad ng dati pero I still care for him.

The next morning, umuwi na kami nila Mommy at Daddy. Hindi pa din gumigising si Skie pero sabi naman ng doctor niya, nasa stable condition na siya.

Palagi akong dumadalaw sa hospital, kasama ko si Caleb. Buti na lang din, hindi kami nag papang-abot ni Kiro don. I still don't want to see him.

Si Anya, hindi pa siya bumibisita sa hospital. Siguro nahihiya siyang magpakita kay Skie. Dapat lang, pagkatapos ba naman ng lahat ng ginawa niya.

It's been three days na tulog pa din si Skie. Habang tumatagal mas lalo akong nag-aalala pero buti na lang, sa wakas nagising na siya.

"Anak, kamusta?" Naiiyak na tanong ni Tita Serina. "May masakit ba sayo? Tell me."

Lahat kami nakatingin sakanya. Ngumiti siya pagkatapos bigla siyang tumingin sakin, ang tagal niya akong tinitignan. Bigla na lang bumilis 'yong tibok ng puso ko.

Bakit siya nakatingin sakin nang ganito? Posible bang bumalik na 'yong alaala niya dahil sa aksidente?

"Trix?" Tanong niya.

Biglang naging blanko 'yong utak ko. Hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko. Hindi ako makapagsalita.

"Skie, bumalik na ba 'yong alaala mo?" Tanong ni Tito Charles.

Natahimik kaming lahat. Kinakabahan ako sa isasagot ni Skie pero bumalik 'yong tingin niya kay Tito Charles at umiling siya.

"Nope, I still don't remember anything. Hindi ko lang akalain na nandito si Angel."

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Where stories live. Discover now