Ika-sampu

28 0 0
                                    

Mag-iisang taon na rin pala simula noong hinayaan kong malunod ang sarili sa karagatan ng pag-ibig

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Mag-iisang taon na rin pala simula noong hinayaan kong malunod ang sarili sa karagatan ng pag-ibig. I had no idea what it felt like or how it would lure me, entice, and strike me as if being enchanted by a familiar lullaby that only you can sing.

Marahuyo; ito nga marahil ang makapagsasabi sa kung paano ako nadala sa tamis ng mga ngiti mo. Sa kung paano mo ako sinayaw sa lambing at mga yakap mo. Sa isang taon na pinagsaluhang nabuo sa pagkakaibigan, namamangha pa rin ako sa kung paano tayo sumapit sa sampung buwan ng pagmamahalan.

Mag-iisang taon na rin pala. Sa gitna ng hindi mabilang na hindi pagkaka-intindihan, lungkot, at pagkasabik, narito pa rin tayong nakatayo nang matuwid; patuloy na hinaharap ang malakas na hampas ng alon ng pagsubok.

I can't even count the times that I almost wanted to end what we had. Na minsan pala, sa gitna ng mataas na emosyon, darating ka sa puntong nanaisin mo na lang ang lumayo, makahinga, at magpahinga. Pero kapag naroon ka na, kapag sumapit na ang katahimikan ng gabi, at ang lahat ay mahimbing nang natutulog, hahanap-hanapin mo pa rin ang presensiya niya.

Sa gitna ng mga pagsubok, mapagtatanto mo pa ring sa kaniya magpahinga; sa mga bisig niya humimbing; sa mga haplos niya pumikit at sumiksik hanggang sa makatulog ka nang payapa.

Na gaya ng init at pamilyar na ligamgam ng kumot, at ang lambot ng kama, kasabay ng haplos ng mga kamay niya, hindi magiging sapat ang mga unan at makapal na kumot kung hindi lang din naman siya ang masisilayan mo sa umaga; sa unang paglitaw ng Araw, sa unang paghikab ng labi, sa unang pagmulat ng mapupungay na mga mata.

Ngayon alam ko na. Na masakit din pala ang dulot ng pag-ibig. Na totoo pala ang mga isinusulat ko tungkol dito; that Love will make you ride on a rollercoaster journey of multiple emotions. But as long as it makes you happy, makes you do good things, and makes you a better person each day, then it's the love that will last. Wala mang katiyakan ang lahat, pero sa kung anong mayroon tayo, I hope that it will last a lifetime.

Dahil nakadikit na sa akin ang pamilyar mong amoy, ang anino mo sa kahit saang sulok ng daigdig ka naroon. Susundan ng mga mata ko ang mapupungay mong mata na alam kong sa akin din patungo. Tatakbuhin ko ang direksiyon mo at pupunuin ka ng halik, ng haplos, ng yakap, at ng titig na kahit hindi nagsasalita ang labi, ang katahimikan ng ating mga mata ang makapagdidikta ng nararamdaman ng bawat isa.

In this world full of mouths that never stop blaberring, and eyes, and ears that never quit on prying, I want us to live with serenity; living on a paradise that we've built together, not minding the people that want us to end.

Sa patuloy pang paghampas ng alon ng pagsubok, at bagyo na makapaghihiwalay sa binuo nating tulay, na nagdudugtong sa pag-ibig kahit gaano kalayo, patuloy sana tayong lumaban at hanapin ang daan patungo sa isa't isa. ​

MarahuyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon