PagibigAy

6 0 0
                                    

Para sa mga pag-ibig na akala.
Sa mga labing humikbi.




Nakakatawa kung iisipin,
kung paanong pwedeng maging kapalit ng kilig ang lungkot.
kung paanong pwedeng mag-isa ang dating dalawa.
Kung paanong pwedeng maghiwalay ang akala mong habambuhay.

Kung paanong sa bawat ligamgam na haplos mo
ay puwedeng maging malamig
na hangin na dadampi sa balat.
Kung paanong ang bawat init ng halik mo ay puwedeng maging init ng luha
pababa sa labi ko,
na minsan mo nang hinalikan.
Kung paanong puwedeng hindi na tayo magkakilala ngayon,
pagkatapos kong kabisaduhin ang bawat detalye sa'yo.

Nakakatakot kung paanong,
sa isang iglap lang,
hindi na tayo katulad ng dati.

Pero natuto ako
noong sa iba mo na hinanap
ang wala sa akin.

na sa pag-ibig,
hindi pala sapat ang mahal kita.
Hindi pala sapat na parehas lang kayo ng hilig,
o ng kulay
o ng musika.

Kasi ang totoong bersyon no'n
ay malungkot,
pero may saya.
Mapakla,
pero matamis.
Nakasimangot,
pero nakangiti.

At ang totoong pag-ibig
ay kumakapit,
umiiintindi,
at lumalago.

Hindi sa bawat pananatili
na katumbas ay sumbat.
Hindi sa bawat pananatili
na iiwan mo rin sa huli.
Hindi sa bawat pananatili
na hahanapin mo lang din sa iba.
At 'pag hindi 'yon nahanap,
babalik ka na naman na parang walang nangyari.

Hindi gano'n ang pag-ibig.
Payapa ito.
Hindi pabago-bago.
Tahimik ito.
hindi maingay at nakakalito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MarahuyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon