KABANATA 3

21 4 1
                                    

Mabilis syang napalingon sa kanyang likod nang marinig ang tinig na iyon, Doon ay nakita nya ang lalaki bagamat wala mang emosyon ang mukha nito ay hindi iyon nakabawas sa angkin nitong kagwapuhan mas lalo pa nga yatang nadepina ang mukha nito na parang inukit nang isang magaling na pintor.

"Rouge!Sinaktan ako nang babaeng ito." Napatingin sya dito nang ituro sya nang babae, Sinundan nang mga mata nya kung paano pumalibot ang mga kamay nito sa braso nang lalaki.

Mabilis syang nag-angat nang tingin sa lalaki habang nagtatanong ang mga mata, Bakit ito nagpapahawak sa iba? Hindi ba nito alam na sya ang itinakda dito. Malamig lang ang tingin nito sa kanya at walang ginagawa upang tanggalin ang mga kamay nang babae.

Nakita nyang bumaba ang tingin nito samay leegan nya may kung anong emosyon sa mga mata nito habang nakatitig doon. Namumula at medyo masakit padin ang parteng yon dahil sa pagkakasakal nito kanina.

"Why are you still here?" Malamig ang boses nito habang nakatitig sa kanya. Napahawak sya sa tapat nang kanyang puso nang bahagyang kumirot iyon dahil sa sinabi nang lalaki, Lumipat ang tingin nya sa babaeng nakapulupot dito nang makita nya ang ngisi nito.

"A-Anong B-Bakit-" Hindi nya magawang ituloy ang mga sasabihin dahil nakita nya kung paano lalong lumamig ang mga mata nang lalaki.

"Sino ba ang babaeng ito honey? Bago kolang sya nakita dito." Itinuro sya nang babaeng bampira habang nakatingin ito sa lalaking katabi.

Hindi naman sumagot ang lalaki at nanatili ang titig nito sa kanya, Kumabog nang malakas ang dibdib nya dahil sa paraan nang pagtingin nito sa kanya. Gusto nya itong lapitan at kausapin na hindi nya magawa dahil sa babaeng nakapulupot dito.

"I want to talk to her." Malamig na sabi nito bago sila talikuran nakita nya pa ang muntik na mabuwal ang babae dahil sa biglaang paghawi dito.

Napayuko sya nang balingan sya nito nang masamang tingin bago mabilis na nawala sa kanilang harapan.

Come

Muntik pa syang mapatalon sa gulat at nanlaki ang mga mata nang may magsalita sa kanyang isip, Lumingon sya kay sandra at tinanguan ito bago nanginginig sa sinundan nya ang amoy nang lalaki. Natagpuan nya ito sa kwarto na hula nya ay pribadong silid nito, Nakatalikod sa kanya ang lalaki kaya malaya nyang napagmasdan ito.

Malakas syang napasinghap nang mabilis na nakalapit sa kanya ang lalaki, Natagpuan nalang nya ang sarili na nakasandal na sa pader habang mahigpit ang kapit nito sa kanya.

Napapikit sya nang bahagya sya nitong itiningala at hinawi ang buhok nya bago nito inamoy ang leeg nya. Tumindig ang balahibo nya sa batok dahil ramdam na ramdam nya ang mainit na hininga nito samay leeg nya.

"Fuck." Narinig nya ang mahinang daing nito habang patuloy sa pag amoy sa kanya, Nanigas sya nang maramdaman ang matutulis na pangil nito na pinadaanan ang pagitan nang leeg at balikat nya naramdaman nya pa ang konting dugo na dumaloy doon.

Bahagya syang napaigik dahil sa sakit na dulot nang matutulis na pangil nito na agad ring nawala nang maramdaman nya ang marahang pagdila doon nang lalaki. Hindi nya napigilan ang mainit na pakiramdam na kumalat sa bawat himaymay nang katawan nya dahil sa tensyon.

Lalo nya pang itiningala ang ulo upang mabigyang laya ang lalaki sa pagdila sa leeg nya, Hindi nya maintindihan ang sobrang init na nananalaytay sa kanya dahil sa lalaking ito bago ang lahat sa kanya ngunit tila nakilala agad nang kanyang katawan ang lalaki.

"Hmm." Hindi nya maiwasang mapadaing dahil sa madiing pagsipsip na ginawa nito sa balat nang leeg nya.

Hinihingal sya nang sa wakas ay itinigil  na nito ang ginagawa sa kanya, Napatingin sya dito at nakitang nandidilim na naman ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

Hindi nya maipaliwanag kung ano ang emosyon na nasa mga mata nito habang mariing nakatitig sa kanya. Nanlambot ang tuhod nya at bumagsak sa mga bisig nito. Naramdaman nya ang marahang pagbuhat sa kanya nito at dinala sya sa malambot na kama.

"S-Sandali." Hinawakan nya ang braso nito nang akmang lalabas ito sa silid.

Naramdaman nya ang bahagyang paninigas nito dahil sa paghawak nya.

"Gusto kitang makausap." Lakas loob nyang sabi habang nakatitig sa kulay pilak na mga mata nito. Nakita nya kung paano muling nawalan nang emosyon ang mukha nang lalaki.

Napasinghap sya nang hawiin nito ang kamay nyang nakakapit sa braso nito.

"Sino ka para hawakan ako." Natulala sya sa sinabi nito kita nya pa ang pagtatagis nang bagang nito habang madilim na naman ang mga mata na nakatingin sa kanya. Imposible alam nyang nararamdaman din nito kung ano ang nararamdaman nya.

Alam nyang ito ang lalaking kapareha nya dahil ngayon nya lang naramdaman ang ganitong pakiramdam nang makilala nya ang lalaking kaharap. Ngunit bakit ganito nalang ang trato nito sa kanya.

"P-Pero ako a-ang-" Napatigil sya sa pagsasalita at napaiktad nang mahigpit syang hawakan nito sa balikat.

"Are you spying on me?" Napaigik sya nang lalong dumiin ang hawak nito sa kanya. Nangilid ang luha nya dahil sa nakikitang reaksyon nang lalaki.

"H-Hind-" Hindi na nya natuloy ang gagawing pagtanggi nang makarinig sila nang sigaw galing sa labas.

"ALPHA MAY NAKAPASOK NA KALABAN SA ATING TERETORYO."

Kitang kita nya ang lalong pagdilim nang mukha nang lalaki nang marinig nito ang sigaw na iyon. Nagtagis ang bagang nito na muling ibinalik ang tingin sa kanya, Mabilis syang umiling dito upang sabihin na wala syang kinalaman doon pero mahigpit lang nitong hinawakan ang balikat nya.

"Rex." May pumasok naman na lalaki at mukhang nabigla pa nang makita sya.

"Alpha." Sagot nito at yumuko sa lalaki bago nagtatakang tumingin sa kanya.

"Ikulong mo sya sa pihitan at wag palalabasin hangga't hindi pa ako nakakabalik." Nanlaki ang mga mata nya sa narinig bago sinubukang abutin ang lalaki. Umiling-iling sya bago nagmamakaawang tumingin dito.

Malamig lang syang tinignan nito at marahas na hinawi ang kamay nya bago sya tinalikuran at umalis. Tumulo ang luha sa mga mata nya at hindi makapaniwala sa nangyari.

Kanina lang ay ramdam na ramdam nya pa ang pag-iingat nito sa kanya pero ngayon, napahawak sya sa dibdib dahil sa matinding pagkirot niyon.

Hindi na nya namalayang kinain sya nang dilim dahil sa sobrang panghihina ang natatandaan nalang nya ay may bumuhat sa kanya bago sya tuluyang nawalan nang malay.










TAMED HIMWhere stories live. Discover now