KABANATA 12

14 2 0
                                    

Humahangos na mabilis syang tumakbo kung saan naroon ang lalaki labis-labis ang kaba at pagkabog nang kanyang puso dahil sa nalaman.

Naramdaman naman nyang nakasunod lang din sa kanya si sandra katulad nya ay labis din ang pag-aalala nito para sa kanilang alpha.

Hindi nya maintindihan kung bakit malala ang tama nang lalaki gayong alam nyang napakalakas nito kumpara sa ibang lobo. Nanginginig ang buong katawan nya dahil sa labis na takot na nararamdaman para sa lalaki.

Nang makarating sya sa silid kung nasaan ito ay tila binawian sya nang lakas at nanlumo nang makita ang kalagayan nang lalaki. Namumutla at bakas parin ang sugat na hindi pa nag hihilom sa may bandang tiyan nito wala ding malay ang lalaki.

Agad naman nyang nakita ang beta at gama nito na kaagad na napayuko nang makita syang pumasok.

"Anong nangyari sa kanya?" Lumapit sya sa lalaki at tinitigan ito, Nangilid ang luha sa kanyang mga mata habang pinapasadahan nang tingin ang buong katawan nang lalaki bukod sa nasa tiyan nito ay wala na syang ibang nakita na sugat sa katawan nito.

"Tinamaan sya nang isang palasong pilak, Humihingi kami nang kapatawaran dahil hindi namin naprotektahan ang alpha." Nakayukong sagot sa kanya nang gama na si zil. Nanlumo sya sa narinig na sinabi nito kaya naman pala ganito nalang ang natamo nang lalaki dahil tinamaan ito nang pilak na talaga namang hindi pwede sa mga taong lobo kagaya nito.

Kahit gaano pa kalakas ay walang nakakatakas sa pilak pag ito ay dumikit sa katawan nang mga lobo dahil iyon ang nakakapatay sa kanila.

Mabuti na lang ay mukhang nadaplisan lang ang lalaki pero malaki padin ang epekto noon dito. Huminga sya nang malalim at umupo sa tabi nito.

"Maaari nyo ba muna kaming iwanan." Tanong nya sa mga ito habang nanatili ang titig sa walang malay na lalaki, Ayaw nya lang na may makakita sa kanyang gagawin dahil gusto nyang panatiliin pansamantala ang tahimik na buhay kasama ang lalaki.

Kahit hindi sya nakatingin ay naramdaman nyang tumango ang mga ito at agad na lumabas.

Huminga sya nang malalim na wala nang maramdaman na presensya nang ibang lobo sa paligid, Hinawakan nya sa tiyan ang lalaki ilang sandali lang ay umilaw ang kamay nya na nakahawak dito bago unti-unting naghilom ang sugat na nasa tiyan nito. Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi dahil hindi na maputla ang lalaki.

Ngunit alam nyang pag kagising nito ay sobra ang pangangailangan nito sa dugo, Nahiga sya sa tabi nang lalaki at yumakap sa bewang nito. Sa lalim nang kanyang iniisip ay hindi na nya namalayang nakatulog na pala sya sa mga bisig nang lalaki.

Naalimpungatan sya nang maramdamang may nakatitig sa kanya napalingon sya sa katabi nakasalubong naman agad nya ang madidilim nitong mga mata habang nakatitig sa kanya.

Alam nya ang dahilan nang titig nito napangiti sya dahil kita nyang pinipigilan nito ang sarili dahil narin sa pag-iigting nang panga nito. Umayos sya sa pagkakaupo bago lumapit pa sa lalaki tinanggal nya ang mga nakaharang na buhok sa kanyang leeg.

Kita nya ang lalong pandidilim sa mga mata nito at paglabas nang mga pangil kahit na pilit nitong pigilan iyon. Maharahan nyang tinanguan ang lalaki, Napasinghap sya nang mabilis sya nitong kinubabawan at marahang pinasadahan nang dila ang pagitan nang leeg at balikat nya.

Napaigtad sya at napahawak sa balikat nito nang maramdaman ang marahas na pagbaon nang mga pangil nito sa parteng iyon nang leeg nya. Pumikit sya nang mariin dahil unti-unting bumibigat ang paghinga nya.

Hinaplos nya ang buhok nang lalaki nang bumilis ang pagsipsip nito sa dugo nya na tila nawala ito sa sarili.

Napakagat sya sa ibabang labi nang lalong patingalain sya nito, Nakita nyang bahagyang lumayo ang mukha nang lalaki sa leeg nya bago sya tinitigan. Napapikit nalang sya nang bumaba ang mukha nito sa mukha nya bago nya naramdaman ang paglapat nang mga labi nito sa kanya.

Maharan sya nitong hinalikan bago muling bumama ang mga halik nito sa leeg nya bahagya pa syang napaiktad nang muling bumaon ang pangil nito sa taas nang dibdib nya.

Ilang minuto pa ay tuluyan nang tumigil ang lalaki dinilaan nito ang mga kagat sa katawan nya para mabilis iyong maghilom. Umayos ito nang upo at muling tumitig sa kanya nawala na ang madilim nitong mata napalitan na iyon nang pagkalamlam.

"I'm sorry did i drink a lot?" Umiling sya bago ito nginitian nakita naman nya ang paghinga nito nang malalim bago sya hatakin palapit. Pinahiga sya nito sa dibdib bago marahang hinaplos ang buhok nya.

"Anong nangyari sayo bakit ka tinamaan nang pilak na palaso?" Tanong nya sa lalaki habang ganoon padin ang posisyon nila. Naramdaman naman nya ang bahagyang paninigas nang katawan nito dahil sa sinabi nya.

Nakita nyang tahimik lang ito habang nakatingin sa malayo mukhang malalim ang iniisip nito.

"Rouge?" Napabalik ang tingin nito sa kanya bago sya tinitigan hindi nya alam kung bakit kinabahan sya sa tingin nito parang may mali.

Nakita nyang umiling ito bago sya hinalikan sa noo at muling niyakap. Kung ano man yon sana ay walang mangyaring masama dito.

Umalis ang lalaki kasama ang beta at gama nito dahil may mahalaga daw na dadaluhan na pagpupulong si rouge. Kasalukuyan syang naglalakad kasama si sandra balak nilang magtungo sa hardin na nasa likod nang mansyon.

Habang naglalakad ay masaya syang bumabati sa mga lobo na nakakasalubong nya sa mahigit isang linggo na pananatili nya sa lugar ay napalapit na sya sa mga ito. Pansamantalang nawala ang ngiti nya nang makitang papalapit sa kanya ang bampirang na bangga nya noon.

Huminga sya nang malalim bago ito nginitian nang marahan na tinaasan lang naman sya nang kilay sa huli.

"Well it's you." Ngumisi ito sa kanya bago sya tinignan nang may pang-uuyam sa mga mata, Nginitian nya lang ito na kinawala nang ngisi pansamantala sa mga labi nito.

"Akala mo ba mapapalitan mo sa puso ni rouge si riya?" Ngumisi ito nang makitang natigilan sya. Bakas ang pang iinsulto sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

"Masyado ka namang ilusyunada kilala mo si riya hindi ba? Alam kong pinaglalaruan kalang ni rouge at sa oras na bumalik si riya dito." Naninikip ang dibdib nya sa sinabi nito pero hindi sya nagpapaapekto may tiwala sya sa lalaki alam nyang hindi sya nito iiwan.

"Mawawalan ka nang saysay sa alpha at maiiwan kang luhaan." Lumawak ang ngisi nito bago sya tinalikuran. May tumulong luha sa mga mata nya na agad nyang pinahiran bago nagpatuloy sa paglalakad.

"Gusto kong mapag-isa." Sabi nya nang akmang susunod pa sa kanya si sandra.

Mabilis syang tumakbo para mabilis na makarating sa hardin at naupo roon kahit anong pilit nya sa sarili na wag maniwala sa mga sinabi nang babae ay hindi mapigilan. Paano nga kung bumalik rito ang babae? Pero isa lang ang ipinapangako nya ipaglalaban nya ang lalaki dahil may karapatan sya.

Walang makakapag paalis sa kanya sa tabi nito maliban dito.
















TAMED HIMWhere stories live. Discover now