KABANATA 11

14 2 0
                                    

Tatlong araw na ang mabilis na lumipas nang maganap ang pangyayaring iyon, Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi nang maalala kung paano na sya tratuhin nang lalaki ngayon. Sa tatlong araw na nakalipas ay ramdam nya ang pag-aalaga sa kanya nang lalaki.

Hindi ito umaalis nang hindi sinasabi sa kanya at mas lalong naging malapit ang loob nila sa isa't-isa.

Sa tatlong araw nadin nayon ay dito na sya nanatili sa pribadong gubat kung saan ang pack nang lalaki, Nang makalawang araw ay nakausap na nya ang mga magulang kasama nito.

Hindi nya maiwasang ngumiti nang maalala ang araw na iyon.

Balak nya sanang bumalik sa gubat kung nasaan ang kanyang ama't ina dahil dawalang araw na nyang hindi nakikita ang mga ito.

Habang naglalakad sya sa may pasilyo palabas nang malaking mansyon ay nakasalubong nya ang lalaki kasama ang beta at gama nito na kasalakuyang may pinag-uusapan, Pinili nya nalang na hindi na magsabi dahil saglit lang naman sya at babalik din kaagad.

Tatalikod na sana sya nang mapapikit nang tawagin sya nang beta nito, Dahan-dahan syang humarap sa mga ito at kiming ngumiti, Nadaanan nya pa ang malalamig na mga mata nang lalaki.

"Saan ka paroroon binibini?" Takang tanong nang beta na pagkakatanda nya ay rex ang pangalan, Nakaharap na sa kanya ang tatlo at nakatingin sa kanya. Napalunok sya nang magtagal ang tingin nya kay rouge dahil may iba sa mga titig nito.

"M-May kailangan lang akong puntahan." Marahan syang ngumiti sa mga ito nang hindi na tumitingin sa mga mata nang lalaki, Napaayos sya nang tayo nang maramdaman ang paglapit nang lalaki sa kanya.

Panandalian yatang tumigil ang pagtibok nang puso nya nang ilapit nang lalaki ang mga labi sa may tenga nya bago bumulong roon, Napaigtad pa sya nang maramdaman ang mainit na hininga nang lalaki sa leeg nya.

"Wala kang balak sabihin sa'kin?" Ito pa ang isang dahilan, Sa isang araw na lumipas ay mas madalas na nyang naririnig na magtagalog ang lakaki pag sila lang dalawa ang magkausap.

"H-Hindi mukhang busy ka kase kaya hindi na kita inabala s-saglit lang naman ako babalik din." Umiiling pa nyang paliwanag habang aligaga dahil mas lalong lumapit sa kanya ang lalaki.

Nakita nya pa ang sumilay na ngiti sa mga labi nang beta at gama habang nakatingin sa kanila bago napagpasyahang umalis. Agad naman syang nataranta dahil doon.

Napasinghap sya nang maramdamang lumapat ang mga labi nang lalaki sa leeg nya bago humalik roon. Sa isang araw na lumipas ay napansin nyang mas naging clingy sa kanya ang lalaki.

Lagi itong nakadikit at nakahalik sa kanya, Hindi din ito pumapayag na nawawala sya sa paningin nito kaya wala syang magawa kung hindi magsabi dito pag aalis sya.

"I want to go with you." Kumabog nang mabilis ang tibok nang puso nya nang marinig ang sinabi nito. Lumunok sya bago mabilis na napailing, nagulantang sya nang makita ang pagdidilim nang mukha nito at nag-igting ang panga.

"Sasama ako whether you like it or not." Wala sa huwisyo syang napatango dahil sa malamig at malalim na tinig nito.

Kinakabahan sya dahil sa magiging reaksyon nang kanyang ama't ina pag nakitang may kasama syang iba.

Nauna na itong maglakad at agad naman syang napasunod nang wala sa huwisyo, Nagulantang sya nang hatakin sya nito papalapit at inakbayan bago ito muling naglakad kasama sya.

Naramdaman nya ang pag-iinit nang magkabilang pisngi dahil sa ginawa nito rinig din nya ang malakas na pagkabog nang kanyang dibdib, Dahil don ay nagpumilit syang makalayo rito nang ilang hakbang sa takot na marinig iyon nang lalaki.

TAMED HIMWhere stories live. Discover now