KABANATA 6

18 2 0
                                    

Nagising ako dahil sa mga kamay na humahaplos nang marahan sa buhok ko, Tumama ang tingin ko sa lalaking mataman ang titig sakin. Ngumiti ako bago niyakap ang bewang nya.

"I'm sorry." Napatingin ako sa kanya nang bigla syang magsalita.

Naalala kona naman ang mga nangyari kahapon, Sinubukan kong tumayo para sumandal. napaigik pa ako nang maramdamang humapdi ang leeg ko.

"Sino sya?" Tanong nya sa lalaki na umupo sa tabi nya at tinulungan syang makasandal, Nakita nya ang pag-iwas nito nang tingin sa kanya bago bumuntong hininga.

"She's my friend." Inantay nya pang dugtungan nito ang sinabi pero tikom na ang bibig nito. Hindi nya alam ang mararamdaman dahil sa sinabi nito. Halata namang may gusto ang babaeng bampira nayon sa lalaki.

"Kasintahan?" Lalong sumikip ang dibdib nya nang hindi nagsalita ang lalaki at nanatiling tahimik.

Siguro ay kasintahan ito nang lalaki kaya't ganoon nalang katakutan ang babae sa pack nito. Halata namang ginagalang ang babaeng yon dito.

Tumalikod sya dito para hindi makita ang tumakas na luha sa mga mata nya. Nasasaktan sya dahil halata dito na  kilalang-kilala nito ang babae at tingin nya'y mukhang matagal nang may pinagsamahan ang dalawa base sa pinapakita nito. Samantalang sya ni pangalan nya hindi alam nang lalaki.

Alam nyang may karapatan sya dahil sila ang itinadhana sa isa't- isa pero anong laban nya kung hindi sya nito gusto at meron nang babae sa tabi nito.

Lalo lang syang nasasaktan nang hindi nya maramdaman na minarkahan sya nito. Nahulog muli ang isang butil nang luha sa mga mata nya kinagat nya ang ibabang labi para hindi marinig nang lalaki ang pagtangis nya alam nyang nasa likod pa ito, Nakatitig sa kanya.

Hindi sya nagsalita nang marinig muli ang buntong hininga nito bago sya hinalikan sa buhok at umalis. Nalulungkot sya dahil hindi nya maramdaman mula sa lalaki ang laging sinasabi sa kanya nang kanyang ina pag nagtagpo sila nito.

May pagkakataon na tingin nya sobrang importante nya dito at may pagkakataon naman na laging tingin nya ilag ito sa kanya. Anong dahilan nito? Mukhang binibigyan nang lalaki nang distansya ang pagitan nila.

Kailangan nya iyong alamin.

Lumipas pa ang ilang minuto bago nya napag-isipang tumayo dahil balak nyang umuwi sa gubat kung saan sya lumaki. Hindi man nya gusto malayo sa lalaki ngunit kailangan nyang magpakita sa kanyang ama't ina.

Mabilis syang lumabas sa silid hindi naman nya nakita ang lalaki at kahit ang amoy nito ay wala sa lugar. Malungkot nyang nilisan ang lugar na iyon at bumalik sa gubat kung nasaan ang kanyang mga magulang.

Nakasalubong nya ang kaibigang lobo na tumatakbo pabalik sa gubat natawa sya nang talunin sya nito at sabay silang bumagsak sa damuhan.

Naramdaman nyang inamoy-amoy sya nang lobo na kinalawak nang ngiti nya.

May kakaibang amoy na nakahalo sa amoy mo astrid

Napahagikhik sya sa sinabi nito dahil may halong akusasyon ang tinig nang kaibigang lobo. Bumangon sya bago hinarap ang kaibigan.

"Natagpuan ko na sya sera." Nakangiting sabi nya dito bago hinaplos ang makapal nitong balahibo.

Ang iyong kapareha

Tumango sya sa sinabi nito. Sumakay sya sa kaibigan at mabilis naman itong tumakbo papasok sa loob nang gubat.

Ngunit saan mo sya natagpuan

"Mahabang kwento sera hayaan mo ikekwento ko sayo mamaya." Sagot nya dito umangil naman nang malakas ang lobo na lalong ikinangiti nya alam nyang gusto nitong kilalanin kung sino ang lalaking itinakda sa kanya.

Kaibigan na nya si sera magmula pa lamang nang bata sya hindi katulad nya na pwedeng maging tao ay iba si sera hindi nito nagagawang maging tao sa hindi nya malamang dahilan.

Ano ang kanyang lahi

"Lobo, Isa syang lobo sera." Napangiti sya nang biglang lumitaw sa kanyang isip ang pilak na mga mata nang lalaki.

Ngayon pa lamang ay gusto na nyang bumalik kung nasaan ito ngunit alam nyang hindi sya welcome doon.

Hindi rin naman sya mahahanap nito dahil kahit sino ay hindi makakapasok dito sa kanilang kagubatan dahil sa mahikang nababalot dito na ka- gagawan nang kanyang lola na naging proteksyon nila sa kung sino mang lobo o bampira ang magtatangka nang masama sa kanila.

Aantayin nya nalang ulit ang tadhana na pagtagpuin sila nang lalaki, Alam nyang hindi iyon nararapat dahil sila ay itinadhana.

Sa isang banda ay tumilapon ang isang lobo dahil sa pagwawala nang isang lalaki. Sobrang dilim nang mga mata nito at nagtatagis ang bagang. May hinahanap itong isang babae na bigla nalang nawala doon. Hindi maawat ang lalaki mas lalong naging marahas ito at tila nawawala sa sarili.

"WHERE THE FUCK IS SHE." Nangilabot ang ibang lobo na naroon nang marinig ang malamig nitong boses na nangibabaw dahil sa sobrang katahimikan. Hindi magkanda ugaga ang mga nasasakupan nito na hanapin ang babae dahil hindi tumigil sa pagwawala ang kanilang alpha.

"FIND HER." Malamig ang boses nito bago nilisan ang lugar. Nagsi kilusan naman ang mga taong lobo doon upang hanapin ang babae.

Natatakot sila na bumalik ito sa dati katulad nang mawala ang dati nitong mate. Ilang taon na ang lumipas mula nang mangyari ang isang digmaan sa pagitan nang dalawang pack. At dahil din doon ay nawala ang sanang magiging luna sa kanilang pack.

Kaya ngayon ay nagtataka sila kung sino ang babaeng hinahanap nito gayong alam naman nila na ang babaeng dating kasintahan lang nito ang mamahalin nang kanilang alpha, Kaya't nagtataka sila sa reaksyon nito ngayon. Namumutla parin ang babaeng si sandra habang hinahanap si mahamaya sa buong lugar nila.

Hindi nya alam kung saan ito nagpunta dahil ang alam nya ay nakakulong ito sa kanilang pihitan ayon sa beta nilang si rex. Namumutla sya dahil hindi nya matagpuan ang magandang babaeng nakilala nya kagabi.

Natatakot sya dahil sa pagwawala nang kanilang alpha dahil hindi nito makita ang babae, Nagtataka lang sya sa reaksyon nito gayong alam nya na tinulungan lang naman nito ang babae.

Kahit sya ay hindi malimutan ang maganda at napaka among mukha nang babae, Maganda naman ang dating kasintahan nang kanilang alpha ngunit kakaiba talaga at bukod tanging nangingibabaw ang ganda nang babaeng dinala dito nang kanilang alpha na kasalukuyan ay syang pinapahanap sa kanila.

Nasaan naba ang babae sinubukan nyang hanapin ang amoy nito sa lugar ngunit tanging hapyaw nalang nang amoy nito ang naiwan sa paligid ang naaamoy nya wala na sa lugar nila ang babae alam nya iyon.













TAMED HIMWhere stories live. Discover now