KABANATA 13

13 2 0
                                    

Ilang araw pa ang lumipas at magdadalawang linggo na syang nananatili dito sa gubat kung saan ang pack nang lalaki, Marami ang nangyari sa mga lumipas na araw mas lalong naging malapit sila nang lalaki. Nagagalak sya dahil mas napalapit sya sa mga taong lobo katunayan nga ay luna na ang tawag sa kanya nang mga ito na labis nyang kinasaya dahil tanggap na sya nang mga ito.

Kasalukuyan silang nasa silid nang lalaki habang parehas nababalot nang makapal na kumot ang hubad nilang katawan nakahiga sya sa dibdib nito habang parehas silang hinihingal.

Naganap na naman kase nang magdaan ang gabi ang kabilugan nang buwan. Sumilay ang ngiti sa labi nya nang maramdaman ang marahang paglapat nang labi nang lalaki sa buhok nya at niyakap sya ng mahigpit.

Mahigpit nyang niyakap ito at sumubsob sa malapad nitong dibdib, ilang minuto silang ganoon hanggang sya na ang unang humiwalay.

"Mahal kita rouge." Sinabi nya ang katagang yon habang nakatitig sa lalaki, Nakita nyang natigilan ito bago napatingin sa kanya. Kumabog ang dibdib nya nang walang nakuhang sagot dito nakatitig lang ito sa kanya habang walang ekspresyon.

Nanikip ang dibdib nya nang tumayo ito at nagsuot nang damit bago sya hinalikan sa noo at umalis. Nangilid ang luha sa mga mata nya at natulala, Ganoon nalang palagi ang nangyayari pag sinasabi nya iyon sa lalaki.

Wala itong sagot at agad na umiiwas sa kanya alam nya kung bakit, Alam nya ang dahilan na lalo lang kinasikip nang dibdib nya. Marahil mahal parin nito ang dating kasintahan kahit na alam nyang mahalaga sya dito hindi parin niyon nababago ang katotohanan.

Tumalikod sya at hinayaang umalpas ang hikbi sa kanyang labi bumibigat ang pakiramdam nya, Ilang minuto pa syang ganoon bago sya unti-unting nilamon nang dilim pero bago yon naramdaman nyang may tumabi sa kanya bago sya mahigpit na niyakap.

Nagising sya na mabigat ang pakiramdam agad syang tumayo dahil balak nyang bumisita sa gubat kung nasaan ang kanyang ama't ina dahil nasasabik na syang makita ulit ang mga ito mahigi't dalawang linggo narin ang lumipas na hindi nya nakikita ang kanyang mga magulang.

Nais nya muna ding umiwas sa lalaki pansamantala dahil bumibigat parin ang pakiramdam nya dito.

Mabilis syang nakarating sa gubat kung nasaan ang mga magulang nakita nya ang kanyang ina na nagdidilig nang halaman sa may bukana nang kanilang bahay ngumiti ito nang makita sya.

"Anak napadalaw ka." Malawak ang ngiti nito at binitawan ang hawak bago lumapit sa kanya, Hinalikan sya nito sa noo bago niyakap nang mahigpit.

Kapagkuwan ay lumingon ito sa likod nya na parang may hinahanap. Tumingin ito sa kanya at nagtanong.

"Hindi mo kasama ang mate mo?" Takang tanong nang ina umiling sya at bumuntong hininga.

"Si ama ina?" Paglilihis nya sa usapan dahil naramdaman nyang nanikip na naman ang dibdib nya nang maalala ang lalaki. Niyaya nya pumasok ang ina sa loob nang kanilang tahanan.

"Nangangaso ang iyong ama anak." Tumango nalang sya at napagpasyahang tulungan ang ina sa paghahanda nang makakain.

Hindi nya namalayang mabilis na lumipas ang oras at mag gagabi na nang mapagpasyahan nyang bumalik sa pack nang lalaki. Mabilis syang tumakbo upang makarating agad sa gubat ilang minuto lang ang nakarating nadin sya pero kumuno't ang noo nya nang makita ang mga bantay sa bukana na natataranta na parang may hinahanap kita din nya ang pamumutla nang mga mukha nang mga ito.

Mabilis syang lumapit at akmang magtatanong nang pumalinlang ang malakas at malalim na boses na nagsalita sa kanyang isip.

WHERE THE HELL ARE YOU?!

Napatalon sya sa gulat at muntik pang mapatili dahil sa lakas nang boses nito. Dahil sa paggalaw nang mga tuyong dahon ay napatingin agad kung nasaan sya ang mga bantay doon.

Nakita nyang natatarantang lumapit ang mga ito sa kanya. "Luna saan kaba nagpunta kanina ka pa hinahanap nang alpha." Bakas parin ang pamumutla sa mga mukha nang mga ito habang kinakausap sya.

"May pinuntahan lang ako, nasaan sya?" Malamyos na tanong nya sa mga ito, Nakita naman nyang parang nakahinga nang ayos ang mga ito.

Giniya sya papasok sa gubat nang mga ito. "Sa punong bulwagan luna." Tumango sya bago nagpaalam sa mga ito na pupuntahan nya ang lalaki.

Huminga sya nang malalim bago pumasok sa loob nang mansyon nang makita sya nang mga tao doon ay nakahinga nang maluwag ang mga ito.

Dumeretso sya kung nasaan ang lalaki nakita nyang madilim na naman ang mukha nito habang nag-iigting ang panga na nakatitig sa kawalan.

Nakita nyang natigilan ito at umamoy sa hangin bago mabilis na napatingin kung nasaan sya. Nakita nya agad ang pagkawala nang dilim sa mga mata nito bago mabilis na lumapit sa kanya.

"Where have you been?" Lumambot ang mukha nya nang makita ang pag-aalala na nakaukit sa mukha nang lalaki alam nya kung bakit ganito nalang ang reaksyon nito natatakot itong malaman nang mga kaaway nito na sya ang mate nya.

"Patawad bumisita lang ako kana ama't ina." Nakayuko nyang sabi bago pinaglaruan ang mga daliri.

Narinig naman nyang bumuntong hininga ito bago sya niyakap nang mahigpit binaon nya ang mukha sa malapad nitong dibdib kaya rinig nya ang mabilis na pintig nang puso nang lalaki na kinalambot nang puso nya.

Marami ang kalaban nang lalaki at humahanap ang mga ito nang paraan upang mapabagsak sya kaya labis nalang ang takot nito pag hindi sya nakikita dahil ayaw nitong masaktan sya at madamay sa gulo. Mukhang dala parin nang lalaki ang trauma dahil sa nangyari sa dating kasintahan nito.

Napahinga sya nang malalim dahil naalala na naman nya ang babae gusto nyang tanungin ang lalaki tungkol dito pero natatakot syang makumpirma ang mga hinala nya, magtitiwala nalang sya dito dahil alam nyang hindi sya sasaktan nang lalaki.

Nakaramdam sya nang panunuyo nang lalamunan dahilan para humigpit ang kapit nya sa lalaki. Lumayo naman ito sa kanya bago sya tinitigan.

Marahil nakita nito ang dahilan sa mga mata nya, Nakita nya ang pagtaas nang sulok nang labi nito habang titig na titig parin nang mariin sa kanya.

Bumaba ang tingin nya sa leeg nito lalo nyang naramdaman ang panunuyo nang lalamunan kaya mabilis nyang hinatak ang lalaki patungo sa silid nito.

Nang makarating sa loob nang silid ay mabilis syang humarap sa lalaki habang nakalabas ang mga pangil, Hinatak sya nito palapit sa malaking kama na naroon bago ito umupo kasama sya. Paharap syang nakaupo dito habang nakahawak ang magkabila nitong kamay sa bewang nya.

Masuyo nitong hinaplos ang buhok nya bago sya inilapit sa leeg nito, Tinitigan nya muna ang lalaki bago mabilis na ibinaon ang pangil sa leeg nito. Naramdaman nya ang paghigpit nang kapit nito sa bewang nya at marahang paghaplos roon. Hindi nya mapigilan alam nya ang dahilan kung bakit ganoon nalang ang pagkauhaw nya sa dugo nang lalaki.

Dahil sa batang unti-unting nabubuo sa sinapupunan nya.










TAMED HIMWhere stories live. Discover now