KABANATA 5

19 3 0
                                    

Naalimpungatan sya nang maramdaman ang mga matang nakatitig sa kanya, Mabilis syang napaupo at inilibot ang tingin sa paligid. Wala naman syang nakitang iba pero sigurado syang may tao doon kanina at nakatitig sa kanya.

Huminga sya nang malalim bago isinandal ang likod samay pader, Ramdam nya ang pag sakit nang palibot nang talukap nya dahil nakatulugan nya ang pag iyak.

Natulala sya nang maalala ang nangyari kanina. Hindi manlang sya pinuntahan nang lalaki dito na lalong nagpasikip sa dibdib nya. Napaangat sya nang tingin samay bintana nang kulungan at nakitang ilang oras nalang ay lalabas na ang buwan.

Tumayo sya at sumilip samay labas nang kulungan nais nyang manghingi nang tali dahil iyon lang ang nakikita nyang paraan upang hindi nya malapitan ang lalaki sa oras na sumapit ang kabilugan nang buwan.

Tumingin sya sa paligid at nakita ang isang lalaking lobo na napadaan kung nasaan sya. Sinenyasan nya itong lumapit sa kanya.

"Meron kabang tali kuya?" Tanong nya habang inililibot ang tingin sa paligid.

Tumango ito bago umalis, ilang minuto lang ay bumalik na ito habang bitbit ang may kakapalan na tali. Nagpasalamat sya dito bago bumalik kung saan sya nakaupo kanina.

Nakatulala syang nakasandal paupo balak nyang itali ang sarili upang hindi sya makapanakit pagsapit nang gabi. Nag-iingat lang sya dahil hindi nya nakokontrol ang sarili mas nagiging malakas ang dugong bampira na nananalaytay sa katawan nya kesa sa pagiging lobo. Mas mabuting itali nalang nya ang sarili.

Nabalik sya sa realidad nang makarinig nang malakas na tunog sa lalim nang iniisip nya ay hindi na nya namalayan na sumapit na pala ang gabi. Dali-dali nyang itinali ang sarili nang makitang palubog na ang araw hinigpitan nya ang tali para hindi nya matanggal. Sumandal sya muli at inantay ang tuluyang paglubog nang araw.

Sa tuluyang paglitaw nang bilog na buwan ay ilang sandali lang ay naramdaman na nya ang pagbigat nang paghinga mariin syang napapikit nang maramdaman ang pagdidilim nang paningin. Sa pagmulat muli nang kanyang mga mata ay syang paglabas nang asul na asul na mga mata nya.

Naramdaman nya din ang mga pangil nya kinagat nya nang mariin ang ibabang labi nang makaramdam nang pag-iinit, Tuluyan syang napahiga at namilipit nang masinagan sya nang liwanag nang buwan. Dinig na dinig nya pa ang mga alulung nang mga lobo dahil sa bilog na buwan.

Tagaktak na ang pawis sa buong katawan nya sinubukan nya muling umupo at sumandal sa pader, Habang tumatagal ay lalong tumitindi ang nararamdaman nya lalong padilim nang padilim ang asul nyang mga mata. Patindi nang patindi ang pagka uhaw nya sa dugo na ngayon nya lang naramdaman dahil siguro natagpuan na nya ang itinakda sa kanya.

"A-Ahh." Mas dumiin ang pagkakakagat nya sa mga labi hanggang sa magdugo iyon, lalo syang nawala sa sarili nang may maamoy. Amoy nang mate nya.

Inilibot nya ang tingin sa buong silid at dumapo iyon sa lalaking madilim ang tingin sa kanya. Nagtatagis ang bagang nito habang nakatingin sa mga kamay nyang nagdudugo na dahil sa mahigpit na pagkakagapos na ginawa nya.

Siguro ay naamoy nito ang dugo nya dahil kitang-kita nya ang madidilim nitong mata at bakas ang emosyon doon na katulad nang sa kanya. Init

Tuluyan syang nawala sa sarili nang muling maamoy ang napakabangong amoy nito pinilit nyang hatakin ang mga kamay na nakagapos dahil gusto nyang malapitan ito. Umangil sya nang hindi matanggal iyon, Napatigil sya sa paggalaw nang may mga kamay na humawak sa palapulsuhan nya.

Ito na mismo ang nagtanggal nang pagkakatali sa dalawa nyang kamay. Sa isang iglap lang ay malakas na tumama ang likuran nito sa pader dahil sa lakas nang pwersa nang pagtalon nya dito.

Hindi nito ininda at mahigpit lang ang hawak nito sa magkabilang baywang nya, Napaigik sya nang likod naman nya ang tumama sa pader. Hinihingal na nag-angat sya nang tingin sa lalaki kitang-kita nya kung paano tila nag apoy ang mga mata nito habang mariin ang titig sa kanya.

Mukhang nararamdaman din nito kung ano ang nararamdaman nya, Napasinghap sya nang lalong dumiin ang pagkakahawak nito sa baywang nya. Napakagat sya nang mariin sa labi at napahawak sa magkabilang balikat nito nang tumakbo ito nang mabilis palabas sa kulungan kung nasaan sya.

Sa isang iglap lang ay naroon na sila sa silid nito. Malakas syang napasinghap nang itulak sya nito sa pader bago hinatak ang buhok nya sa likuran para patingalain sya. Lalong nag-init ang pakiramdam nya nang amuyin muli nito ang leeg nya, Napahawak sya sa buhok nito nang maramdaman ang marahang pagdila nang lalaki sa buong leeg nya.

Humiwalay ito saglit sa kanya bago sya mariing titigan, Katulad nang mga mata nya ay bakas din ang pandidilim at ang emosyong hindi nya mapangalanan na nakaukit sa mga mata nang lalaki.

Ilang minuto silang nagtitigan bago sabay na hinagilap ang mga labi nang isa't-isa, Ramdam nya ang panggigigil sa kanya nang lalaki dahil napapadiin ang hawak nito na hindi naman sya nagreklamo. Muling gumapang pababa ang labi nito sa leeg nya napasinghap sya nang maramdaman ang madiing pagsipsip doon nang lalaki.

"Hmm."

Tila nawala na sa huwisyo ang lalaki dahil nagiging marahas na ito, Lumipas pa ang ilang minuto bago ito humiwalay sa kanya at umupo sa kama hinatak sya nito at pinaupo sa  kandungan paharap dito.

"What do you want." Napaangat ang tingin nya sa lalaki nang magsalita ito.

Napalunok sya bago bumaba ang tingin sa leeg nito. Ramdam nya ulit ang paglabas nang mga pangil nya habang nakatitig sa makinis nitong leeg.

Naintindihan naman iyon nang lalaki bago hinawakan ang likod nang ulo nya at hinatak palapit sa leeg nito.

"Drink." Napalunok sya at muling nag angat nang tingin dito bago ibinalik ang tingin sa leeg nito. Wala na syang sinayang na oras at mabilis na ibinaon ang mga pangil sa leeg nito. Sa unang paglapat palang nang matamis nitong dugo sa dila nya ay tila panandalian syang nawala sa sarili.

Diniin nya pa lalo ang pagbaon nang mga pangil nya sa leeg nito naramdaman naman nya ang marahang paghaplos nang lalaki sa likod nang ulo nya at ang pagdiin nang hawak nito sa kanyang baywang.

Ilang minuto pa ang pag-inom nya bago sya tumigil, Napatingin sya dito habang dinidilaan ang mga naiwang dugo sa gilid nang labi nya.

"Done?" Tanong nito sa kanya habang patuloy na hinahaplos ang buhok nya. Marahan syang tumango bago humilig sa dibdib nito, Katulad nang sinabi nya kailangan nya lang makainom nang dugo nito para panandaliang mawala ang pamimilipit nya hangga't hindi pa nangyayari ang mating.

Napaangat sya nang tingin dito nang marinig ang marahas nitong paghinga, Mahigpit ang kapit nito sa magkabila nyang baywang nakita nya na lumalabas ang pangil nito pero pinipigilan ang sarili na kagatin sya.

Sumilay ang ngiti sa mga labi nya na lalong kinadilim nang mga mata nito.

"Alam ko na gusto mo rin uminom." Sabi nya dito bago marahang hinatak ang batok nito palapit sa leeg nya. Marahan nya itong tinanguan.

Napasinghap sya nang mabilis sya nitong ihiga sa kama bago nya naramdaman ang pagbaon nang matutulis nitong pangil sa leeg nya.

Napaigik sya nang dumiin ang pangil nito at mabilis na sinipsip ang dugo nya, Mariin syang pumikit habang  hinahaplos ang ulo nang lalaki.

"Fuck." Narinig nya ang marahas nitong pagdaing. Sandali itong humiwalay sa kanya bago muling binaon ang mga pangil sa kabila naman nang leeg nya, Alam nyang nawala na sa sarili ang lalaki dahil naging marahas na ang pagsipsip nito nang dugo nya. Unti-unti na nyang nararamdaman ang pandidilim nang paningin dahil masyado nang naparami ang inom nito sa dugo nya.

"R-Rouge." Tawag nya sa lalaki at hinawakan ang likod nang ulo nito, Dumiin lalo ang paghawak nya dito nang lalong dumilim ang paningin nya.

Nakita nya pa ang paghiwalay nang lalaki sa leeg nya at pagbakas nang pag-aalala sa mga mata nito bago sya tuluyang nawalan nang malay.
































TAMED HIMWhere stories live. Discover now