KABANATA 7

17 2 0
                                    

Mabilis na lumipas ang isang linggo para kay astrid, Kahit gusto nyang lumabas sa gubat dahil sa pangungulila sa lalaki ay hindi nya ginawa dahil utos nang kanyang ama. Ayon dito ay nakakalat na naman sa ibat-ibang panig nang gubat ang mga rebeldeng lobo, Natatakot ang kanyang ama na may mangyaring masama sa kanya.

Dahil isang beses nang muntikan na syang mawala noong labing limang gulang pa sya dahil sa mga rebelde. Dahil sa sobrang enjoy nya sa pagtakbo noon ay hindi na nya namalayang napalayo na sya sa gubat.

Kamuntikan na syang mawala noon kung hindi lang dahil sa isang babae na nagligtas sa kanya noon. Tingin nya ay mas matanda lang ito sa kanya nang ilang taon, Tandang-tanda nya ang maganda nitong mukha.

Malungkot syang nakatanaw sa naglalakihang mga puno sa itaas nang nayon na lagi nilang tinatambayan nang kaibigang lobo, mag-isa lang sya doon dahil inutusan nang kanyang ama si sera na magmanman sa labas.

Bumuntong hininga sya nang lumitaw muli sa kanyang isipan ang gwapong mukha ni rouge, Ang kulay pilak nitong mga mata makapal na kilay perpektong panga at ang malambot nitong labi.

Ilang araw nadin nyang nararamdaman ang panghihina nang kanyang katawan, Hinahanap-hanap nya ang dugo nang kanyang mate. Katulad parin nang dati ay hindi nya magawang makainom nang ibang dugo na galing sa mga hayop.

Uhaw na uhaw sya at tanging dugo lang nang lalaki ang makakapunan noon, Mariin syang pumikit dahil sa kagustuhang lumabas sa gubat at balikan ang lalaki kung nasaan ito.

Ngunit ang kanyang ama, Alam nyang magagalit ito sa kanya ngunit hindi na nya talaga kaya. Pakiramdam nya mawawala sya sa sarili pag hindi nakita ang lalaking itinakda sa kanya.

Mabilis syang tumayo at tumalon samay baba nang nayon bago mabilis na tumakbo palabas nang gubat. Nagpatalon-talon sya sa mga puno habang nagmamanman sa paligid wala naman syang nakitang rebelde doon kaya mabilis syang nagpunta kung nasaan ang gubat na napuntahan nya noon dahil nasa loob nang gubat na iyon ang teretoryo nang lalaki.

Mabilis syang pumasok sa loob nang gubat at kaagad na hinanap kung saan ang pack nang lalaki. Nakapagtago sya nang may dumaan na ilang mga lalaking lobo na nagtatawanan hula nya ay mga bantay iyon sa lugar.

Agad syang tumakbo at nagpatuloy sa paghahanap sa malawak na gubat na iyon, Hindi naman nagtagal ay nahanap nya rin ito. Umikot sya sa likod nang isang napakalaking mansyon tumingala sya roon kung nasaan banda ang silid nang lalaki.

Balak nalang nya na akyatin ang silid nito dahil wala naman syang balak na magpakita sa ibang lobo doon o kahit sa lalaki gusto nya lang itong makita.

Malapit narin namang lumubog ang araw na umayon sa kanya dahil hindi sya makikita nang iba pa. Huminga sya nang malalim bago nagsimulang akyatin ang silid nang lalaki, Muntik pa syang mapatili na agad nyang napigilan nang kamuntikan pa syang malaglag dahil sa madulas na parte na naapakan nya, Pinunasan nya ang mga pawis nang makarating sa silid.

Wala syang nadatnan na tao doon na kinalungkot nya dahil aalis na naman syang hindi nakikita ang lalaki. Dahan-dahan syang naglakad papalapit samay kama nito na hindi nya naituloy dahil sa pwersang nagtulak sa kanya napaigik sya nang tumama ang kanyang likod sa pader nang kwarto.

Napaangat sya nang tingin bago napaawang ang labi nang makita ang lalaki. Ayon na naman ang madilim na mga mata nito habang nagtatagis ang bagang na nakatitig sa kanya.

Ramdam na naman nya ang mabilis na pagkabog nang dibdib habang nakatitig parin sa lalaki, Gusto nya itong yakapin nang mahigpit dahil sa pangungulila. Wala sana syang balak na magpakita dito ngunit tingin nya naamoy sya nito.

Napalunok sya nang bumaba ang mga kamay nito sa bewang nya at mahigpit na humawak doon.

"Where have you been." Napatingin sya sa lalaki nang magsalita ito. Nanigas sya nang maramdamang bumaba ang ulo nito samay leeg nya bago sumubsob doon. Rinig nya ang mararahas na paghinga nito na tila tumakbo nang mabilis patungo rito.

"I'm asking you woman, Where the hell have you been." Napabalik sya sa huwisyo nang magsalita ito bahagya pa syang napaigtad dahil sa mainit nitong hininga na tumama sa leeg nya.

"B-Bumalik ako sa aming tahanan."

Hindi na ito nagsalita mas humigpit lang ang hawak sa kanya. Tumagal sila sa ganoong pwesto nang ilang minuto bago humiwalay sa kanya ang lalaki.

Natulala sya nang makita kung paano lumambot ang mukha nang lalaki habang matamang nakatitig sa kanya. Hindi nya talaga mabasa kung ano ang nasa isipan nang lalaki dahil hindi pa naman sya nito namamarkahan.

Pinagtataka nya rin iyon dahil nakakapasok naman sya sa isip nang iba ngunit hindi sa lalaki.

Siguro'y dahil nga sa hindi pa sya nito minamarkahan kaya hindi pa tuluyang nabubuo ang koneksyon nila. Napabaling muli ang tingin nya dito nang sapuhin nito ang magkabila nyang pisngi bago pinaharap sa kanya.

Kita nya ang napakaraming emosyon sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Hindi sya makapaniwala dahil ngayon lang ito nagpakita sa kanya nang ganoong emosyon simula nang makilala nya ang lalaki.

"Wag mo nang uulitin iyon." Nanlaki ang mga mata nya nang marinig itong magsalita nang tagalog, Ang lalim nang boses nito at masyadong malamig. Pinoproseso nya pa ang mga sinabi nito dahil hindi talaga sya makapaniwala.

"A-Ang alin?" Parang tangang tanong nya dito. Napakurap kurap sya dahil mukhang namamalikmata sya nang makitang tumaas ang sulok nang labi nang lalaki.

"Ang umalis nang hindi nagsasabi sakin." Mahinang sabi nito na lalong nagpatulala sa kanya hindi lang dahil sa pagtatagalog ulit nito kundi sa mga binitawan nitong mga salita.

Ang ibig sabihin ba nito ay gusto nitong magsabi sya pag-aalis?

"Did you hear what i said." Napakurap muli sya nang magsalita ulit ang lalaki napalingon sya dito at nakitang magkasalubong na ang mga kilay nito habang nakatingin sa kanya.

Mabilis syang tumango nang maintindihan ang sinasabi nito. Nakita naman nyang nawala na ang pagkakakunot nang noo nito na nagpangiti sa kanya.

Napatili sya nang buhatin sya nito at dalhin sa malaking kama na naroon, Marahan syang inihiga doon nang lalaki bago tumabi sa kanya.

Napatitig sya sa lalaki bago bumaba ang tingin nya sa leeg nito na parang inaakit sya. Napalunok sya dahil tila nanunuyo ang lalamunan nya.

"You want to drink my blood?" Napaangat muli ang tingin nya sa lalaki nang magsalita ito. Wala sa sarili na mabilis syang napatango.

Nakita nyang dinilaan nito ang ibabang labi habang bakas ang aliw sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

Hindi na nya napigilan ang mabilis na pagkubabaw dito bago ibinaon ang kanyang nga pangil sa leeg nito. Tila nawala na naman sya sa sarili nang matikman muli ang dugo nang lalaki, Mabilis nyang dinilaan ang dumaloy na dugo sa leeg nito. Nakita nya pa ang pagkagat nito sa ibabang labi at pag-igting nang panga dahil sa ginawa nya.

Naramdaman na naman ulit nya ang marahang paghaplos nito sa buhok nya at ang paghigpit nang hawak nito sa bewang nya. Unti-unti na naman nyang nararamdaman ang kakaibang init na dumaloy sa bawat himaymay nang katawan nya.

Hindi nya napigilang haplusin ang dibdib nang lalaki habang patuloy parin sya sa pag inom nang dugo nito.

Nakakawala talaga sa sarili ang matamis na dugo nang lalaki.


















TAMED HIMWhere stories live. Discover now