KABANATA 4

19 3 0
                                    

Nagising ako dahil sa malakas na pag angil nang isang hayop, Mabilis syang napabalikwas nang bangon nang makitang nakahiga sya sa malamig na sahig sa loob nang hula nya'y isang kulungan. Niyakap nya ang dalawang tuhod habang hinahayaang dumaloy ang mga luha sa kanyang mga mata.

Kumikirot ang dibdib nya pag naaalala ang mga nangyari kanina at kung bakit sya napunta doon. Bahagya nyang hinaplos ang tapat nang kanyang puso upang maibsan ang pagsikip noon.

Hinanap nya ang presensya nang lalaki upang malaman kung nasaan ito ngunit bigo sya wala syang maramdaman at maski ang amoy nito ay wala sa lugar. Naisip nya ang mga magulang tiyak syang hinahanap na sya nang mga ito dahil ilang oras na syang hindi bumabalik sa gubat.

Sera

Pinasok nya ang isipan nang kaibigang lobo upang ipabatid na nasa maayos syang kalagayan kahit hindi.

Ayaw nya lang na mag-alala ang mga ito dahil sa hindi nya pag-uwi.

Astrid! Nasaan ka alam mong hindi ka pwedeng mawala nang matagal dito sa gubat kailangan mo nang makauwi ngayon din

Napapikit sya nang mariin dahil sa sinabi nito, Alam nya ang dahilan noon kaya lalo syang nangangamba dahil mamayang gabi ay lalabas na naman ang kabilugan nang buwan.

Alam nyang mas higit pa ang mangyayari sa kanya dahil natagpuan na nya ang lalaking itinakda sa kanya. Lalo syang mahihirapan lalo na't malapit lang sa kanya ang lalaki.

Kaya ko ang sarili ko sera pakisabi kana ama't ina nasa mabuti akong kalagayan

Tumingala sya upang humugot nang hangin dahil nararamdaman na nya ang pagkakapos nang hininga. Mariin syang pumikit at hinaplos ulit kung nasaan ang kanyang puso.

Kailangan nya ang lalaking itinakda sa kanya matutulungan sya nito, Ngunit paano nya ito malalapitan kung galit ito ngayon sa kanya.

Ilang oras nalang ay sasapit na ang gabi kung saan mangyayari na ulit ang lunar eclipse, Ang lunar eclipse ay nangyayari sa kabilugan nang buwan kung saan ilang taon syang naghirap dahil hindi nya pa nakikita ang lalaking itinakda sa kanya.

Ayon sa kanyang ina kailangan nyang makainom nang sariwang dugo nang kanyang kapareha, Sa pamamagitan noon ay panandaliang mababawasan noon ang paghihirap nya hangga't hindi pa nagaganap ang mating.

Ang mating ay ginagawa nang dalawang nilalang na itinakda na mayroon ang mga lobo at bampira once na nahanap na nang mga ito ang kabiyak. Upang mabuo ang mating kailangang markahan nang lalaki ang kapareha nitong babae dahil ito ang magsisilbing simbolo nang pagsasama nila habang-buhay.

Hindi nya alam ang buong detalye nang proseso nang mating dahil hindi iyon sinabi sa kanya nang ina ang tanging alam nya lang ay kailangan nilang mamarkahan upang magwakas nadin ang kanilang paghihirap kapag sumasapit ang kabilugan nang buwan.

Napalingon sya sa pinto nang kulungan nang makita ang lalaking pumasok kanina sa pribadong silid ni rouge, Kung hindi sya nagkakamali rex ang pangalan nito marahil ay ito ang beta. Napatingin ito sa kanya at bahagyang tumikhim bago nag iwas nang tingin.

"K-Kumain kana binibini." Nakita nya pa ang lalong pag-iwas nito nang tingin sa kanya habang ibinababa ang pagkaing dala sa loob nang kulungan.

"Nasaan ang iyong alpha? Pakiusap dalhin mo ako sa kanya kailangan ko syang makausap." Pakiusap nya dito bago lumapit samay bakal na pinto nang kulungan at humawak dito na agad ding napabitaw dahil sa boltahe nang kuryente na naramdaman nya.

Napaatras sya dahil doon at tinignan ang kanyang mga kamay na bakas ang sugat dahil sa kuryente, Tumunghay sya at nagmamakaawang tumingin sa lalaki na kaharap.

"Wag mo nang tangkain na tumakas nababalutan nang kuryente ang buong silid masasaktan kalang." Nakaiwas tinging sabi nito bago tumalikod.

"S-Sandali hindi ako tatakas gusto kolang nakausap ang alpha." Agad na sabi nya rito, nakita nyang natigilan ito bago humarap muli sa kanya.

"Pangako gusto ko lang syang makausap pagkatapos ibalik mo din ako dito." Mataman syang tinitigan nito bago ito humakbang palapit sa kulungan. Wala naman talaga syang gagawing masama gusto nya lang makausap ang mate nya.

Pagkalabas nya ay sinenyasan sya nitong sumunod bago umunang maglakad, Dali-dali naman syang sumunod dito at nakayukong naglakad.

Napatigil sya pansamantala sa paglalakad nang makaramdam nang muling pagkirot nang kanyang puso napahawak sya dito hindi nya maintindihan kung bakit parang nasasaktan sya. Huminga sya nang malalim bago muling nagpatuloy sa paglalakad at sumunod sa lalaki.

Nakita nyang nakatigil ito sa pribadong silid kanina, Inaantay sya nitong makalapit doon.

"Nasa loob ang alpha maari ka ng pumasok bilisan mo dahil dalawampung minuto lang at kailangan ka nang ibalik sa pihitan."

Tumango sya rito bago huminga nang malalim hindi nya alam kung bakit kumakabog nang malakas ang dibdib nya, Dahan-dahan syang pumasok sa silid bago inilibot ang paningin.

Walang syang nadatnan na tao sa loob pero mayroon syang ingay na naririnig sa isa pang silid na naroon. Nilapitan nya iyon at bahagyang natigilan at nanigas nang may marinig.

"Ahh!"

Nanginginig ang mga kamay na binuksan nya ang pinto kung saan nanggagaling ang ingay. Nanigas sya sa eksenang nadatnan, Naramdaman nya ang sobrang paninikip nang kanyang dibdib at ang malapot na tubig na dumaloy sa magkabila nyang mata.

Nakita nya ang lalaki na nakaupo habang may nakakandong dito na babae at iyon ang bampirang nakabangga nya kanina, Kitang-kita nya kung paano magpalitan nang laway ang dalawa at ang marahas na bagbaon nang pangil nang lalaki sa leeg nang kasama nito.

Nakaharap sa kanya ang lalaki kaya kitang-kita nya ang ginawa nito, Nakapikit ito at tila uhaw na uhaw na ininom ang dugo nang kasama. Nakita nya ang paghigpit nang kapit nito sa baywang nang babae at mas lalong binaon ang mga pangil. Ramdam nya ang tila pagkabasag nang kanyang puso sa nasaksihan at mahinang napasinghap. Dahil sa pagsinghap nya ay napamulat ang lalaki.

Deretsong tumama ang madidilim nitong mga mata sa kanya, Alam nyang bakas ang sakit na nakaukit sa kanyang mukha habang nakatingin dito. Malamig lang ang tingin nito sa kanya at hindi nito inalis ang paningin sa kanya nang dilaan nito ang leeg nang babae na kinagat nito.

Hindi na nya kinaya ang nasaksihan kaya mabilis syang tumalikod at tumakbo palabas nakita nya si rex na nag-aabang sa labas habang nakasandal sa pader nang silid.

Napaayos ito nang tayo nang makita syang lumabas, Sinenyasan nya itong ibalik na sya sa kulungan bagama't nagtataka ito kung bakit sya umiiyak ay hindi na ito nagtanong.

Nang makapasok sya sa kulungan ay bumagsak sya sa malamig na sahig dahil sa sobrang panghihina alam nya ang dahilan noon sya ang ma-aapektuhan dahil sa ginawa nang lalaking itinakda sa kanya.

Hindi nya maintindihan kung bakit ganoon ang lalaki sa kanya panigurado naman syang alam nito kung sino sya sa buhay nito ngunit bakit ganoon nalang ang ginagawa nito.

Sinasaktan sya nito.













TAMED HIMWhere stories live. Discover now