KABANATA 9

15 2 0
                                    

Nagising sya dahil sa sobrang pananakit nang buong katawan nya nangingiwing sinubukan nyang umupo at sinapo ang leeg na nananakit din.

Bumalik sa kanyang alala ang mga nangyari kagabi, Mabilis syang napabalikwas nang may pumasok sa kanyang isip mabilis syang nakalapit samay salamin bago tumitig doon at tinignan ang kanyang leeg.

Napaawang ang mga labi nya nang may makitang hugis nang buwan na napag gigitnaan nang dalawang tuldok na hula nya ay kagat nang lalaki.

Sumilay ang isang napakandang ngiti sa kanyang mga labi nang malaman nya kung ano ang ibig nabihin niyon, Minarkahan nadin sya nang lalaki.

Agad din syang napaupo nang muling manakit ang kanyang katawan pati narin ang ibabang parte nang katawan nya. Sinubukan nya muling tumayo dahil balak nyang hanapin ang lalaki at kaupin ito.

Nakangiwing naglalakad sya sa pasilyo nang malaking mansyon nang matanawan nya ang babaeng lobo na nakilala nya din dito. Si sandra

Nanlalaki ang mga mata nito at mabilis na nakalapit sa kanya.

"Binibini! Saan kaba nangpunta mabuti nalang at bumalik ka dito!" Humahangos na sabi nito at mukhang nakahinga nang maluwag.

Kumunot ang kanyang noo sa pagtataka dahil mukhang natataranta ang babae. Nginitian nya ito bago sinagot ang tanong.

"Bumalik lang ako sa aming tahanan dahil alam kong nag-aalala na sa akin sina ama't ina dahil hindi ako nakauwi." Malamyos ang kanyang boses habang kausap ito.

Tumango-tango naman ang babae bago ngumiti sa kanya.

"Alin ba ang iyong pangalan binibini?" Nakangiting tanong nito habang iginigiya sya palakad.

Oo nga pala hindi nya pa napapakilala ang sarili dito.

"Astrid, Astrid ang aking pangalan."

Nakita naman nya ang malawak na pagngiti nito sa kanya bago tumango.

Luminga-linga sya sa paligid dahil hinahanap nya ang lalaki, Mukhang napansin iyon nang babae.

"Sino ang hinahanap mo astrid?" Luminga din ito sa paligid na kinatawa nya nang marahan.

"Alam mo ba kung nasaan si rouge?" Nakangiti nyang tanong dito. Nakita naman nya ang panlalaki nang mga mata nang babae habang nakatitig ang mga mata sa kanya.

"Si alpha rouge?" Takang tanong nito sa kanya. Marahan naman syang tumango dito.

"Maagang umalis ang alpha kasama ang beta nitong si rex dahil kanina lang umaga ay may nag ulat na may nakapasok daw dito sa aming teretoryo kaya pinuntahan nila iyon." Mahabang sabi nito, Tumango naman sya at niyaya ang babae samay hardin doon.

Napalingon sya sa babae nang hawakan nito ang kamay nya. Nakita nyang nakatitig ito sa kanya.

"Aling mayroon sa inyo ni alpha?"

Nginitian nya lang ang babae dahil ayaw nya munang ipaalam na mate nya ang lalaki. Gusto nya munang malaman ang dahilan kung bakit ito dumidistansya sa kanya sa una nilang pagkikita. Mukhang naintindihan naman iyon nang babae dahil tumango ito sa kanya at hindi na nagtanong.

Ilang minuto lang ay tinanong nya ang babae dahil gusto nya pang makilala ang lalaking itinakda sa kanya.

"Matagal kana ba dito?" Kapagkuwan ay tanong nya. Nakita naman nya ang agad na pagtango nito.

"Bata pa lamang ay nandito nako, Dito ako lumaki hanggang sa maging tagasunod na ako dito." Tumango sya sa sinabi nito.

"Nakasabayan kong lumaki ang alpha, Kahit dati pa lamang ay ganoon na sya masyado syang mailap at minsan kolang din sya makita dahil hindi sya noon palalabas sa kanyang silid." Matiim syang nakikinig sa mga sinasabi nang babae.

"Kilala ang aming alpha dahil sa pagiging marahas nito hindi lang dito sa aming lugar kundi pati narin sa iba pang grupo nang mga lobo." Patuloy parin sa pagkukwento nito na pinapakinggan nya namang mabuti.

Hindi na yata napansin nito na masyado nang naikukwento nito ang buhay nang lalaki sa kanya.

Kapagkuwan ay napatingin ito sa kanya bago sya titigan sa mga mata.

"Panandaliang nagbago ang aming alpha at tila naging maamo ito nang makilala nya ang babaeng bampira na si riya." Doon napukaw ang buong atensyon nya.

Sino ang babaeng iyon?

"Si riya ay ang babaeng napadpad din dito noon, Mabilis lang nahulog ang loob nang aming alpha sa babae dahil talaga namang napakabait nito at mapagmahal." Hindi nya pinahalata ang pagguhit nang sakit na dumaan sa mga mata nya nang marinig ang sinabi nang babae.

Tumango sya upang ipagpatuloy pa nito ang sinasabi.

"Sa ilang taon nyang pananatili rito ay naging kasintahan sya ni alpha rouge."

Bagama't nakikinig parin sya sa babae ay naninikip naman ang dibdib nya dahil nahuhulaan na nya kung bakit ganoon nalang ang lalaki sa kanya.

Kaya pala ganoon nalang ang reaksyon nang lalaki sa kanya dahil mayroon na palang nagmamay-ari dito. Napaiwas sya nang tingin sa babae nang hindi nya maiwasan ang pangingilid nang luha sa kanyang mga mata.

"Sya din dapat ang sanang magiging luna dito sa aming lugar kung hindi lang nangyari ang isang trahedya." Napabalik ang tingin nya sa babae nang marinig ang sinabi nito.

"Isang trahedya na ikinawala nalang bigla nang babae na kahit isa sa amin ay walang alam kung nasaan na ito." Anong trahedya ang sinasabi nito gusto nyang malaman.

"Iyon din ang dahilan kung bakit mas lalong lumala ang aming alpha. Pero alam naming patulo'y padin ito sa paghahanap sa babae." Nag-iwas muli sya nang tingin dahil muling bumakas ang sakit sa kanyang mga mata.

"Ngunit nakakapagtaka lang dahil kawangis mo sya." Napalingon sya dito nang marinig ang sinabi nito, Mukhang nakita nang babae ang pagtatanong sa mga mata nya kaya naman nagpatuloy ito sa pagsasalita.

"May malaking pagkakahawig kayo astrid nang una nga kitang makita ay akala kona ikaw sya, Pero nang makilala kita ay nalaman kong malaki din ang pinagkaiba nyong dalawa." Nakatitig lang sa kanya ang babae habang nagsasalita.

Hindi nya alam kung bakit lalong nanikip ang dibdib nya, Ayaw man nyang mag isip nang kung ano-ano ay hindi nya mapigilan.

Paano kung minarkahan lang sya nang lalaki dahil nakikita nito ang dati nitong kasintahan sa kanya? Naramdaman na naman nya ang muling pagkirot nang kanyang dibdib.

Hindi naman sya siguro aangkinin at mamarkahan nang lalaki kung hindi sya mahalaga dito di'ba? Malalim ang iniisip nya habang nakatulala sa mga naglalakihang puno sa harap nila.

Hindi nya napansing may isang butil nang luha na tumulo sa kanyang mga mata kahit hindi man nya gustong isipin paano kung habang inaangkin at minamarkahan sya nang lalaki ay ang babaeng dating kasintahan nito ang laman nang isip nang lalaki.

Nasasaktan sya dahil posibleng kaya lang sya minarkahan nang lalaki ay upang mapawi ang pangungulila nito sa babae sa pamamagitan nya dahil nakikita nito ang dating kasintahan sa kanya.







TAMED HIMDonde viven las historias. Descúbrelo ahora