KABANATA 14

13 2 0
                                    

Nalaman nya ang tungkol doon dahil sa tintang hugis buwan ang gumuhit sa kanyang palad na tanda na sya ay may dinadalang sanggol sa kanyang sinapupunan. Hindi nya pa magawang masabi sa lalaki ang tungkol doon dahil kailangan nyang mag-ingat alam nyang may traydor sa teretoryo nito.

Hindi naman sya nag-aalala na baka malaman nang lalaki ang tungkol doon pero dahil kaya nyang pigilan na mapasok nito ang isipan nya sa pamamagitan nang kakayahan nya na ipinasa pa sa kanya nang kanyang lola.

Kakayahang hinahangad nang iba

Bukod doon ay may isa pa syang tinatagong sikreto na tiyak nya pag may nakaalam ay manganganib ang buhay nya at iyon ang hindi nya hahayaang mangyari hindi para sa sarili nya kundi para sa kanyang anak.

Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi bago marahang hinaplos ang tiyan nya lalong lumawak ang kanyang ngiti nang maramdaman ito at ang tibok nang puso nang kanyang supling.

Tanging sya lang ang nakakarinig niyon dahil binalutan nya nang isang pananggalang ang kanyang buong katawan, Sa pamamagitan niyon ay pansamantalang walang makakarinig ni isa sa mga lobo sa tibok nang puso nang kanyang anak. Kahit pa ang lalaki.

Kasalukuyan syang nasa hardin dahil gusto nyang magpahangin at mukhang iyon din ang gusto nang kanyang anak.

Hindi na sya makapag-intay na masilayan ang kanyang anak.

Muli nyang tinitigan ang tintang nakaukit sa kanyang palad hugis buwan iyon na kulay puti, Sa ngayon ay wala pa syang pinagsasabihan na kahit sino kahit pa ang ama't ina nya.

Alam nyang magagalit ang mga ito sa kanya pero gusto nya lang protektahan ang kanyang anak prayoridad nya ang kaligtasan nito.

Humugot sya nang hangin bago napagpasyahang bumalik na sa silid dahil mag tatakip silim na gusto nya na ring makita si rouge ngunit wala dito ang lalaki muling umalis ang mga ito.

Sa paglalakad nya ay nakasalubong nya ang humahangos na si sandra natataranta itong lumapit sa kanya na kinakunot nang noo nya.

Anong problema?

"Luna." Hindi nya alam kung bakit sya kinabahan dahil sa tawag nito, Inantay nya itong makalapit sa kanya.

"Dumating na ang alpha luna."

Nakaramdam sya nang tuwa dahil sa sinabi nito agad syang tumakbo kung nasaan ito nakita nya pang hinabol sya ni sandra bago sya makalayo.

Nang makarating sya kung nasaan ito ay nakita nyang nakatalikod ito at kausap ang betang si rex hindi nya alam kung bakit mukhang nagsisigawan ang dalawa. Hindi siguro napansin nang mga ito na nandoon sya. Nakita nyang madilim ang mukha ni rouge at nagtatagis ang bagang.

"FUCK REX I ALREADY SAW HER!" Muntik pa syang mapatalon dahil sa malakas na sigaw nito. Kumunot ang noo nya. Nakita? Sino?

Nanatili syang nagtatago sa may pader para hindi sya makita nang mga ito.

"WAKE UP ALPHA PAANO NA ANG LUNA?" Natigilan sya nang marinig ang sinabi nang beta, Sya ba ang tinutukoy nito? Tingin nya ay natahimik ang lalaki dahil sa sinabi nang beta.

Lalong nangunot ang noo nya anong pinag-uusapan nang dalawa?

"Ano nalang ang mararamdaman nya? Mag-isip kang mabuti alpha baka pagsisihan mo ang gagawin mong desisyon hindi ako nangingialam, Bilang kaibigan at beta mo gusto ko lang maisip mo kung ano ang mas tama." Nanlamig sya sa sinabi ni rex hindi nya maintindihan kung bakit kinakabahan sya sa pinag-uusapan nang dalawa.

Hindi na nya napigilan at lumabas na sya sa pinagtataguan dumapo naman agad ang mga mata ni rex sa kanya. Nakita nyang nanlaki ang mga mata nito at nanigas nang makita sya.

Ngumiti sya dito bago inilipat ang tingin sa lalaki na umunat ang tayo nang maramdaman sya. Hindi pa ito humaharap at nanatiling nakatalikod sa kanya.

"Rouge." Humarap ang lalaki sa kanya una nyang napansin ang blangko nitong mukha na parang wala sa sarili.

Nilapitan nya ito nang mapansing parang wala parin ito sa sarili hinawakan nya ang magkabilang pisngi nito bago pinaharap sa kanya napatitig naman agad ito sa kanyang mga mata. Nginitian nya ito.

"Anong problema?" Masuyong tanong nya habang nakatitig sa mga mata nitong deretso din ang tingin sa kanya.

Hindi ito nagsalita at nanatiling nakatitig lang sa kanya ayaw naman nyang pasukin ang isipan nito dahil gusto nya din na may privacy ito.

Nabalik sya sa malalim na pag-iisip nang itulak sya nang lalaki at tinanggal ang pagkakahawak nya dito muntik pa syang matumba kung hindi nya lang naibalanse ang sarili. Mabilis syang napa angat nang tingin dahil hindi sya makapaniwala sa ginawa nito.

Tila may sumaksak sa kanya nang makita ang malamig na tingin nang lalaki sa kanya parang wala lang dito ang ginawa. Nakita nyang umigting ang panga nang beta nang makita ang ginawa nang alpha nito.

"B-Bakit-" Hindi na nya naituloy ang sasabihin nang lagpasan sya nang lalaki at walang lingon lingon na nilisan ang silid. Hindi sya makahinga nang maayos dahil sa nangyari. Nangingilid ang luha na tinignan nya ang beta nakaiwas tingin lang ito bago sumunod palabas sa lalaki.

Nanghihina sya kung hindi lang sya agad nakahawak sa pader bumagsak na sya hindi nya maintindihan ano na namang problema? Bakit ganoon na naman ang trato nang lalaki sa kanya.

Okay naman sila nang umalis ito anong pinag-uusapan nila nang beta? Hindi nya alam kung bakit kumabog ang dibdib nya nang maalala ang sinabi nang lalaki kanina.

Nakita? Sinong nakita na nito? May hint na sya pero hindi nya magawang paniwalaan dahil may tiwala parin sya sa lalaki at panghahawakan nya iyon.

Napahawak sya sa tapat nang tiyan nya nang makaramdam sya nang pagkirot doon mukhang naramdaman nang anak nya ang nararamdaman nya.

Pinilit nyang huminahon dahil hindi maganda sa kondisyon nya ang pag-iisip nang kung ano-ano ayaw naman nyang ang anak nya ang mapahamak dahil doon.

Pinilit nyang makabalik kung saan ang silid nila nang lalaki upang magpaynga dahil nakaramdam sya nang hilo. Humugot sya nang malalim na hininga bago pumasok sa loob nang silid. Hindi nya nakita doon ang lalaki kaya pumasok na sya nang tuluyan.

Natigilan sya nang makarinig nang kaluskos sa isa pang pinto doon dahan-dahan syang lumapit upang tingnan kung ano iyon. Sumilip sya doon at nakita ang nakatalikod na lalaki may tinitingnan itong kung ano.

Pinilit nyang silipin kung ano ang hawak nito nang makita iyon ay tila may bombang sumabog sa kanya nang marealize kung ano ang hawak nito.

Isang larawan

Nanigas sya sa kinatatayuan nang malaman kung sino ang nasa larawan na hawak nito, Naramdaman nya ang unti-unting pagtulo nang luha sa kanyang mga mata at pagsikip nang dibdib nya na nadagdagan pa nang mag-angat sya nang tingin sa lalaki at nakita ang lungkot at pangungulila sa mga mata nito habang nakatingin sa larawan nang dating kasintahan nito.















































TAMED HIMWhere stories live. Discover now