KABANATA 17

14 2 0
                                    

Humahangos na tumatakbo ang babaeng si sandra papasok sa kagubatan upang hanapin ang kanilang luna nag-aalala sya dahil sa kalagayan nito sana lang ay walang mangyari sa babae at sa dinadala nito.

Hindi nya alam ang dahilan kung bakit ito ginagawa nang kanilang alpha sigurado naman sya na ang babaeng si astrid lang ang gusto nitong maging luna at makasama habang buhay.

Lalo syang kinabahan nang habang tumatagal at lumalalim ang gabi ay hindi nya matagpuan ang babae.

"LUNA!" Sinubukan nya itong tawagin upang malaman nya kung nasaan ito pero bigo sya nanghihina syang napagpasyahang bumalik na.

Maglalakad na sana sya nang makarinig sya nang kaluskus sa di kalayuan kung nasaan sya nakaramdam sya nang matinding kaba pero pinilit nya paring lumapit doon.

Dahan dahan syang lumakad palapit at natigilan nang makarinig sya nang tumama sa kung ano malakas ang pakiramdam nya dahil sa pagiging lobo, Sumilip sya at bigla nalang nanlaki ang mga mata nya at nanigas nang makita kung paano tumagos ang mga kuko nang isang lobo kay astrid.

Tila namanhid ang kanyang buong katawan nang makitang lumingon pa sa kanya ang babae at marahang ngumiti bago tuluyang napapikit.

Hindi man nya gustong iwan si astrid ay natagpuan nalang nya ang sarili na mabilis na tumatakbo pabalik sa pack upang humingi nang tulong. Nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha nya dahil sa nangyari.

Hindi maaaring may mangyaring masama sa luna nila at sa batang nasa sinapupunan nito. Mabilis syang sumigaw nang makarating sya sa bukana nang gubat kung nasaan ang pack nila agad naman syang nakita nang mga nagbabantay doon.

"TULONG! PAKIUSAP TULONG!" Agad na lumapit ang mga ito sa kanya.

"Anong nangyari binibini?"

"SI LUNA ASTRID KAILANGAN NYA NANG TULONG PAKIUSAP." Agad na nanlaki ang mga mata nang mga ito nang marinig ang kanyang sinabi.

Agad silang tumakbo nang mabilis nang makatawag ang mga ito nang iba pang bantay, Kumakabog ang dibdib nya at hindi parin matigil ang pagtulo nang kanyang luha nang muling maalala ang pagngiti nang babae.

Mabilis syang tumakbo kung nasaan ang babae ngunit muli syang nanigas nang wala na silang naabutan doon kundi ang napakadaming dugo at ang mga abo na nakakalat sa hangin.

Nagmamadali syang lumapit at tuluyang bumagsak sa lupa nang makita ang isang makinang na bato na simbolo nang isang lobo. Mabilis syang tumayo at sinubukan nyang hanapin ang babae sa paligid.

"ANO BA HANAPIN NYO ANG LUNA BAKA KUNG ANO NA ANG NANGYARI DOON." Matigas nyang sabi sa mga kasamang lobo ngunit nanatili ang mga titig nang mga ito sa abo na nakakalat sa hangin at sa makinang na bato na nasa tapat nang napakaraming dugo.

Hindi makapaniwala ang mga ito nang mapagtantong simbolo iyon nang isang lobo at posibleng ang luna nila iyon.

Ang mga lobo pag namamatay ay nagiging abo at nag-iiwan nang isang makinang na bato simbolo nang kanilang buhay. Hindi sila makapaniwala na nangyari ito.

"Kailangan na nating makabalik upang ibalita ito sa alpha." Ramdam ang pagbalot nang kalungkutan sa buong paligid dahil sa nangyari.

"HINDI MAAARI! KAILANGAN NATING MAKITA ANG LUNA HINDI MAAARING MAY MANGYARING MASAMA SA KANYA AT SA DINADALA NYA!"  Malakas nyang sigaw sa mga ito.

Nakita nyang nanlaki ang mga mata nang mga ito sa kanyang sinabi.

"D-Dinadala? May tagapagmana na ang alpha?" Utal na tanong nang isa.

Lalong nagdalamhati ang mga ito sa natuklasan labis ang kanilang lungkot dahil hindi manlang nasilayan nang bata ang ganda nang mundo nila.

Nanghihinang muling bumagsak si sandra dahil sa unti-unting pumapasok sa kanyang isip na posibleng patay na ang kanilang luna. Hindi nya matanggap dahil sobrang bait nito at dito lang nya nahanap ang totoong kaibigan na hindi nya naranasan noon.

Mula naman sa isang silid ay kumunot ang noo ni rouge nang makaramdam nang sobrang pagkirot sa kanyang puso napahawak sya doon dahil habang lumilipas ang minuto ay lalo lang tumitindi ang pagsakit niyon.

"May problema ba?" Napalingon sya habang walang emosyon sa babaeng humawak sa kanyang braso.

Gustong gusto nyang pilipitin ang leeg nito kung wala lang syang plano.

"Wala." Pinilit nalang nang lalaki na lumapit dito upang yakapin.

Umigting ang panga nya nang maalala kung bakit nya ginagawa ang mga ito.

Muling sumidhi ang pagkirot sa kanyang puso at kusang pumasok sa kanyang isip ang isang babae. Lumambot ang mukha nito nang maalala ang babae.

Gusto man nyang puntahan ito at aluin ay hindi nya pa magagawa sa ngayon.

I'm sorry

Pinapangako nyang pagkatapos nang kanilang plano ay papakasalan nya ang babae at hindi na nya hahayaang masaktan nya ito at nang iba.

Magsasalita pa sana ang babaeng si riya nang mapatingin sila sa pinto nang may malakas na kumatok doon. Mabilis syang tumayo upang makita kung sino iyon bumungad sa kanya ang kanyang namumutlang beta.

Hindi nya alam kung bakit parang may dumagan sa kanyang dibdib.

Magsasalita na sana sya nang tumingin ito sa kanya nang deretso.

kailangan kitang makausap

Kita nya parin ang matinding pamumutla sa mukha nang kanyang beta habang nakatingin sya rito. Gusto nya sanang tanungin kung nasaan ang kanyang luna. Pero hindi pa pwede

Tumango sya at sinabihan itong mag-intay sa kanyang pribadong silid.

Bumalik sya kung nasaan ang babae at nakita itong nakangisi sa kawalan. Umigting muli ang panga nya nang makita iyon. Agad namang nagbago ang ekspresyon nang mukha nito nang makita syang palapit.

"Stay here kakausapin kolang si rex." Kahit gusto nyang itusok dito ang mahahabang kuko ay pinanatili nya parin ang pagiging kalmado.

"Antayin kita dito rick." Agad nya itong tinalikuran at bahagyang dumilim ang mukha nang marinig ang sinabi nito. Nagpupuyos sa galit ang puso nya dahil dito, Kaya nya nasaktan ang babaeng mahal dahil dito pinapangako nya.

Papatayin nya ang babae sa oras na magawa nya ang plano

Kaagad nyang nakita si rex na tulala sa kawalan habang namumutla parin hindi nya alam kung bakit ganoon nalang ang ekspresyon nang beta.

Hanggang ngayon ay bumibigat parin ang dibdib nya sa twing naaalala ang itsura nang luna nya, Kung paano ito tumangis at ang sakit na bumalot sa buong mukha nito. Kumuyom nang mahigpit ang kanyang kamao.

Agad naman syang nakita nito at akmang magsasalita pa sya na natigil nang may sabihin ito na kinanigas nya.

"Wala na sya alpha."


















TAMED HIMWhere stories live. Discover now