KABANATA 18

39 2 1
                                    

"Wala na sya alpha."

Umalulong ang lobo nang binata dahil sa narinig tila nabingi sya at nanigas ang buong katawan. Nanginginig ang mga kamay na nilapitan nya ang kanyang beta at mahigpit itong hinawakan sa magkabilang balikat.

"Fucking what!" Lumunok ito bago dahan dahang umiling sa kanya.

May kinuha ito sa bulsa at inabot sa kanya nabitawan nya ito bago nanginginig na hinawakan nang mahigpit ang makinang na bato.

"Nakita nalang ang batong yan kung saan sya nakita ni sandra kinalulungkot ko alpha nawala sya kasama ang kanyang dinadala." Pakiramdam ni rouge ay may mabigat na dumagan sa kanya dahil sa sinabi nito mabilis syang tumakbo kung saan ang nayon na laging pinupuntahan nang babae.

Nang makarating ay sumigaw sya nang malakas upang ilabas ang lahat nang sakit at hinanakit na nararamdaman tila binuhusan sya nang malamig na tubig dahil sa mga nalaman.

Hindi maaaring mawala ang kanyang luna at kanilang magiging anak

"ASTRID!" May tumulong luha sa kanyang mga mata dahil hindi nya matanggap pinapangako nyang hahanapin nya ito may kutob syang buhay pa ito dahil nararamdaman nya parin ang bond nila nang babae.

Mahal kita rouge

Nanginginig ang kanyang buong katawan habang unti-unting pumapasok sa kanyang ala-ala ang matamis nitong mga ngiti.

Gusto ko isusunod sa pangalan mo ang magiging pangalan nang anak natin

Muling tumulo ang butil nang luha sa kanyang mga mata dahil sa pagkirot nang dibdib nang maalala ang sanang magiging anak nila.

Nag-iigting ang panga at madilim ang mukha nang mabilis syang nagpalit sa pagiging lobo upang makabalik agad sa pack. Mabibigat ang bawat hakbang na pumasok sya sa silid kung nasaan ang babaeng dahilan nang lahat.

Lalong nagtagis ang bagang nya nang makitang may kausap ito at parehas na may bakas nang ngisi sa mga labi. Mabilis nyang nalapitan ang mga ito bago inihagis sa pader nang silid.

Mabilis syang lumapit sa babaeng si riya at mahigpit itong sinakal.

"Kasalan mo itong lahat." Malamig ang tinig nang alpha habang madilim ang mukhang nakatingin sa babaeng sakal sakal nito.

Kung kanina lang ay maamo pa ang mukha nito pero ngayon ay napalitan na iyon nang malaking ngisi bago ito nangpalit sa totoong anyo.

Isang mangkukulam na nagbabalat kayo

Mabilis syang umiwas nang akmang hahawakan sya nito sa pisngi lalong lumawak ang nakakatakot nitong ngiti pero wala lang iyon sa kanya, Mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakasakal dito bago muli itong ibinalibag.

"Wala ka nang magagawa alpha patay na ang babaeng itinakda sayo hahaha." Matinis ang tinig na humalakhak ito nang malakas. Lalong dumilim ang mukha nang lalaki at akmang lalapitan nya ulit ito na hindi nangyari dahil sa kung anong ginawa nitong orasyon.

Namanhid ang kanyang buong katawan sinubukan nyang muling lumapit dito pero hindi nya magalaw ang buong katawan lalong umigting ang mga panga nang lalaki dahil wala manlang syang magawa.

Masyadong malakas ang kapangyarihan nito kung para sa kanilang mga lobo kahit na sya pa ang alpha ay hindi nya ito matatalo. Nakita nyang gumuhit muli ang nakakatakot na ngisi nito nang makitang hindi sya makagalaw, Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang pisngi malamig lang ang tingin nang lalaki habang madilim ang mukha.

"Mamahalin mo din ako at wala kang magagawa doon hahaha." Pinilit nyang gumalaw upang patayin ito. Hindi sya papayag na mapasailalim sa kapangyarihan nito.

Pinilit nang lalaki na palabasin ang kanyang lobo upang makawala sa kapangyarihan nito nang makawala sya ay agad nyang tinalon ang mangkukulam para sana kalmutin ito pero agad ding nanigas ang buong katawan nya dahilan upang bumagsak ang katawan nya. Muling tumawa ito nang malakas bago sya nilapitan.

Nagpumiglas ang lalaki nang hawakan nito ang kanyang noo hindi nya alam pero may kutob syang may binabalak ito nakita nyang lumawak ang ngisi sa mga labi nang babae bago umilaw ang kamay nitong nakahawak sa kanyang noo naramdaman nya nalang ang unti-unting pagdilim nang kanyang paningin pero bago iyon ay nakita nya ulit ang pagbabago nito nang anyo.

Ang huling narinig nalang nang lalaki bago sya tuluyang lamunin nang dilim ay ang malakas na halakhak nang mangkukulam.

Mahal kita Astrid

Sa isang lugar kung saan tumatakbo ang isang babae akay akay nito ang isang dalagang nababalutan nang dugo ang buong katawan bakas ang hilam na luha sa mga mata nito habang sapo sapo ang malaking sugat na natamo.

"Bilisan mo." Halos makaladkad na nang babae ang akay akay nito dahil malapit na silang maabutan nang isang galang lobo na nakasalubong nila.

Napasinghap ang babae nang bumagsak sila dahil sa sobrang panghihina nang babaeng kasama nya.

Nang makita nyang malapit nang makalapit sa kanila ang agresibong lobo ay hinatak nya ang babae patago sa isang malaking puno na nakabara malapit lang sa kanila.

Hindi maaaring mapahamak ito dahil ito ang susunod na mamumuno sa kanila. Matagal na nilang binabantayan ang dalaga utos nang kanilang hari na lolo nito.

Matagal na nang mawalay ang pamilya nang kanilang hari dahil sa isang aksidente dahilan din kung bakit namatay ang kanilang reyna.

At kahit buhay pa nila ang maging kapalit upang mailigtas lang ang susunod na magiging reyna nila.

"Dito ka lang." Tumango ito habang bahagyang napapikit.

Mabilis syang lumabas at hinarap ang lobo na mabagsik ang tingin sa kanya mukhang gutom ito dahil sa naglalaway nitong bibig habang nakatingin sa kanya.

Umiwas sya nang sumugod ito bago sya tumalon para kalmutin ang likod nang lobo lalo naman itong naging marahas at muling sumugod, Hindi nya nakita ang paghawi nang buntot nito sa kanya dahilan nang pagtilapon nya sa puno.

Hindi naman nasaktan ang babae at mabilis na tumayo bago sinugod ang lobo na hindi nakaiwas sa malakas na pwersang pagkalmot nya sa may dibdib nito. Umalulong nang malakas ang lobo nang nanghihina itong bumagsak dahil sa malaking sugat na natamo.

Hindi na sya nag aksaya nang oras at mabilis itong pinutulan nang ulo, Patay na muling bumagsak ang lobo.

Mabilis syang lumapit kung nasaan ang babae nakita nyang nakapikit na ito at nawalan nang malay dahil sa dami nang dugo na nawala dito. Inilagay nya ito sa likod bago muling tumakbo nang mabilis kailangan nyang magmadali dahil mahina na ang pulso nito.

Kailangan nya itong madala nang mabilis sa kanilang kaharian dahil may naririnig pa syang isang bagay na tiyak na magpapabago sa lahat.










TAMED HIMWhere stories live. Discover now