Agisi's POV
"Agisi!" Isang nakakabinging sigaw ang narinig ko pagkarating na pagkarating ko sa classroom namin. Alam ko na kung sino ito. Wala naman mahihiyang isigaw ang pangalan ko maliban sa bestfriend ko.
Pumunta ako sa tabi ng aircon kung saan ako madalas tumatambay kapag dumadating ako. Nagpapalamig muna ako bago pumunta sa upuan ko. Ganito ang araw-araw kong ginagawa sa tuwing pumapasok ako sa eskwelahan.
"Nakagawa ka na ba nang asssignment sa General Physics?" tanong ni Livia na katabi ko sa pagpapalamig sa aircon habang nakatingin sa akin.
"Oo. Ikaw?" Naramdaman ko ang paglapit ng bestfriend ko sa amin. Grade 12 na kami at papalapit na kami sa college. Kaya, kinakailangan ko galingan para matanggap sa mga unibersidad na aapply-an ko.
Tumango si Livia. "Oo pero hindi ako sure kung tama ang sagot ko. Mahirap kasi yung binigay ni Sir. Wala sa mga binigay niya na example."
Tumango ako bilang sang-ayon. Tama naman siya. Mahirap ang binigay ni Sir dahil out of nowhere ang mga binigay niya. Kung meron man, yung website may babayaran para lang makiya ang answer.
"Pakopya, Agisi." aniya ng aking bestfriend.
"Wala ka na naman gawa, Jenra?"
Ngumiti ito nang alanganin sa akin. Buntong-hininga ko kinuha ang aking binder sa aking bag at ibinigay sa kaniya.
She smile at me widely.
"Thank you, Agisi! Promise, babawi ako!" Then she left.
Naiwan kami ni Livia na nagpapahangin sa aircon. Sobrang lamig. Isa ito sa mga dahilan kung bakit gusto ko mag-aga pumasok. Para magpalamog.
"Alam mo na ba ang bali-balita, Agisi?" putol ni Livia sa katahimikan dahilan para bumaling ako sa kaniya.
Kunot-noo ko ito tinanong. "Anong balita?" Dahil chismosa ako gusto ko malaman ang balita niya.
"Si Aviah. Buntis daw."
Yun lang pala. Akala ko kung ano na.
"Sino raw ang ama?" walang gana kong tanong para sakyan si Livia. Hindi naman ako interesado sa balita niya. Mabuti kung wala klase ngayong araw. Baka roon pa ako maging interesado. Pero patungkol sa mga kaklase ko, hindi. Unless, he or she is my friend just like Jenra.
"Well, according on what I've heard, her current boyfriend. Si Nicholas Savien. Yung team captain ng basketball team sa kabilang section." Tumango-tango na lang ako. I know Nicholas. He is the team captain of the basketball and reigning MVP. Also, the current boyfriend of Aviah Alvarez. "Heto pa, yung lalaki ayaw panindigan si Aviah. Sabi niya, hindi raw kaniya yung dinadala ni Aviah. But according to Aviah, Nicholas is the father of her child."
"Okay." I simply replied.
"You know Aviah's father, right?"
Tumango-tango ako. I know him. He is the current governor of our province. While his wife, the mother of Aviah, is the current congresswoman in our province. Aviah came from politician family. They run our province and other cities. They are quite powerful.
"Sinampal daw sa family gathering si Aviah dahil pinaalam nito ang pagiging buntis niya."
"Ano naman yan, Livia? Nagiging marites ka na ha." Parehong bumaling kami sa nagsalita.
"Tumahimik ka nga, Dexter! Hindi ako marites!" pagtatanggol ni Livia sa sarili.
Ngiting tumabi sa akin si Dexter. "Ano ba yang pinag-uusapan niyo?" usisa nito.
"It is Aviah. You know. Her being pregnant."
"Narinig ko rin yan. Sa tingin mo, totoo yun?" usisa ni Dexter. Isa pa ito na marites. Kung makabintang kay Livia, akala mo hindi rin marites.
BINABASA MO ANG
I Fell and She Fell Harder [INTERSEX]
HumorDahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil mayroon siya katulad sa mga lalaki kahit na babae siya kaso never pa niya ito naipasok sa kahit sin...