18

5.6K 188 58
                                    

"Aviah, bitaw na." Pinilit ko alisin ang pagkakayakap nito sa akin pero nagpumilit pa ito na sumiksik sa dibdib ko. Tumingin ako sa bodyguard na malapit sa amin. Humingi ako nang tulong dito sa pamamagitan nang pagsenyas sa kaniya na alisin si Aviah sa akin kaso umiwas ito nang tingin sa akin.

Oo nga pala, di nila ako boss kundi itong nakayakap sa akin nang wagas.

"Ayoko. Baka di ka na bumalik dito. Baka makipagtanan ka kung wala ka sa tabi ko."

"Anong makipagtanan? Pag-aaral ang ipupunta ko sa school, Aviah. Saka, panaginip lang yung iniwan kita." paglilinaw ko rito.

Pagbukas nang pagbukas ko sa aking mga mata bumungad sa akin kanina si Aviah na namumugto ang mga mata kesyo na nanaginip ito na iniwan ko raw siya habang nanganganak at nakipagtanan sa iba. Dahil doon, kahit saan ako pumunta sa bahay ay sumasama siya. Muntik pa siya pumasok sa cr kung di ko lang siya pinigilan. Kaya ngayon, paalis na ako ay todo kapit ito sa akin. Di naman kasi pwede sumama sa akin dahil pinahinto ko muna siya na pinayagan naman niya at ganoon din ang mga magulang niya. Buti na lang ay pumayag ang mga ito.

"No! You're wrong. Kayang-kaya mo ako iwan, Agisi dahil hindi mo naman ako mahal eh." Umangat ito sa akin nang tingin. I saw her beautiful almond eyes that was about to cry but then she remember something.

This month, she's been so emotional. Kapag may mga ka-text ako which made me smile na nakikita niya, tinatapon niya yung cellphone ko. Kapag pinagsasabihan ko, iiyak siya. Hindi naman ako pwede magalit baka sobra pa ang gawin niya and she's pregnant. Kahit na emotional siya, hindi rin naaalis ang panghaharot nito sa akin kahit buntis.

"How about fuck? Let's fuck. I can ride you."

Ramdam ko ang pagtaas nang dugo ko sa aking mga mukha. Tumingin ako sa bodyguard na nakatingin sa ibang direksyon.

Narinig niya kaya? Nakakahiya!

"A-Aviah, don't say such t-thing. N-Nakakahiya! Baka may m-makarinig."

Ngitian niya lang ako habang titig na titig sa mga mata.

"Asawa naman kita kaya walang nakakahiya roon, Salustio. Ang nakakahiya kapag hindi ko asawa ang sinakyan ko."

"Aviah naman!"

"You are so cute when you are shy." She pinched my cheek. "I'm going at the clinic today. Ayaw mo ba ako samahan?"

Oh, right. I forgot. May check up pala siya ngayon. Sinabihan niya ako kagabi.

"Are you sure you want me to come with you?"

"Nonsense naman nang tanong mo. Syempre, gusto kita kasama. Ano? Sasama ka ba?"

"Sige na lang mag-absent na lang ako para sa inyo."

"Wow! Parang napipilitan ka lang."

Imbes na magsalita ay hinalikan ko lang ito sa labi. Nakangiti akong humiwalay sa kaniya matapos iyon.

"Morning kiss."

A sharp object aim my heart that cause it pain as soon she open her mouth.

"Sa mga ginagawa mo ngayon this month, mas lalo mo akong pinapahulog sayo. Sana ganoon ka rin sa akin."

~~~

"Magkakababy ka na talaga," nakangiting aniya ko habang nakasulyap sa kaniya. Pabalik kami ngayon sa sasakyan namin after namin magpacheck-up sa family doctor nila. Hindi pa rin ma-process sa utak ko na talagang may baby siya. Well, lumalaki na rin kasi ang tiyan na kaya talagang may laman talaga at hindi yun pagkain lamang.

She cling on my right hand. Nakangiti ito sa akin habang titig na titig.

"Hindi lang ako, pati na rin ikaw. Magkakababy tayo. Papalakihin natin siyang mabuting tao na may takot sa diyos."

I Fell and She Fell Harder [INTERSEX]Where stories live. Discover now