20

6.1K 222 27
                                    

AVIAH'S POV

"Mabuti pang hiwalayan mo siya, Aviah. Niloko ka niya." madiing wika ni Papa habang nasa opisina niya ako. Kasalukuyan nasa labas si mahal para makapag-usap kami ni Papa tungkol sa nangyari sa kaniya. "I know that you and her are pretending to be a couple but that's not enough para lokohin ka! Go back with Nicholas! He can treat you better! Malilimutan mo rin siya baka nga mapalitan mo siya agad!"

Hindi na ako nagulat na alam niyang nagpapanggap lang kami ni Agisi dahil minsan ko na ito sinabi noon. Pero, wala pa rin ito karapatan para diktahan ako.

"Kilala ko si Agisi, Papa. Hindi niya ako lolokohin dahil kung lolokohin man niya ako hindi yung kasama niya ang makakasama niya sa kama sa mga oras na iyon. Saka, I really love her more than you can image. At kung kakalimutan ko siya, parang kinalimutan ko na ang kalahating ako! There is no other Agisi Kith Salustio de Nicolo in this world who made me feel like this."

"Anak..."

"Hindi ako papayag na may taong sisira sa pinapangarap kong pamilya kay Agisi. Dadagdagan pa namin itong anak namin." Hinaplos ko ang aking tiyan.

I can't wait to have another child with her. I'm still young. Baka makaya pa namin bumuo ng soccer team.

"W-Wait... a-are you saying that she is the one who impregnated you?"

Ngumiti ako. I think this is the time to reveal the truth.

"Pa, I'm pregnant to her child. Kaya hindi ako makakapayag na ipaghiwalay mo kami lalo pa't mahal na mahal ko siya. Kung ipagpipilitan mo pa rin na ipaghiwalay kami ay mabuti pang kalimutan mo na may anak ka."

Hindi ko na hinintay ang sasabihin nito dahil lumabas na ako sa opisina niya.

"Aviah, saan tayo pupunta?" tanong ni mahal nang hilain ko siya papaalis.

"Uuwi tayo. Gusto ko na magpahinga kasama ka."

"Ha? Pero kailangan ko kausapin ang tatay mo." Huminto ako sa paglalakad at lumingon sa kaniya. Pinagtitigan ko siya ngunit mabilis siya umiwas nang tingin. Magsasalita sana ako nang mapansin ko na tumulo ang kaniyang luha. She's crying! "I'm sorry."

I smiled. I hugged her tightly. I even caress her back.

"Mahal kita, Salustio. Mahal na mahal." bulong ko rito.

"Inosente ako, Aviah. Paniwalaan mo ako." Paulit-paulit niya ito sinabi habang umiiyak.

Nagtiim bagang ako dahil sa galit na nararamdaman ko. Hindi dahil sa asawa ko kundi sa nangyari sa kaniya. Alam ko na hindi pumapatol si Agisi sa kahit sino. Alam ko iyon dahil isa na ako sa di niya pinatulan kahit inaakit-akit ko ito.

Masyado siyang faithful sa taong mahal niya!

Pero... kapag uminom ito, tiyak na sasama ito sa kahit sino! Dahil napatunayan ko na iyon. Kaso sa nangyari sa kaniya, hindi siya lasing at nasa tamang wisyo pa siya. Duda ako na may nangyari sa kaniya kaya ganoon.

I need to investigate to what happen to her. At kapag nalaman ko na talagang may sumisira sa amin, may kalalagyan siya/sila sa akin! Ang dami ko pinagdaanan para lang kalimutan si Agisi. Tapos ngayong nasa piling ko na si Agisi, doon pa may sisira.

This time, I will fight and win at the end!

~~~

"Natatakot ako."

Naramdaman ko ang paghawak sa akin ni mahal sa aking kamay. Lumingon ako sa kaniya at nakita siyang nakangiti habang nakatitig sa akin. Lalong bumilis ang pintig nang puso ko.

Oh Cupid make sure she's mine!

"Huwag ka matakot. Dapat nga ay ako ang matakot dahil sasabihin ko kay inay ang nangyari. Siguradong magagalit iyon sa akin."

"Then don't tell it kung magagalit siya. Baka mamaya ano pa ang gawin niya sayo." Hinawakan ko ang kaniyang pisngi. Shit! Ang lambot at ang kinis pa! "Saka, ako dapat ang matakot dahil ito ang kauna-unahang makikita ko ang nanay mo. Should I call her mommy, mama or mamita? Or inay na lang katulad sa tawag mo sa kaniya?"

After that happened in my parents' house, she decided to take me to her mother. Kaya kinakabahan at natatakot ako dahil ito ang unang beses ko siyang makikita. And take note, dinala niya ako rito para raw sabihin ang nangyari sa amin sa nanay niya which is the 'cheating' issue.

"She needs to know, my sol. Kailangan niya rin ako payuhan para maging mabuting asawa sa inyo." Ang dugo ko ay umakyat sa aking mukha sa huling sinabi niya. "Pagkatapos natin siya kausapin, magdadasal tayo. Our marriage needs the guidance from the greatest creator to work this things out. Bukas ay babalik ako sa bahay ng mga magulang mo para i-explain ang side ko at humingi ng tawad."

"Are you saying that you won't allow us to be separated?" Tumango ito sa akin na ikinasinghap ko.

"May anak na tayo, Delilah. Sa tingin mo ba, hahayaan ko na mahiwalay sa inyo? Of course, no. I will try harder to fall for you."

Agisi... you know?

She smiled at me. Inakbayan niya ako. Nanatili pa rin ako nakatitig sa kaniya. Hindi siya mukhang galit na pinasasalamatan ko. "Let's talk about it when we got home. Ngayon punta muna tayo kay inay." Tumango naman ako.

Pareho kami naglakad papunta sa bahay nila. She's right. This is not the right place.

"Patay na patay ka pala sa akin, Aviah."

"Oo naman. Patay na patay ako sayo." pag-amin ko rito. Tila nahiya naman ito dahil umiwas ito nang tingin.

Iba yung hatak ni Agisi sa lahat na naging ex ko kahit na crush ko siya. Siya yung tipong kahit crush ko lang nasasaktan na ako kapag may mga kasama siya. I know Agisi is so gentlewoman to others that really made me jealous. Lalo pa't hindi ito lumalapit sa akin! I even question myself kung pangit ba ako o ano dahil hindi ito lumalapit sa akin.

"You know I want to have soccer team." I added.

"Soccer team? Gagawa ka?"

"Ikaw at ako ang gagawa." Kinindatan ko ito na siyang ikinapula niya. Kinurot ko ang pisngi nito. "Ang cute mo talaga~" Hinalikan ko ito sa labi ng smack. "I love you."

Magsasalita sana ito kaso may narinig kami sumigaw sa pangalan niya.

"Anak!" 

Pareho kami lumingon at nakita ang isang ginang na papalapit sa amin. Napalunok ako sa wala sa oras.

Nanay ba niya ito? Nakita niya ba na hinalikan ko si Salustio? Kung oo, nakakahiya!

Bumilis ang tibok ng puso ko. Pinagpapawisan na rin ako. Inayos ko ang aking buhok kahit na maayos na ito kanina pa. I even smell my mouth. Mabango naman! Galing pa ito sa labi ni Salustio.

"Nay!" Lumingon ito sa akin. She give me an assurance smile. "Huwag ka kabahan. Nandito naman ako."

Nakaramdam ulit ako nang butterflies sa tiyan ko dahil sa sinabi niya! Hulog na hulog na naman ako.

"Nay, siya pala ang asawa ko si Aviah Delilah Mae Alvarez." pakilala niya nang nasa harapan namin ang nanay nito. Ngumiti ang huli sa akin kaya ngumiti rin ako. "Sol, nanay ko pala."

"Hi po, nay."

Nilahad ko ang aking palad. Hindi niya ito tinanggap ngunit niyakap niya ako na siyang nagpabigla sa akin. Kalaunan ay niyakap ko rin ito pabalik.

"Ang ganda mo ineng. Hindi ka ba sinasaktan ng anak ko?" bulong nito bago humiwalay sa akin.

"Hindi naman po."

"Mabuti naman kung ganoon kasi kung sasaktan ka niya, ako bahala sayo. Ipabugbog ko yan para di magloko pa." Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Nay naman!"

"Hala, tara punta tayo sa bahay." Hinila niya ako dahilan para mauna kami maglakad. Lumingon ako kay Salustio na nakasunod sa amin habang nakatingin sa akin na nakangiti. "Mahal ka niyang anak ko, 'nak." Sumulyap ako sa nanay ni Agisi na ngayo'y nakangiti. "Hindi ka niya ipapakilala sa akin kung wala siyang nararamdaman para sayo."

----

Sa mga susunod na mga chapter POV naman ni Aviah. May mga past din kay Aviah. Matatackle rin yung you know👀 sa mga upcoming chapter

I Fell and She Fell Harder [INTERSEX]Where stories live. Discover now