26

5.6K 252 33
                                    

"Hindi niya sinasagot ang tawag ko. May nangyari kaya sa kanila na masama?" wika ko sa aking sarili habang nakatitig sa phone ko. Dalawang araw na ang nakakalipas mula noong pumunta sila ss ibang bansa pero ni isa ay wala ako natanggap na tawag. Kahit ang pagsagot nila sa tawag ko ay wala.

Maraming tumatakbo sa isip ko sa dalawang araw na wala sila... kung nakakain na sila... kung ayos sila... at marami pang iba. I try to dial my wife's number and minutes later, there is no response.

Agad ko na tinigil ang pagtawag. Dumiresto na lang ako sa instagram at ini-stalk ang account ng kapatid ko na si Nicholas. Pinasasalamat ko ay hindi naka-private ang account niya. Doon kasi mas maraming picture ang asawa ko na magkasama sila... yung asawa ko, ang huling post niya ay yung inisilang ang anak namin. Matagal na yung post niya and wala ng kasunod. Kahit myday wala.

Hinanap ko agad ang mga recent post niya and story pero sa kasamaang palad wala akong nakita na mukha ni Aviah. Pero... may nakita akong beach at may caption na 'soon beach wedding'.  Malungkot na umalis ako sa account niya.

"Oh, bakit umiiyak ka?" Umangat ang aking tingin nang makita ko si Liana. May dala-dala itong tray na puno ng mga pagkain.

"Ha?" Agad ko hinawakan ang pisngi ko at doon ko nakumpirma na totoo pala ang sinabi niya. Umiiyak na pala ako. Agad na pinunasan ito.

"Miss mo na sila no?" Nilapag niya ang tray sa table namin.

"Oo. Sobra-sobra." pag-aamin ko. Tiningnan ko ang mga pagkain at tila wala ako nakaramdam ng gutom. Sa halip ay pangungulila. "I message her na kasama kita para tapusin kung ano man ang mayroon sa atin."

"Then what she said? Pumayag ba siya?"

"Wala siya nagreply. Tinatawagan ko na siya pero hindi sumasagot. Maybe she is busy."

"Hindi ka kakain?" Then she feed herself.

"Nope. Ikaw na lang ang kumain. Hindi ako nagugutom."

"Sigurado ka?"

"Just tell me kung ano ang dapat ko malaman. Iyan naman ang pinunta ko rito."

Kaya akao nakipagmeet sa kaniya ay dahil may mahalaga itong sasabihin sa akin. Sobrang mahalaga raw at para ito sa amin ni Aviah.

Huminto ito sa pagkain at inilibot ang mga tingin sa paligid. Maya't maya ay huminto ito sa akin.

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit mabilis na tinanggap ka ng mga magulang ko, Ags? Hindi ka rin ba nagtataka kung bakit nahinto ang arrange marriage ko sana sa ibang lalaki? Ganito kasi iyon..."

Tahimik na pinakinggan ko ang mga rebelasyon niya. Sa mga nalaman ko sa araw na iyon... iisa lang ang tumatakbo sa isip ko.

Kamusta na ang mag-ina ko?

"Tama na yan," dinig ko wika ng mga kaibigan ko sa akin pero patuloy pa rin ako sa paglagok ng alak. Gusto ko muna mawala ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Agisi, tigil na. Malayo pa ang uuwian mo." wika ni Iris.

"Uuwian? Wala na akong pamilyang uuwian. May pinili na siya at hindi ako iyon." Agad ko nilagok ang alak na hawak ko.

"Agisi... baka fake news yung nakita mo."

"Anong fake news? Siya ang nagpost sa proposal nila?! Lumuhod pa nga si Nicholas sa kaniya! At... at sinagot niya. Tingnan mo sa account niya mismo at sabihin mo sa akin kung fake news iyon. Dahil sa akin hindi. Hinding-hindi." Tuluyan lumabas ang luha na kinikimkim ko.

Kinuha ko ang phone ko at agad na pumunta sa account niya. Nakita ko roon ang recent post niya. It is video about the proposal of Nicholas to her. They are in a beach and that happened to other country. Naroon din sa background ang mga magulang nila pero wala roon ang anak ko.

I Fell and She Fell Harder [INTERSEX]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang