02

9.4K 309 10
                                    

"Agisi, yung ice coffee ko?" bungad na tanong ni Jenra nang pumasok ako sa classroom. Napahilot ako sa aking sentido. Nakalimutan ko yung pinabibili ni Jenra sa akin.

"Sorry, Jen. Nakalimutan ko. May nangyari kasi. Nawala sa utak ko." Pre-occupied ang utak ko sa nangyari kanina. Hindi ko na naisip ang dahilan ko kung bakit ako lumabas.

Ngumuso si Jen. Nagtatampo naman ito. "Eh, ano ba yang nangyari? Tungkol ba saan?" Pinagtitigan ako nito. Mabilis akong umiwas nang tingin at ibinaling ito sa iba.

Hindi ko pwedeng sabihin na naging ama ako sa wala sa oras!

"W-Wait, tungkol ba ito sa crush mo?" dagdag pa nito.

Crush? Sa pagkakaalala ko, wala akong crush.

Sa halip na sagutin, pumunta ako sa upuan ko para magpahinga. Naramdaman ko ang presensiya ni Jenra na sumunod sa akin. Tinusok nito ako sa aking tagiliran.

"Ikaw ha! Nakita mo yung crush mo para mawala sa isip mo yung pinadala ko sayo. Sige. Ayos lang naman. Naiintindihan ko basta magkukwento ka."

Mabilis na bumaling ako sa kaniya. "Jenra, nasaan yung notebook ko?" Baka mamaya saan na yun mapunta.

Nagtaas-baba ang kaniyang kilay. "Nagchachange topic ka. Obvious masyado." Anong obvious? Tinuro nito ang direksyon ni Vivianny na nagsusulat. "Na kay Vivian yung notes mo. Hiniram niya. Wala kasi siya naka-answer sa General Physics."

Bumaling ito nang tingin sa amin. Napansin ata niya na nakatingin kami sa kaniya. Nang makita niya ako ay mabilis ito ngumiti sa akin. "Pahiram muna ng notes mo, Ags."

Tumango lang ako bilang tugon. Bumalik naman ito sa pagsusulat. Sakto, kinalabit ako ni Jen.

"Naks, may endearment pala kayo ni Vivian."  tukso nito.

"Pwede ba, tigil-tigilan mo ang panunukso sa akin. Tayo, wala ba tayong endearment? Saka, kilala mo naman si Vivian. Mahilig gumawa ng mga endearment."

Vivianny is a bubbly and friendly. Mahilig lang talaga gumawa nang issue itong kaibigan ko.

"Sige na nga. Sabi mo eh," suko nito. Tsk. Lahat binibigyan malisya. "Basta ikwento mo ano nangyari sayo bakit hindi mo 'ko mabilin ng ice coffee."

"Wala nga."

"Sus~ Nakita mo siguro yung crush mo na si Chaerin."

"Ha? Kailan ko ba naging crush yang si Chaerin? Magluhos dili ka nga, Jenra. May kasintahan na yung tao." Chaerin is one of our batchmate. Nasa ibang section ito at STEM ang strand niya. She is also belong to Aviah's circle of friends. May kasintahan din ang babaeng yun. Si Johnny Pablo na ka-batch rin namin pero ibang strand lang.

My bestfriend knew that I'm really into girls because of the movies and artist. Ang gaganda kasi nila.

Katulad ni Aviah, maganda rin ito kaso hindi ko ito magiging crush. Pareho lang sila ng mga kaibigan niya na mga problemado. Ke-babaeng tao, umiinom at naghahalikan doon sa tambayan nina Jericho.

"Deny pa more. Saka, asawa nasusulot nga jowa pa. Ano man? Nakita mo siya? Hindi ba't magkasama kayo ni Aviah pumasok."

"Hay naku, Jen, ang kulit mo talaga. Ilang beses ko na ba sinabi sayo na hindi ko siya crush ko. Okay?" Paulit-ulit na lang. Simula kasi noong nalaman niyang hinatid ko si Chaerin sa bahay nila, todo tukso na ito sa Jen sa akin.

One time kasi na nakasabay ko si Chaerin noong last week sa waiting shed. Sakto, umuulan. Then, itong si Chaerin walang susundo sa kaniya dahil nasiraan yung sasakyan nila and yung parents niya wala rito. Kaya ayon, wala choice kundi umuwi mag-isa. Dahil concern ako na nilalang, hinatid ko siya. Mahirap na, maraming masasamang nilalang na nagkalat sa panahon ngayon.

I Fell and She Fell Harder [INTERSEX]Where stories live. Discover now