23

5.6K 208 60
                                    

AGISI'S POV

"Hiwalayan mo na ang babaeng iyon, anak." Lumunok ako habang nakatitig sa mata ng aking ina. Dumalaw ako sa kaniya ng mag-isa dahil may gusto itong sabihin sa akin. Alam ko naman kung ano ang pag-uusapan namin at tama nga naman ako. Ang hiwalayan si Aviah.

"Inay, alam mo naman po na hindi ko iyon magagawa. Buntis si Aviah. Magkakaanak na kami." Kung hindi ko lang naalala malamang ay hihiwalayan ko siya pero hindi. I remembered everything and I want to pay it. Also, I want our child to have a complete family since I didn't experience it.

"Buntis nga siya pero sa tingin mo ba ikaw ang ama o ina? Anak, may kasintahan na siya bago niyo yun ginawa! Paano kung hindi sayo? Paano ka na lang?"

Umiwas ako nang tingin sa sinabi niya. Kagaya noong una ay hindi ko masagot ang mga tanong niya.

Paano nga ba?

"Agisi, hiwalayan mo na ang babaeng iyon. Sinisira niya lang ang buhay mo." Mahigpit na hinawakan niya ang palad ko. Napayuko ako sa sinabi niya. "Nasa senior high ka pa lang pero sinisira na niya ang buhay mo. Pinapaako niya ang hindi iyo. Hindi mo na focus ang pag-aaral kundi siya na. Paano na ang pangarap mo para sa sarili mo? Your college? Kayod ka ng kayod sa mag-inang hindi naman iyo. Hindi mo man lang naiisip ang katawan mo. Tingnan mo, pumayat ka na."

I agree on the last part since malaki rin ang pinagbago ng katawan ko. Kabuwanan kasi ni Aviah ngayon kaya doble kayod ang ginagawa ko. Alam ko naman na kahit hindi na ako magtrabaho ay may makukuha naman si Aviah dahil nandiyan ang mga magulang niya pero asawa niya ako. Tungkulin ko siya.

"Aviah is my responsible." Inangat ko ang aking tingin. Pinagtitigan ko ang mga mata ng aking ina na kuhang-kuha ko sa kaniya. "Hindi ko siya kayang iwan pati na rin ang anak namin. I can't hurt her again." seryosong wika ko.

Marami na akong kasalanan sa kaniya nitong mga nakaraang buwan at ngayon. Hindi ko na kayang saktan pa siya.

"But you hurt your half brother Nicholas, Agisi. He supposed to be in your place. Siya dapat ang gumagawa sa responsibilidad mo."

Right. Nicholas Savien is my half brother from my biological father. Though, I never treated him my brother as well as him to me. We're just nothing to each other but a schoolmate.

Magsasalita sana kaso nakatanggap ako ng text mula sa isang babaeng siyang naglalaman ng puso ko ngayon. I couldn't help myself but to smile.

From Liana

Where are you? May date tayo diba sa condo ko. Come here na mahal ko.

"So, Aviah really wins your heart."

Mali ka, inay. It wasn't Aviah. It still Liana.

"Where are you, Agisi? Nanganak na si Aviah!" Agad ako bumangon matapos ko marinig ang boses ni Jenra. Shit! Nakalimutan ko umuwi. "Pumunta ka na rito!" Pagkatapos ay binabaan niya ako ng telepono.

"Who's that?"

Lumingon ako sa katabi ko sa kama. Isang magandang diyosa ang nakita ko na kakagising lang habang tinatakpan ang kaniyang kahubaran. Si Liana.

Mabilis na tumayo ako at pinulot ang mga damit na nakakalat sa sahig. "A friend." simpleng sagot ko.

"Saan ka pupunta? Hindi ka magstay dito?"

"May pupuntahan lang ako na importante, Li." seryosong wika ko habang sinusuot ang mga damit ko. Wala na ako pakialam kung ano man ang makita niya. Ang mahalaga ay makapunta ako sa ospital kung saan sinugod si Aviah.

She needs me right now!

"Mas importante pa sa akin, Agisi?" rinig kong lambing nitong tanong.

I didn't answered her question.

Months passed but everything changed when Liana came back. Akala ko mahuhulog na ako kay Aviah but it never happen. Nang bumalik si Liana noong mga nakaraang buwan, akala ko wala na ako nararamdaman para sa kaniya pero mali ako. Meron pa pala.

Mahal ko pa siya.

Then I realized, kahit ano ang gawin ni Aviah ay hindi niya mapapatayan ang pagmamahal ko kay Liana. I know she did her best for me to fall for her. She trying her best to be that person that I could love, a perfect lover to be exact, but... I'm really the problem.

Marupok ako kay Liana. Sa sobrang rupok ko sa kaniya ay nagawa ko lokohin si Aviah. I'm secretly cheating that will hurt her badly once she found about my case. Kaya hangga't maari ay tinatago ko ito sa kaniya dahil alam kong masasaktan siya at baka madamay din ang pagbubuntis niya.

"Mahal, kailan ko ulit makikita ang nanay mo para naman mapag-usapan na natin ang kasal nating dalawa since botong-boto na ang mga magulang ko sayo."

Natigilan ako sa sinabi niya. Noong umuwi siya ay sinabi nito na hindi na matutuloy ang kasal at boto na raw sa akin ang mga magulang niya na labis ko ikinataka. Alam ko kasi kung gaano ako kadisgusto ng mga magulang niya. Kahit na ganoon ay isiniwalang bahala ko na lang dahil sa wakas ay hindi na siya ikakasal sa akin at botong-boto pa sa akin ang mga magulang niya. Nakipagmeet pa ako sa kanila noong nakaraang buwan.

"You'll meet her but not now." Walang alam ang nanay ko sa nangyayari ngayon sa akin sa pangangaliwa ko.

"Okay but give me a kiss before you left." Then she pouted. Ginawaran ko ito nang halik matapos ko maayos ko ang sarili at handa umalis.

"I'll be back."

"I need to see my wife!" I shouted. Hindi kasi ako pinapapasok ng mga bodyguard ng ama ni Aviah. "I don't know why are you doing this but I need to see my wife. Please, padaanin niyo ako." Tinulak ko sila kaso masyado silang marami kaya may nakapagpigil din sa akin.

"Ma'am you need to leave. Sir Manuel knew that your cheating to your wife." Nanigas ako sa narinig. Bumilis ang tibok ng puso ko. Pinagpapawisan na rin ako at may kung ano-ano akong nararamdaman ngunit iisa lang ang nangibabaw. Takot. Natatakot sa posibleng mangyari sa amin ng mag-ina ko. Bumaling ako sa nagsalita. "Mas mabuti pang umalis na kayo kaysa makita kayo ni Sir. Galit na galit siya sayo ngayon, Ma'am."

"I will face him. Basta makita ko lang ang mag-ina ko."

Haharapin ko siya. Kahit ano ang gawin niya sa akin ay tatanggapin ko. Ang mahalaga ay makita ko ang mag-ina ko na nasa mabuting kalagayan.

"Face our daughter and you will suffer." Lumingon ako sa nagsalita. Ang ina ni Aviah. Seryoso ito nakatitig sa aking mga mata. "Kakasuhan ka namin. Sisiguraduhin ko na mabubulok ka sa kulungan kasama ang nanay mo." Lumapit ito sa akin. Sa kanila mag-asawa, siya lang ang wala masyadong sinasabi sa akin maliban ngayon. Kaya hindi ko maiwasan mangamba.

"Don't test my power and my money, Agisi Kith Salustio. Sa ginawa mo sa anak ko, hindi ko iyon palalagpasin. Kaya habang may awa pa ako sayo, huwag na huwag ka magpapakita sa anak at apo ko dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo."

IYON LANG HULI NAMIN PAG-UUSAP NANG UMAGANG IYON DAHIL KINAGABIHAN AY NINAKAW KO ANG AKING ANAK MULA SA KANILA.

I Fell and She Fell Harder [INTERSEX]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon