07

7.6K 312 15
                                    

Dapat sa Monday pa ito 😊

•••
"Aray!" daing ko habang ginagamot ako ni Aviah. Kasalukuyan nasa bahay kami kasama ang mga kaibigan ko na ginagamot din sarili ko katulad ko kaso nagrepresenta si Aviah na siya na lang ang gumaya. Umuwi kami na may bugbog pero sa aming lahat ako ang pinuruan. "Dahan-dahan naman."

Dumating ako doon sa bar at sinugod si Nicholas kaso sumugod din ang mga kasama niya. Ginanti lang ako ng mga kaibigan kaso may mga back-up din pala ang mga yun. Buti na lang talaga ay nakauwi kami ng buhay. Pasalamat talaga dumating ang mga jowa nila. Naku, kung hindi lang yari kami. Kahit kasi bouncer di pa pinalagpas.

"Sino ba kasi nagsabi sayo na sumugod ka roon, ha?! Yan tuloy ang nakuha mo!" pangangaral sa akin ni Aviah. Mas diniinan nito ang paglagay nito ng alcohol sa sugat ko. "Magtiis ka. Pinili mo yan."

"Yung kaso ng mga kaibigan doon sa guard, naayos mo ba? Pasensya na sa gulo na ginawa nila. Pero hindi ako maghihingi ng sorry sa Nicholas at sa mga uyab ng mga kaibigan mo." Nakasali ang mga iyon kahit na di kasali. Ayos lang naman kung kami lang ni Nicholas ang msglaban kaso nagback up yung mga kaibigan niya.

"Ayos na. Huwag ka na mag-alala."

"Yung mga lalaking nagback up doon sa sinuntok mo, mga uyab yun ng mga bebot kanina?" singit ni Ron na ginagamot ng isa pa namin na kaibigan na si Fred or Fredie Ann.

"Oo naman. Bakit?"

"Wala curious lang. Oh siya, aalis na kami. Need pa namin ibalik yung mga motor." Tumayo ito mula sa pagkakaupo. Kitang-kita ko ang black eye sa kanang mata nito. Sumulyap ito kay Aviah. "Ingatan mo ang kaibigan namin, Aviah, kasi may hinihintay yan." Sinundan pa nito nang tawa bago lumabas. Sumunod naman ang iba. Ang iba naman ay nagpaalam kay Aviah.

Maya't maya ay nawala na sila sa tingin ko. "Isasarado ko muna ang gate." Iniwan ko si Aviah sa sala bago lumabas. Akala ko ay nakaalis na sila kaso nandoon pa rin sila at nakasakay na.

"Di namin alam kung bakit nagpakasal ka sa katulad ni Aviah. Halata naman sa babaeng yun na di ka papatulan at mukha naman na di mo siya mahal at ganoon din siya sayo pero kahit ganoon maging mabuti ka sa kaniya. Her family is dangerous and to think she is the only child from our ruthless governor, kayang-kaya niya sirain ang kung sinuman ang manakit sa unica hija niya." Tumango lang ako.

"Papatayin ka ng papa niya kapag nambabae o nanlalaki ka kaya mag-ayos ka dahil wala kami tropa na playgirl," singit ni Fred sa usapan na siyang kinatawa ng mga kaibigan namin.

"Balita namin sinugod ka ni Tantan sa school mo. Huwag ka mag-alala dahil siniguro na namin na di ka na niya mapupuntahan." Sa sinabi ni Ron ay sumeryoso ako. I know what she can do. She is not afraid of doing things especially she has nothing to lose. I mean, everything in the group except for me.

"Babawian din namin ikaw sa kanila pero ipapaubaya namin sayo yung sinugod mo. Pero yung sumugod sayo, sa amin na yun. By the way, yung mga sumugod sayo ay mga boyfriend nung mga bebot kanina?"

"Oo, bakit? Sinasabi ko sa inyo, mahirap kalabanin ang mga pamilya noong mga boyfriend niya dahil mayayaman din sila same with their girlfriend."

Ngumisi ito sa akin. "Let see."

~~~

"Nakauwi na sila?" Unang bungad sa akin ni Aviah nang makapasok ako sa aking kwarto. Kasalukuyan itong nakaupo sa aking kama.

"Yeah. Bakit ka pala nandito?" Sa pagkakaalam ko, hiwalay kami ng kwarto.

Her parents bought us a house inside a subdivision that they own. Regalo raw nila sa amin. The house is same design with their house kaso mas malaki yung bahay ng mga magulang niya kaysa sa amin. Doon kasi kakasya ata ang buong baranggay sa laki at lawak. Ito sa amin has second floor with four bedrooms. Wala pa yung maids quarter.

Buti na lang talaga ay nanalo ang asawa ko na huwag muna kami magmaid kasi kung nagkataon tiyak na malalaman ang pagpapanggap namin. Noong binigay nila ito ay gusto rin nila na magkaroon kami ng mga maid. Naisipan nila na yung mga maid sa kanila ay ipunta na lang dito kaso mabilis na tumanggi si Aviah. Mahabang diskusyon nangyari pero nanaig pa rin si Aviah.

"I need to talk to you about something." Lumapit ako sa isang couch at doon umupo. "We need to have rules about our situation."

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.

"Rules? Huwag na. Pambata lang ang mga ganiyan."

"Pambata? Baka lang natatakot ka sa mga rules ko kaya sinasabi mo yan." She even crossed her arms. Tumaas pa ang kanang kilay nito. Ang taray ng itsura.

"Aviah, rules are meant to be broken. Marami na ako nababasa na gumagawa ng mga rules pero nalalabag din. Sige nga. Ano ba yang rule #1 mo? Ah, gets ko na yung pinakauna." Biglang pumasok sa akin yun dahil marami na ako nababasa na ganoon.

"Bawal ma-inlove? Aviah, paano kung nalabag natin pareho?" hamon ko. Bigla ako natahimik nang may marealize ako. Tila nagulat din ito sa sinabi ko.

It is impossible for Aviah to fall in love with someone like me. Masyado mataas at masyado naman ako mababa para sa kaniya. Magkaiba ang mundo namin. Sobrang magkaiba. Also, it is impossible for my case to fall someone like her.

Aviah Alvarez is out of my league.

"Nevermind. Payag na ako. Ano ba yang rules mo at makikinig ako." pag-iiba ko sa usapan namin. Baka akala nito ay 'na-fall' na ako sa kaniya kaya ko iyon nasabi. Naku, hinding-hindi iyon mangyayari kahit gaano pa karami ang nagkakagusto sa kaniya.

She smiles at me like she won in a lottery.

"I won't include that thing. Maganda ako at mabait kaya hindi nakakapagtaka na magkagusto sa akin."

"Okay sinabi mo eh." sakay ko na lang sa kaniya.

"Rule #1: No sex. We can kiss, we can hug or cuddle but not sex. Pagpapanggap lang itong ginagawa natin kaya hindi kailangan umabot pa roon." Asa naman na ipapasok ko si junior sa kaniya. "Rule #2: We must act a lovers in front of my parents. Dapat yung itsura mo kapag kaharap sila ay tanggap mo ako at ang bata." Kahit na hindi mo sabihin ay gagawin ko rin dahil baka may kalalagyan ako sa tatay mo. "Rule 3: Ako ang uunahin kahit kanino except for your parent."

"Okay. Iyon lang ba?"

"Sa ngayon, yun lang muna. Hindi ka ba aangal?"

"Hindi naman. Yun lang ba? Kasi matutulog na ako." I yawned. Gusto ko na magpahinga.

"Yes, yun lang." Akmang pipikit na ako nang hilain akk ni Aviah. Hindi ko man lang namalayan na pumunta siya sa akin. Hinila niya ako papunta sa kama.

"Let's sleep. Tabi tayo." Humiga na lang ako. Hindi na ako umangal sa sinabi niya. Naramdaman ko ang paglundag ng kama.

I close my eyes. This is tiring day. May sinabi pa ito kaso hindi ko na narinig.

"If we both fall in love then please take care of me. If you fall then make it happen for me to fall in love with you. Kapag ako naman nahulog... nevermind."

I Fell and She Fell Harder [INTERSEX]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon