12

7.5K 287 32
                                    

"Do you think I will be a great mother, Sol?" I heard Aviah asked as we both staring the sky. Gabi na nang matapos kami maligo sa dagat. Sa halip na bumalik sa bahay ay nandito kami ngayon sa gilid ng dalampasigan.

"Oo naman. Alam kong papalakihin mo ang anak mo ng mabuti. Speaking of anak, anong ipapangalan mo sa kaniya?"

"Ikaw." Ha? Lumingon ako sa kaniya nang nagtataka. Ngayon ko lang napansin na nakatingin din pala ito sa akin. "I want to hear your suggestion first. Wala pa kasi ako naiisip. Baka meron ka maisip, you can tell me."

"What about to combine your name to Nicholas?" Kadalasan kasi ganoon yung napapanood ko sa youtube. Pinaghahalo ng mga magulang ang kanilang pangalan para ipangalan sa kanilang anak.

"Ang galing mo talaga magsuggest." She sarcastically said and she rolled her eyes. Natawa lang ako at walang paalam na inakbayan siya.

"Kung may anak man ako na sarili, I will name her using my second name at dadagdagan ko name niya using my partner's name. Oh, by the way anong apelyido ang dadalhin ng bata? You or Nicholas?"

"Ayoko idala ang apelyido ni Nicholas sa anak ko. Siya mismo ang nagsabi na ayaw niya sa bata so bakit ko pa ipapagamit ang apelyido sa anak ko."

Tama naman siya. Ganoon din kasi ang ginawa ng aking ina sa akin. She didn't use my father's last name on mine.

"So, ang apelyido mo ang ipapagamit mo sa bata? Di naman kasi pwedeng apelyido ko ang gagamitin mo knowing na maghihiwalay din tayo."

Gusto ko rin ipagamit ang apelyido sa anak niya kaso ang napag-usapan namin after a year, maghihiwalay din kami. Also, knowing his father, for sure he wouldn't allow it. Sabihan pa naman ako noon ng gold digger. Baka lalala pa once na ipagamit ko sa bata ang apelyido ko. Baka sabihin pa na gagamitin ko ang bata sa masama which is not.

I will treat her on how I treat her mother. Kung ang nanay niya, mahal ko bilang kapwa tao then ang anak niya mamahalin ko rin pero sobra pa sa kapwa tao. I will treat her as my daughter. Ipaparanas ko sa kaniya yung di pinaranas sa akin ng aking ama.

Kahit maghiwalay kami ni Aviah, siya ang magiging baby ko.

"Ayaw mo bang ipagamit ang apelyido mo sa anak ko, Ags?" She asked in a low tone. Inalis niya rin ang braso ko na nasa balikat niya. Titig na titig siya at hinihintay ang sagot ko.

"Let me think, Sol."

Tatanungin ko sa kaniyang ama ang patungkol dito. Kung papayag siya at si Aviah, iyon ang ipapagamit namin sa bata.

"Sayaw tayo?" aya ko sa kaniya. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nilahad ang palad ko sa harap niya.

"Ha? Dito?" Tinuro pa nito ang lokasyon namin. Nakangiting tumango naman ako rito. "Pero wala tayong music."

"Ako bahala. Basta, sayaw tayo."

Kinuha nito ang kamay ko at tumayo. Hinawakan ko siya sa kaniyang beywang at siya naman ay pinulupot niya ang kaniyang braso sa aking leeg. Hindi naman sobrang higpit ang ginawa niya. Katamtam lang. Hindi rin kami sobrang lapit sa isa't isa na tipong maghahalikan kami.

It just a position that couple do while dancing in a lovely way.

"Ano bang trip mo ngayon at nag-aaya ka na sumayaw kahit walang music."

"Tahimik ka lang at sumayaw dahil ako na ang bahala sa music." Tumikhim ako at nagsimula na sa balak ko.

Sinimulan ko na ang pagsayaw namin ng mabagal. I'm leading our dance while I'm singing.

"Closed off from love, I didn't need the pain
Once or twice was enough and it was all in vain
Time starts to pass, before you know it, you're frozen, ooh
But something happened for the very first time with you
My heart melts into the ground, found something true
And everyone's looking 'round, thinking I'm going crazy, oh~"

I Fell and She Fell Harder [INTERSEX]Where stories live. Discover now