21

6.1K 207 20
                                    

Author: Sorry dahil inalis ko ito. May binago kasi ako sa huling part since hindi ko nagustuhan and may hindi rin kasi tugma sa gusto ko mangyari. My bad. Sorry again.

----

"Nay, hindi po ako natulog sa bahay namin kagabi. Gumising na lang po ako na may katabing iba."

Nanlaki ang mga mata ni Nay sa sinabi ng kaniyang anak. Naramdaman ko ang paghigpit nang paghawak sa akin ni Sol sa aking kamay habang nakaupo kami sa salas. Maya't maya ang nagsalubong ang kilay ng nanay niya nang ma-absorb nito ang sinabi ng kaniyang anak.

"Diyan ka lang, Agisi." utos ni Nay at umalis.

Lumingon naman ako sa kaniya. "Hindi mo sinabi na wala kang maalala dahil may tumakip sa ilong mo." Mahirap na baka iba ang maisip ng nanay niya.

"Kinakaba—Nay! Bakit may itak ka?" Sumulyap ako at nakita na may dala-dala nga si Nay ng itak. Pero hindi pa rin nawawala ang masamang tingin nito sa asawa ko.

"Papatayin kitang bata ka! Hindi kita pinalaki para magloko!" Dinuro-duro niya si Agisi gamit ang itak nito. "Paulit-ulit kita sinabihan na kapag magkaroon ka ng relasyon o asawa, maging faithful ka! Agisi, alam mo naman na pinalaki kita nang maayos di ba?" Unti-unti tumulo ang mga luha nito. Inilagay niya ang itak malayo sa amin at umupo malapit sa amin. Patuloy pa rin ito sa pag-iyak. Natuod naman kami. "Bakit kailangan mo pa magloko? Ginagawa mo ang pinakaayaw ko sa lahat dahil sa Papa mo at iyon ay ang panloloko."

Umiyak na ito nang tuluyan. Bigla naman ako na-curious sa huling sinabi ni Nay. Kaya ba hindi ko nakikita ang tatay nito ay dahil niloko sila? Maybe if I get a chance I will ask my Sol about her father.

"Nay, sorry." Lumapit ito kay Nay at akmang yayakapin nang pigilan siya nito.

"Huwag kang humingi sa akin kundi sa asawa mo!"

Agisi was about to say something when I decided to interupt. I think this is the time to protect my wife from misunderstanding.

"Agisi is not a cheater. May sumisira lang sa aming mag-asawa."

"W-What?"

I started explaining. Mula sa naging kwento ni Agisi na may tumakip sa ilong nito habang naglalakad sila ng kaibigan niya hanggang sa nagising ito na may kasamang babae. Sinali ko rin ang mga hinala ko na talagang may sumisira sa amin. Habang sinasabi iyon ay nangangalaiti ako sa galit dahil kung mapatunayan ko na totoo ang hinala ko, tiyak may kalalagyan sila/siya pati na rin yung babae na kasama ni Agisi sa kama! Tapos itong asawa ko naman...hay naku! Kung di ko siya kilala, talagang mapapaniwala ako na may babae ito.

"Asawa ko, kalma. Baka mamaya maging pangit ang anak natin." ngiting sambit sa akin ni Agisi habang titig sa mga mata ko na siyang nagpawala nang stress ko at napalitan ng kilig.

Did I hear it right? Asawa ko? Shit! May progress! Kung galit lang pala ang makakapagsabi sa kaniya ng ASAWA KO, sana pala araw-araw ako galit. Ay teka, magiging pangit ang anak namin kung ganoon. Never mind.

Nakangiti, nakangisi, galit, tumatawa o anuman ang ginagawa ko ay alam kong maganda ako. Kaya alam ko ganoon din ang magiging anak ko—namin at sa mga susunod pa namin na mga anak.

"Ikaw ang dahilan kaya ako ganito. Kung umuwi ka sana sa bahay, hindi sana iyon mangyayari." pagtatampo ko. I even cross my arms while looking at her.

"Anong ako? Ikaw kaya yun. Kung pinasama mo sana ako sa usapan niyo hindi iyon mangyayari."

"Eh, ayoko na magkagulo kayo ng tatay ng ex ko at ikaw." Lumingon ako sa nanay nito na ngayo'y nakatingin sa amin habang nakangiti. Hindi na ito umiiyak.

I Fell and She Fell Harder [INTERSEX]Where stories live. Discover now