17

5.8K 247 67
                                    

"Magpapadala ang ama mo ng mga maids at bodyguards. Sumang-ayon naman ako dahil wala kang makakasama rito once you drop." aniya ko nang humiga ako sa tabi niya. Nasa kwarto niya kami ngayon at nagpapahinga. Hindi muna ako pumasok dahil kailangan niya ng kasama. Kakadischarge lang namin at agad ko siya inuwi sa bahay. Gusto ng kaniyang ama na roon muna sa bahay nila magstay si Aviah kaso di pumayag anak nang sabihin ko sa kaniya na di ako sasama kapag doon siya magstay.

She chose me over her parents.

"Nag-usap kayo nang matino na wala kang black eye na nakukuha?" Tumango naman ako.

I initiated our talk about her daughter. May balak din kasi ako na ipahinto siya sa pag-aaral habang nagbubuntis siya na which he agreed too. Kaya magpapadala siya ng mga maid and bodyguard para may kasama ang kaniyang anak. Dati kasi, kami lang. Ngayon, kailangan talaga.

Kinakailangan ko rin maraming sideline para sa panganganak niya. I will be trying to be a good partner to her and love her (if I could but I know I couldn't) until I can solve to be with Liana without hurting her, my mother and Aviah.

"May gusto ka bang kainin? Lulutuan kita."

"Mamaya ka na magluto. Let's have a quality time muna." Niyakap niya ako habang nakatingin siya sa aking mga mata. I saw happiness in her beautiful eyes. Natutunaw ako sa binibigay nito na tingin dahil maliban sa saya ay may kaakibat itong pagmamahal. Umiwas ako nang tingin.

Naguguilty ako dahil hindi ko kaya ibigay ang ganoon klaseng tingin.

"Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit ikaw yung naging super crush ko sa dami ng mga pwede ko ma-crush-an noon. Itanong mo sa akin! Dali! Sasagutin ko para sayo!"

"Bakit nga?" sakay ko na lang sa trip nito.

I took a glance to observe her.

"Well, crush at first sight. I remember you nasa  black board ka solving a math problem nang pumasok ako sa classroom niyo. As I watched you that time, I remembered I heard a lot of rumored na magiging valedictorian ka dahil given na matalino ka and doon ko na prove na totoo talaga. Sa una na-attract na talaga ako sa intelligence mo. Sumasali ka sa mga quiz bee, poetry, slogan making, poster making. Marami ka noon sinalihan and talagang napapanalo mo. Akala ko roon lang ako na-attract pero hindi pala. Marami pang ibang bagay na na-attract ako sayo pero ang nangingibabaw talaga ay ang ugali mo. I know I'm straight woman but it has only one exception and it is only you."

Habang nagkukwento ito ay napansin ko ang kislap sa kaniyang mga mata. Sinamahan pa niya ito nang ngiti habang nagkukwento.

"Kaya dapat magpasalamat ka dahil sa ganda kong ito ay natipuhan kita. Sobrang dami kaya ang nagkakagusto sa akin noong grade 7 tayo kahit pa ngayon na pa-graduate tayo. Naalala ko pa na kahit may bf ako may nanliligaw pa sa akin. Ganiyan ako kaganda, Agisi. Sobrang haba ng pila sa akin." dagdag pa nito na tila nang-aasar. Kumindat pa ito bago ngumisi.

"Agree ako na maganda ka talaga pero hindi ako agree na dapat ako magpasalamat sayo dahil ako ang natipuhan mo. Remember, di ako sumama sa mga nagkakagusto sayo at sa pila para sayo." Ang ngisi nito ay nawala.

Sumimangot ito sa akin. "Nakakainis ka talaga!"

"Doon ako sumama sa mga nagkakagusto sa crush ko at sa pila para sa kaniya at di sayo."

"Pero ako ang asawa mo ngayon, wala panama sa akin yang Liana mo." Nagulat ako sa sunod nitong ginawa. Pumatong ba naman sa akin! "Let's do what a marriage couple." She even wiggle her eyebrows.

Napalunok ako.

"L-Lumipat ka nga. N-Nabibigatan ako sayo." nauutal kong wika. I lied. Di naman siya mabigat kaso nakakailang ang posisyon namin.

"Let's sex. Sex muna ngayon. Kapag mahal mo na ako, love making na."

"Delilah!"

Hindi pa namin napapag-usapan ang tungkol sa sinabi nito sa akin sa ospital tapos... argh! Umiwas ako nang tingin. Nakarinig naman ako nang malakas na halakhak mula sa kaniya. Maya't maya ay naramdaman ko na lumipat ito nang pwesto at wala na roon.

Niyakap niya ako habang nakatingin sa aking mga mata. Nakangiti ito sa akin.

"I'm joking, Sol. Di pa kita aayain ngayon pero for sure aayain talaga kita kapag horny ako. You know preggy things." Then she give me a peck of kiss. "Let's not talk about anything related to what happened at hospital. What is I said is enough. Crook or hook, you will end up with me." Magsasalita sana ako nang bigla niyang kinuha ang kamay ko at inilagay ito sa kaniyang tiyan.

Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko nang mahawakan ko ang kaniyang tiyan.

"You know... when I found out that I was pregnant, I'm scared to death. Ang dinadala ko kasi ay hindi totoong anak ni Nicholas." Sa huling narinig ay nanlaki ang aking mga mata sa pagkabigla. "This baby is the result of a one night stand and that's not even my thing." malungkot na dagdag nito habang nakatingin sa belly nito.

"T-Then whose the real father? Kilala mo ba? Nakuha mo ba ang name? May asawa ba? Kapag may asawa na ay ma—" she cuts me off.

"I know that person. I know that person's name and that person is already married."

As she said those things, she is smiling while looking at me. But why? Why she is smiling like that? Is she proud of what she did?

"Alam ba niya ang tungkol dito?" seryosong tanong ko.

"Hindi." Sa naging sagot ito ay nagsalubong ang mga kilay ko. Nawala rin ang ngiti nito. "May problema ba?"

"Nakasira ka nang pamilya, Aviah. Kapag nalaman ito ng tatay mo siguradong magagalit siya sayo. Baka nga patayin pa niya ang nakabuntis sayo at patayin ka nang asawa ng lalaking nakabuntis sayo." Siguradong mapapahamak si Aviah at sa nakabuntis sa kaniya. "You know the consequences of having a one night stand with a married man." Tumayo ako mula sa pagkakahiga.

"Single pa naman kasi siya nang may nangyari sa amin."

Napa-face palm ako sa narinig. Why Aviah? Why?

"Naniwala ka naman? Boys are boys. Nagiging single sila kapag may kursonada sila at kapag nakuha na nila gusto nila, iiwan ka!"

"That person is really single, Salustio. Naikasal lang kasi siya dahil... sa hilig niya sa chismis at sa threat?"

What the fuck? Meron bang ganoon? Impossible.

"Walang ganoon, Aviah. Niloko ka lang niya noon. Taken talaga ang lalaking iyon. By the way I will cook for us. Tatawagan ko rin ang ama mo na padamihin ang ipapadala na mga bodyguards para sayo and don't complain about it. Nagpaiyot ka sa taong taken kaya dapat lang na ma-secure ang kaligtasan mo."

Hindi ko sasabihin ang mga nalaman ko sa kaniya ngayong araw sa parents niya lalo na kay gov. Wait... I can use this information for us to get an annulment but it is not fair. Baka mailagay ko pa sa alanganin si Aviah.

Also, I don't want for us to annul while she's pregnant. Baka makunan pa siya. Maybe, when the baby already born.

I Fell and She Fell Harder [INTERSEX]Where stories live. Discover now