19

5.6K 246 7
                                    


Pinagmamasdan ko ang aking cellphone. Hinihintay ko ang message ni Aviah pero wala. Tanging 'mag-iingat ka' lang ang natanggap ko. Isa... dalawa... hindi ko mabilang kung ilang oras na ako naghihintay sa text niya o tawag niya.

Kamusta kaya siya? Maayos din kaya ang pag-uusap nila? Pumayag kaya siya?

Madami tumatakbo sa isipan ko. Hindi rin kasi ako pinasama ni Aviah sa pag-uusap nila na labis ko ikinatampo sa kaniya. Pipigilan ko kasi siya kanina kaso pumayag pa ito kaya nag-insist ako na sumama na lang kaso di ulit ako nanalo. She insist to talk him alone.

"Ang tahimik mo naman, Agisi." Sumulyap ako kay Ronia na kasalukuyang umiinom.

Dito ako agad dumiretso matapos ako di payagan ni Aviah na sumama sa kanila. Lahat ng mga kasama namin ay umiinom maliban sa akin. May masama akong experience sa pag-inom kaya hangga't tubig lang ako ngayon.

"Iniisip siguro ang asawa niya. Tingnan mo, mula nang dumating siya todo tingin yan sa cellphone. Sabihin mo nga, nag-away kayo no?" Si Fred.

"Wala kami away." paglilinaw ko. Kinuha ko ang baso na naglalaman ng tubig at ininom ito.

"Guys, may chismis pala ako sa inyo." Lahat kami ay bumaling kay Titania na katabi ko lang.

"Hoy Titania, tigil-tigilan mo nga yang pagiging chismosa mo. Ano pala yang chismis mo?" Nakatanggap nang batok si Fred kay Ron.

"Isa ka rin na chismosa." Si Ron.

"Itong chismis ko, tiyak na magiging curious kayo." Tumingin ito sa paligid. Kami lang ang nandito sa labas nang bahay ni Ronia. Maghahating gabi na rin kasi kaya walang katao-tao maliban sa amin. Ibinalik nito ang tingin sa amin. "Anak ni vice gov na babae at anak ni mayor na bunsong lalaki, nakikita na pumupunta sa lodging house."

"Anong ginagawa nila sa lodging house?" Si Iris.

"Malamang gumagawa nang milagro. Ano pa ba ang ginagawa sa lodging house?" Umiiling iling pa si Scarlet.

"Ang judgemental mo talaga Scarlet. Pwede naman pumunta sila doon para maglaro."

Tiningnan ko ang phone ko. Hinihintay ko ang chat, message o kahit call man lang ni Aviah.

"Tigil na kayo Scarlet at Iris. Makinig na lang kayo sa akin. So heto nga, tama si Scarlet. Gumagawa sila ng milagro. May tambayan sila bago sila pumupunta sa lodging house. Kasama nila mga friends nila then pagkatapos pumupunta yung dalawa sa lodging house then doon na sila gumagawa ng mga kababalaghan. Doon sa Climax Lodging House sila gumawa and heto pa, may rumors na vinivideo ni boy yung mga nagaganap sa kanila. Actually same sila school ni Agisi."

"Wait, di ba anak ni vice gov yung babae. Ibig sabihin ba noon kilala siya ni Agisi?" Naramdaman ko ang mga matang nakatingin sa akin kung kaya't umangat ako nang tingin. Lahat sila ay nakatingin sa akin. "Kilala mo ba yung tinutukoy ni Titania?" dagdag pa ni Ron.

Nagsalubong ang kilay ko. Tumayo ako mula sa aking kinauupuan. "Oo naman. Kaibigan siya ng asawa ko. Mabuti pa itigil niyo yang kachichismis niyo patungkol sa kaniya dahil hindi iyon maganda." Nagsimula na ako maglakad. "Uuwi na ako." paalam ko pa at hindi na sila inabalang tingnan pa.

~~~

"Ron, ano ba ginagawa natin?" takang tanong ko nang nasa harapan kami ng Climax Lodging House. May mga nakaparadang mga sasakyan na normal naman dahil lodging house ito. Kaso bakit kami nandito?! Uuwi na dapat ako kaso itong si Ronia ay basta na lang ako hinila at dinala rito. "Uuwi na ako."

Akmang aalis ako nang inakbayan niya ako at ngumiti ito sa akin nang mala-demonyo. Napangiwi naman ako. Sa itsura pa lang niya, alam kong may binabalak itong masama. Sa amin ba naman na magtotropa ay siya talaga ang pinakagago sa gago.

I Fell and She Fell Harder [INTERSEX]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin