11

8.1K 299 119
                                    

Author: Sa tingin niyo, ano ang theme song nila Aviah at Agisi? Kahit ako curious din. Siguro malalaman natin yan sa ending. See you sa Monday. 

~only love can hurt like thiiiiiiisssss~

----

"Mukhang masarap ah." Bumaling ako kay Sol. "Ikaw lahat niyan nagluto?" Ang dami kasing pagkain na nakahain sa lamesa nang bumaba ako.

"No, I'm not. Tinulungan ko lang sila Yaya." Pagkababa ko ay marami na nakakalat na mga maid sa bahay nila at mga lalaki na hula ko mga bodyguard based from their uniform. She said yesterday na pupunta rito ang mga cook nila at maid kaso di niya sinabi na may mga bodyguard. From instinct, I know it came from her father. "Mamaya nga ay magpapaturo ako magluto ng mga pagkain. Para naman ako na ang luluto sa mga pagkain mo."

"Asawang-asawa ang datingan ah."

"Dapat lang. Asawa mo naman ako." Napangiti na lang ako sa tinuran nito. "By the way, I stalk you. Bakit wala ka na mga following at friends sa facebook? Isa na lang ang following mo at friend mo at ako yun. Hindi ba nahack ang account mo? Hindi ko pa kasi nabubuksan yung mga account mo."

"Iyon ba? Hindi ako nahack. Sadyang nag-unfollow at unfriend din ako. Di ba nga yun ang dahilan kung ba't ka nakasimangot kahapon? Para hindi ka nakasimangot, ginawa ko yun." Balewalang sagot ko at saka umupo. Natakam ako sa mga pagkain na nakahain.

Gutom na gutom ako.

"Why? Hindi mo naman need na gawin yun."

"Choice ko yun, Sol." Sumulyap ako sa kaniya. "Pipiliin ko ulit na gawin yun kung alam kong yun ang dahilan kung ba't ka nakasimangot kahapon. Ikaw at ang baby ang mahalaga."

Paano na lang kung hindi ko yun gawin? Araw-araw siya nakasimangot. Baka paglabas ng bata nakasimangot na. Sisihin pa ako ng mga magulang niya kung ganoon ang nangyari. Saka, bawal sa kaniya mastress. Ayon sa nababasa ko, maaapektuhan siya at ang bata kapag na-stress siya.

Kaya habang maaga pa, dapat ko iwasan ang mga bagay na nagpapastress sa kaniya.

"Kain na tayo, Sol. Tawagin mo sila para sabay-sabay na tayo. Ay wag na pala, ako na ang gagawa. Upo ka na at pupuntahan ko sila para sabayan tayo."

Mas masarap kumain ng sabay-sabay kapag maraming mga pagkain gaya nito. I was about to stand when she stops me.

"Kahit anong pilit mo kila Manang at Manong, di yun sasabay sa atin. I tried to ask them kanina para sabayan tayo pero sinabi nila na mauna na tayo."

Umupo ito sa harap ko. Malungkot ko naman pinagmasdan ang mga pagkain. Mas masarap sana kung marami taong sa hapag kaysa kaunti.

"Dapat ka na masanay sa ganitong set-up, Sol." She added na siyang kinatango ko.

Nagsimula na siya kumain at ganoon din ang ginawa ko. Tahimik kami kumakain ni Aviah. Habang kumakain ay napapaisip ako.

Ganito pala ang buhay ng mga mayayaman—ng buhay niya.

"Being born rich and came from politician family, it sucks." Sa narinig, nakuha niya ang atensyon ko.

"You must be thankful dahil pinanganak kang ganiyan. Hindi mo na kailangan isipin pa ang pera dahil mayaman naman kayo."

Her family is really rich. Marami sila negosyo sa iba't ibang panig ng mundo. Balita ko, kahit na hindi magpasok ng politics ang pamilya nila ay mayaman na talaga sila. Ang mga ancestor kasi nito ay mayaman din noon pa man.

I Fell and She Fell Harder [INTERSEX]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon