22

5.9K 216 6
                                    

"I never thought na hinalay mo ako noong gabing iyon." wika ni Salustio habang nakatitig ito sa akin na nakangiti. Umakyat ang dugo ko sa sinabi niya. Alam ko ang tinutukoy niya!

Tumago ako sa dibdib nito. Pareho kami nakahiga sa kwarto. Masyado kami napagod ngayong araw dahil sa mga sunod-sunod na pangyayari.

The 'cheating' issue and meeting her mother.

"Hindi kaya kita hinalay. I-Ikaw kaya ang humalay sa akin!" tanggi ko rito. Never ko siya hinalay. Siya ang humalay sa akin noon! Sa ganda kong ito, pagbibintangan lang ng panghahalay. Saan ang hustisya? "Porke't alam mo na mahal kita, pagbibintangan mo ako! Sino kaya sa atin ang uminom ng alak na may droga? Hindi ba't ikaw yun?"

"Ako nga uminom pero sino ba itong dinala ako sa hotel at..." Umangat ako nang tingin. She smiling at me. Tila dinala na naman ako sa langit sa mga ngiti niya. "Tinukso mo kasi ako noon! Alam mo naman na may droga pero inakit mo ako."

Napangiti ako sa sinabi niya. "So, inaamin mo na kaakit-akit ako? Ganoon ba?"

"Oo, noong nalasing ako na may laman na droga ang iniinom ko. Kaakit-akit ka noong time na yun." Kinurot ko siya sa kaniyang tagiliran sa sinabi niya. Tinawanan lang niya ako. "Inaamin ko, maganda ka talaga kaso ito kasing mga mata ko naaakit lang sa taong gustong-gusto ko."

"Katulad kay Liana?" Natahimik siya sa naging sagot ko. Pinagtitigan niya lang ako samantala hinihintay ko ang response nito. Si Liana lang naman kasi ang taong gustong-gusto niya o may hindi pa ako nalalaman? "M-May nagugustuhan ka pa ba maliban kay Liana?" dagdag ko pa. May halong kaba akong naramdaman nang itanong ito sa kaniya. Malay ko ba na may gusto pa itong iba. Eh di selos na selos na naman ako.

"My heart is too faithful for Liana, Delilah." Umiwas ako nang tingin sa narinig. Parang gusto ko umiyak sa sinabi niya. Ganoon niya ba talaga kamahal si Liana? Na kahit na magkakaanak na kami, siya pa rin? Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Salustio. May binulong ito sa tainga ko na siyang nagpabilis lalo sa puso ko. "Kaya agawin mo ako sa kaniya. Make me fall for you at sisiguraduhin ko na ako ang maghahabol sayo."

"Hindi pa ba kita naagaw?"

"Naagaw mo lang yung virginity ko." Napatingin ako sa kaniya. Binigyan niya ako nang napakasamang tingin.

I chuckled.

"Really? Kung ganoon pala lamang ako kay Liana. Tama rin pala na inakit kita." ngising wika ko.

Noong una, akala ko talaga virgin itong si Agisi. Masyado kasi siyang mabait at masunurin. May takot din sa diyos. Kaso noong nabanggit na si Liana nagdadalawang isip na ako. Isa rin iyon sa rason kung bakit threaten talaga ako sa kaniya. Inaakala ko kasi na may nangyari sa kanila kaya todo habol itong si Agisi pero hindi.

"Sabi na nga ba, hinalay mo ako!"

"Hoy, magkaiba ang hinalay sa inakit!"

"Pareho lang iyon! Inakit mo ako para mahalay kita!"

"Wow ha! Ako pa ang nang halay!"

"Nakita mo naman akong lasing at may nainom na bawal. Pero anong ginawa mo? Inakit mo ako!" Umiwas ito sa akin nang tingin. Kahit madilim ay kitang-kita ko ang pamumula ng kaniyang mga tainga at pisngi dahil sa sinag ng buwan.

"Kaakit-akit ka kasi kapag lasing."

Then, I remember the past.

"Hindi ata kayo nagpapansinan, Avi." wika ni Chaerin habang umiinom kami. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nito dahil alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya. Si Nicholas. Isa lang naman ibig sabihin na hindi kami nagpapansinan iyon ay naghiwalay na naman kami.

I Fell and She Fell Harder [INTERSEX]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz