Chapter 7

6.8K 416 74
                                    

"Princess Xianna and neraida Nieve, kindly move forward." Saad ng Reyna kaya naman humakbang ako ng isang beses at ganon din ang ginawa ng katabi ko.

I look at her face and she's gorgeous aaminin ko but she looks naive this time. Kung kanina ay hindi siya mababakasan ng emosyon, ngayon ay sobrang dali niyang basahin. Those kind of person are the most dangerous, they can manipulate their emotions base on what they want to show. Parang wala siyang alam pero nakikita kong mas may alam pa siya kay Satana.

"As I count one to three, show your answer together." Sabi nito. "One....Two...Three... show." Saad nito ata agad ko namang ipinakita.

Napasinghap ang ibang kanina pang nagbubulungan dahil sa hindi pagpasa ni Satana na ngayon ay kinakain na ng galit. Kuyom ang dalawang kamay habang nanlilisik ang mga mata.

Tumingin ako sa babae nang makitang dumunghaw siya sa papel ko at kita kong nagliwanag ang mga mata niya at sa hindi inaasahan ay nagtatalon siya.

"Omg pareho kami ng sagot ng prinsesa!" Tumingin ako sa hawak niyang papel dahil sa narinig ko at tama nga siya.

"Quiet, sigurado ka bang tama ang sagot niyo para magsaya ka ng ganyan?" Agad na natahimik ang katabi ko na si Nieve.

"Yes, Queen." Magalang na saad ng katabi ko.

"Kindly explain how and why?" She said and look into my eyes.

"Una sa lahat mahal na Reyna, sinabi mong nasabi mo na ang sagot sa palaisipan na ito. Sinabi mo ring dapat na alalahanin namin ang mga salita mo, maging ang mga sinabi namin at ginawa." Si Nieve ang nagsalita.

"Continue, Princess Xianna....I want to know if you got both the instructions." Saad nito.

"Gaya ng sabi niya ay ganon din ang iniisip ko kanina. Pinakadiinan mo ang salitang "chosen" and I know... I'm clever enough to analyze it." Sabi ko pero hindi naman ako nagmamayabang, sadyang may bahid lang ang boses ko. "Every beginning of the answer from every riddles those man just gave stands for a word." Saad ko at kita ko namang sumilay ang ngisi sa labi nito.

"And then?" Tumingin naman siya kay Nieve.

"And then those letter formed the word 'EKLEKTOS'." Tumaas ang kilay ni Amadea sa isinagot ni Nieve.

"Wait lang nalilito ako!"

"Ako rin kaya manahimik ka diyan!"

Rinig ko nanaman ang bulungan ng mga hinayupak pero hindi ko iyon pinansin dahil tumingin muli sa akin ang Reyna, sinasabing ituloy ko ang sinabi ni Nieve.

"And we all know that 'eklektos' is a greek word which means 'chosen', and the greek language is what we use here." Sabi ko saka ulit ipinakita ang papel na hawak ko. "The word 'chosen' is the right answer on your riddle, Queen." Saad ko.

"Hah! Napakalayo Xianna! You're making nonsense!" Imbes na pansinin ko si Satana ay nagpatuloy ako sa pananalita dahil hindi inalis sa akin ng Reyna ang paningin nito.

"And I just know that you chose the word 'chosen' as the answer on your riddle because in the first place, ginawa niyo ang pagsusulit na ito para may mapiling ipunta sa sa Havenclass...to represent their kingdom." Doon, unti unting mas lumawak ang ngiti niya.

"Tama ba ang pagkakarinig ko?"

"Sobrang talino ng sagot niya!"

"Maski ako ay hindi ako makapaniwalang iyon ang tamang sagot!"

"Manahimik ka, hindi pa nga dinedeklara ng Reyna kung tama ang mga pinagsasabi nila."

Pagkatapos ng mga singhap na narinig ko kanina ay sumunod muli ang mga bulungan nila.

Reincarnated as the feeble daughter of kingWo Geschichten leben. Entdecke jetzt