Chapter 18

3.7K 185 23
                                    

XIANNA'S POV

Hilong hilo na ako at ang sakit sakit na ng ulo ko pero hindi ako pwedeng tumigil dahil hila-hila ako ngayon ni Them. Ayaw ko rin namang maging pabigat dito dahil mukhang kaylangan talaga ni Them ng katulong lalo na't meron na rin ang ibang grupo rito at nakikipag-unahan na sa amin.

Nang marating namin ang bukana ng bulkan ay agad akong nahinto dahil nalula ako sa taas nito.

"Uunahan ko ng bumaba, kapag kaya mo na sumunod ka sa akin pero kung hindi better stay here and just look for the other group." Saad nito na tinanguan ko na lamang.

Pinanood ko siyang bumaba at mula rito sa taas ay kitang kita ko ang magma na nasa loob sa sobrang liwanag nito. Hindi ba kami maluluto rito?!

Nang makitang nasa baba na siya ay bababa na rin sana ako nang may magtulak sa akin.

Tangina naman, trip na trip ata akong pagbalingan ng sama ng loob ng mga hinayupak na ito ngayon ah!

Napadaing nalang ako sa sobrang sakit ng katawan ko nang tumama ako sa matigas na lupa dito sa ibaba na ng loob ng bulkan.

Gulat na tumingin sa akin si Them dahil sa pagkakabagsak ko ngunit agad itong lumapit sa akin para tulungan ako.

I try to look up to see who just push me and I saw Roweenah there. Pababa na rin sila kaya naman ako na ang humila kay Them para hanapin ang dragon.

Todo iwas kami sa magma dahil sa pagbubulwak bulwak nito. Sana naman 'wag 'to sumabog habang nasa loob kami.

Nang marating namin ang kabilang bahagi ay napaatras si Them sa hindi ko malamang dahilan hanggang sa makita ko ang nakita niya.

Fuck! Bakit hindi sinabing ang dragon pala na ito ay ang pinakadelikadong dragon? Is this school planning to kill us? For fucking sake, they made us prey last time and now....

Nakarinig din ako ng singhapan mula sa likuran namin kaya naman nalingon ko sila. Marami na kaming nandito pero kahit isa ay wala manlang nagtatangkang lapitan ang dragon na ngayon ay natutulog.

Tumingin ako sa itlog ng dragon at nasa bandang tiyan niya ito. Paano namin 'yan kukunin?

"Don't be fucking too loud if you don't want the dragon to wake up!" Mariing saad ni Them nang makitang nagtutulakan ang ibang mga babae sa kabilang grupo.

Damn, this woman is so cool.

Nang magtama ang paningin namin ay agad siyang umiwas na isinawalang bahala ko na lamang.

"We have our potions, kung ayaw niyong unahan kami na ang mauuna." Tumingin ako sa nagsalita at si Roweenah iyon. Agad na lumihis sa daan si Them at ilahad ang kamay na para bang sinasabing 'sige lang.'

I saw Roweenah's forehead wrinkle before walking at nakita ko pang binangga niya ang balikat ni Them. I didn't know that she's really this competitive.

Agad naman akong lumapit kay Them nang makitang palapit na ang grupo ni Roweenah sa dragon.

"Why did you let them?" Bulong ko rito na ikinakunot niya ng noo sa akin.

"You're too close, mind if you step backwards." Hindi ko mawari pero may halong inis sa boses nito kaya naman umatras nalang ako ng isang beses bago tignan siyang muli habang hinihintay ang isasagot niya sa itinanong ko kanina. "Impulsiveness won't do something great to you, princess Xianna." 'Yun lamang ang sinabi niya bago lumingon sa gawi nina Roweenah.

"But being slow won't do anything for you either." Sabay kaming napalingon sa gawi ni Nieve nang magsalita siya. Ngumiti pa ito bago kami daanan at puntahan na rin ang dragon.

Reincarnated as the feeble daughter of kingWhere stories live. Discover now