Chapter 10

6.1K 318 40
                                    

Kahit saan ako pumunta ay puro bulungan nila ang naririnig ko tungkol sa pagkakapatay ko raw kay Calista.

By the way, Calista's body already buried and they are still looking for her mother who's missing. Napag-alaman ko kasing kaybigan pala ng nanay ni Xianna ang nanay ni Calista dati.

"Pinatawag ko kayong lahat dito upang sabihing ang dalawang nakapasa sa pagsusulit ay ipupunta na sa Havenclass bukas!" Anunsiyo ni reyna Amadea. "Hiraya and Gaia will guide them, including Prince Asher na pinakaunang nakapasa sa pagsusulit." Sabi nito. Napapansin ko lang na parami ng parami ang problema ko at 'yung mga taong nais kong iwasan ay napapalapit mas lalo sa akin.

"Queen, hahayaan niyo pa rin po bang pumasok si princess Xianna sa Havenclass gayong alam nating nakapatay siya ngayong mga nakaraang araw lamang?" Sabi ng isang babae.

"We don't have a proof that she really killed her friend. Don't take your personal anger towards one person just to bring them down." Saad ng reyna bago naglakad lakad muli.

"Princess Xianna and neraida Nieve will be staying inside the Havenclass kasama ng tatlong mga noble na ito." Turo niya kina Hiraya, Gaia, at Asher. "Anyone who will try to hurt our newest passer will be given a punishment." Saad nito. "That's all!" Huling turan niya.

Kita ko namang nagsialisan na ang iba kaya umalis na rin ako pero hindi ako bumalik sa palasiyo, kundi naglakad lakad ako hanggang sa may marating akong isang lawa.

Umupo ako sa tabi para pakalmahin ang sarili ko at para kalimutan pansamantala ang magulong problemang hindi maalis sa isip ko.

Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako kung sino ang nasa likod ng pagkamatay ni Calista.

Ang hirap alamin kung ano ang totoong problema na meron ako dahil wala akong alam tungkol sa mga nakasalamuha ni Xianna dati.

Habang pinapanood ko lang ng payapa ang mga isdang lumalangoy ay bigla ako may narinig na tunog ng nabaling sanga. Napaawang ang labi ko nang makitang may isang sanggol ang ngayon ay gumagapang papunta sa gawi ko. Lumingon lingon ako sa paligid at may nakita akong isang babaeng tumatakbo palayo.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko bago ito lapitan nang may makitang nakakubling papel sa damit niya. I carry the baby and read the notes.

Please alagaan mo ang anak ko, wala akong maibibigay sa kanyang magandang kinabukasan.

Napakunot ang noo ko dahil sa nabasa. Bumaling ang paningin ko sa bata nang marinig ko siyang tumawa. This baby have almond eyes and gorgeous smile. I like the aura she's giving me.

Umupo muli ako sa kinauupuan ko kanina habang buhat siya bago siya nilaro. Hindi ako mahilig sa bata pero maawain ako sa mga walang kamuwang muwang na mga tao, gaya na lamang nito. Hindi ko kayang iwan siya rito at pabayaan nalang, kaya ko naman siyang alagaan kaya bakit hindi ko kukunin, baka mamaya sa masamang palad pa siya mapadpad. Not saying that I am a good person, it's just that I won't hurt an innocent baby.

"What's your name?" I asked like she will answer me but then she giggles kaya napangiti ako. "Hmm...I will call you Damara...Damara Ktrien Ysabelle." I smiled na ikinatawa niyang muli, I think she likes it.

"Xianna..." Bigla akong napatingin sa likod ko nang marinig ang pamilyar na boses.

"Why are you here? Sinundan mo ba ako?" Tanong ko habang pinapanood siyang papalapit sa akin hanggang sa maupo siya sa tabi ko. Hindi ko inaasahang mapapaupo mo sa damuhan ang isang prinsipeng gaya niya.

"No. Why would I?" Kunot noo na tanong niya sa akin habang deretso lamang ang tingin sa mga mata ko. Pustahan hanggang sa maghiwalay kami nanaman ng landas ay titig pa rin 'yan sa akin.

Reincarnated as the feeble daughter of kingWhere stories live. Discover now