Chapter 27

4.6K 193 41
                                    

Nang makalabas na akong tuluyan sa kwarto ay napalinga ako sa palagid. Hindi ko mawari kung nasaang lugar ako ngayon dahil napakasukal ng paligid. Ang bahay na nilabasan ko ay parang hunted house.

Naglakad nalang ako hanggang sa may marating akong isang malaking puno. I decided to rest there for the meantime to heal my wounds and reclaim my energy that was lost.

Napatingin ako sa maliit na hourglass na hawak ko at nakitang konti nalang ang oras na natitira bago mawala ang isang Xianna na nasa Noxus. Sana pala ay mas tinagalan ko pa ang oras niya.

Pagkalipas ng ilang minuto ay naramdaman ko ng muli ang lakas ng katawan kong unti-unti ng bumabalik kaya naman tumayo na ako bago maglaho...at pagkalipas ng ilang segundo ay nakita ko na lamang ang sarili ko sa kwarto ni Elena.

Buti nalang wala siya rito ngayon. I was about to go out when I saw my self-duplication Xianna walking at the aisle with Asher.

Bagay silang dalawa, nakakaselos!

Ay wait, ako rin naman 'yan. At ano?

"Fuck you, Hermionee, anong sinasabi mong nagseselos ka?" Bulong ko sa sarili ko na agad ko rin namang iwinaglit.

Muli akong pumasok sa loob ng kwarto ni Elena bago gamitin ang bagong kapangyarihang natutunan ko.

Tanging ang nais ko lamang makarinig ang makakarinig ng mga salitang sasabihin ko at walang sino mang makakaalam at makakarinig noon.

"I am calling you, the self-duplication of Xianna to come at the room of your personal servant as the original is in here. I want you here right now." Mahinang bulong ko sa hangin at alam kong rinig na rinig niya ito ngayon.

At hindi nga ako nagkamali dahil ilang minuto lang ang binilang ko ay bumukas na ang pintuan.

Agad akong tumayo at sinalubong siya, ako na rin ang nagsara ng pintuan bago siya harapin.

"What happened while I'm gone?" I asked. Ang weird, tinatanong ko yung sarili ko.

"Wala naman gaano mahal na prinsesa, ngunit may sinabi ang mahal na prinsipe." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niyang iyon.

"At ano naman ito?" I curiously asked her.

"Na sa oras na mawala ka ulit ng hindi nagpapaalam ay paniguradong hindi mo magugustuhan ang magagawa niya." Mas napakunot ang noo ko dahil sa narinig niya.

"Okay—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang biglang may kumatok sa pintuan na katapat lang namin.

"Xianna, Damara's looking for you." Boses iyon ni Asher. "Papasok ako," saad nito na ikinataranta ko. I flick my finger to make the other Xianna vanished at nakahinga naman ako ng maluwag nang mawala ito bago pa mabuksan ni Asher ang pintuan.

Lito ang gumuhit sa mukha niya nang makitang nagmamadali ako kaya naman agad akong tumawa ng pilit.

"What's happening here?" He asked.

"Nothing! There's nothing in here." Saad ko naman bago pa luminga linga sa loob ng kwarto para paniwalain siyang wala talaga.

"Are you hiding something?" He asked again and this time, he doesn't look like joking, oh well kaylan ba ito nag-joke.

"No!" I denied too fast that made me look defensive pero isiniwalang bahala ko na lamang iyon at naglakad papunta sa pintuan. "Tara na, asan si Damara?" I asked him.

"Hindi ba iniwan mo kami kanina sa verenda? Probably she's still there." Agad kong nahugot ang hininga ko dahil sa sinabi niya. Mahuhuli nanaman ata ako ah.

"Bakit mo iniwan? Paano kung malaglag 'yon!" Pag-iiba ko nalang ng usapan pero mas kumunot ang noo nito.

"Xianna, nandoon si Elena." Oh shoot!

Reincarnated as the feeble daughter of kingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon