Chapter 8

7K 318 65
                                    

"Hep! hep! hep!" Tumingin ako sa biglang humarang sa daraanan ko sa pasilyo kinabukasan at kita ko nanaman ang nakakalokang ngiti ni Cairo habang sa likod niya ay si Ryle na walang pake sa mundo. Sila nga ata ni Asher talaga yung magkapatid e, tapos ampon lang 'tong si Cairo dahil napakaingay!

"Hooray?" Kunot noo'ng sagot ko na mas ikinakunot naman ng noo niya sa lito.

"Pinagsasabi mong hooray diyan? Sama ka sa amin, tara sa lawa!" Nakangiting aya nito sa akin bago ako akbayan at hilain palapit kay Ryle. Agad ko namang tinanggal ang pagkakaakbay niya sa akin bago siya taliman ng tingin.

"Bakit?" I asked them, baka mamaya dun nila ako patayin, mahirap na, kahit naman sa katotohanang mga kapatid ito ni Xianna hindi ko pa rin sila kilala.

"Gusto lang naming bumawi, you've changed a lot, we no longer recognize you. So we decided —"

"You." Putol ni Ryle sa kanya.

"Ah oo, ako hehe. I decided to build a bond with you again." Tignan mo, kahit siya yung mas matanda kay Ryle ay natatakot pa rin siya.

"At hinila mo naman 'to?" Tanong ko sabay turo sa kapatid naming walang pake sa mundo.

"Yes, ayaw kang ipagkatiwala sa akin e." Sabi nito na wari mo ay nagsusumbong. "Kaya tara na!" Aya nitong muli sa akin.

"Ayaw ko." Sabi ko saka tumalikod pero si Asher ay nasa likod ko pala nanaman.

"Let's talk." Seryosong saad nito, ano namang pag-uusapan namin?

"Ay gusto ko na pala, saan ba 'yang lawa na 'yan?" Baling kong muli kina Ryle at Cairo na natatawa na ngayon. Maglalakad na sana ako kaso may humawak sa kamay ko bago hilain sa kung saan.

"Ibalik mo ng buo 'yang kapatid namin Asher, kung hindi magkakalimutan—hmmp!" Kita kong tinakpan ni Ryle ang bunganga ni Cairo kaya hindi na niya natuloy ang gusto niyang sabihin.

"Ano ba kasing pag-uusapan natin... prinsipe?" Saad ko bago bawiin ang kamay ko ng matagpuang nasa balkonahe na kami.

Tumingin naman ito ng diretso sa akin bago sa palapulsuhan kong hinihimas ko dahil sa sakit ng pagkakahawak niya.

Nagulat pa ako ng bigla niyang agawin ang palapulsuhan ko sa akin at pakatitigan ito kaya naman napunta na rin ang tingin ko doon, namumula pala.

Binawi ko agad ang kamay ko at itinago sa likod ko, wala naman siyang nagawa kundi ibalik ang tingin sa mga mata ko. Hinintay ko lamang siyang magsalita hanggang sa tumikham ito at iniiwas ang tingin.

"The white veil occasion will be next month." Napatanga ako sa narinig ko? Oh tapos ano namang pake ko?

"Sinong ikakasal?" Kakasabi ko lang na wala akong pake pero hindi naman siguro masama kung magtatanong ako.

"Tayo." Bigla akong nasamid sa sarili kong laway dahil sa narinig, he's just watching me intently.

"What?!" Gulat na tanong ko rito.

"I never expect your reaction will be like that, knowing that from the very start you want this to happen." Sabi nito na kahit isang emosyon lamang ay wala kang mababakasan sa mukha niya.

"Pagbigla bigla kasi!" Sabi ko naman dahil 'yon 'yung totoo! "Ngayon namang sinukuan na kita at umatras na ako doon ka naman susulong." Dagdag ko pa. Gustong gusto kong masuka sa mga pinagsasabi ko pero kaylangan ko ito.

"Really, you gave up?" Taas kilay nitong saad pero hindi ko siya sinagot. "We gonna get married even though we both don't like this." Napatigalgal ako sa narinig ko.

"So, ayaw mo rin nito?" Tanong ko rito na ikinatango niya. "E 'di tanggihan mo!" Sulsol ko pa rito.

"No." He said. Anong gusto nitong mangyari. Hindi na ako makagalaw dahil sa lamig ng boses niya. "Whether you like it or not, ikakasal tayo." Mariing sabi nito bago tumalikod.

Reincarnated as the feeble daughter of kingWhere stories live. Discover now