Chapter 30

2.1K 62 42
                                    

CAIRO'S POV

Dali-dali na akong umalis kanina sa Noxus Regnum dahil sa hindi maipaliwanag na kaba.

I never knew that I have the ability to feel this level of nervousness.

Panay lakad ang ginawa ko sa loob ng isang silid kung saan hinihintay ko ang taong paniguradong papagalitan ako kapag nalaman ang mga nangyari kanina.

Hindi ko alam, hindi ko alam na nandoon siya!

"You seem so bothered, Cairo. What is it?" I heard my brother's cold voice echoes inside the room.

Agad akong lumingon dito at gaya ng dati, sobrang delikado nanaman ng mukha niya.

"Sa palagay ko ay dapat hindi na tayo basta-basta nagpapakita kay Xianna. After what happened between us last time—"

"What happened?" He cut me off. Hindi ako agad nakasagot at pinanood na lamang kung paano siya maglakad papunta sa vanity table na nandito at kunin ang libro na nakapatong doon.

Nang hindi na ata niya ako mahintay na sumagot ay naramdaman ko na lamang na lumingon siya sa akin.

"What happened at Noxus?" I heard him repeating his question.

"I saw Hiraya," paunang saad ko na ikinabago ng mukha niya. "She accidentally..." Hindi ko man ituloy ang sinabi ko ay batid kong nakuha niya ito agad.

Kitang-kita ko kung paano niya ibinagsak muli ang libro. "Hindi ka nag-iingat." He said.

"I didn't know that she's there. Kung alam ko e 'di sana hindi na ako pumunta." Paliwanag ko na palagay ko'y hindi naman nagpabago ng iniisip niya ngayon.

"She will suspect us more, Cairo. Xianna will suspect us more, how about the fucking plan?" Napabuntong hininga siya matapos niyang sabihin iyon. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil maski ako ay hindi ko na alam ang gagawin. She will definitely suspect us but how I wish not to.

"But still, hindi tayo pwede basta-bastang gumalaw. Remember what happened when we kidnapped her, she's strong." I said.

"We have stronger force, Cairo."

"Kung meron, hindi sana siya nakatakas sa atin." Agad tumarak sa akin ang sama ng tingin niya kaya naman napaiwas ako agad ng tingin.

"Are you saying that we can't defeat her? Are you saying that you don't have trust with my ability to ruin something?" Saad nito na nagpatahimik sa akin.

Alam ko kung saan ako susulong at aatras, at sa panahong ito— alam na alam ko na na galit na siya.

"It's not like that, brother." Mahinahon kong saad dahil alam kong kapag nagalit din ako ay hindi maganda ang kalalabasan ng pag-uusap namin na ito.

Hindi ko na siya narinig na magsalita pa hanggang sa may narinig kaming nagmamadaling yapak sa labas ng kwarto.

Agad kaming nagkatinginan at akmang lalabas na nang marinig namin ang boses ng isang babae habang kumakatok sa pintuan ng silid kung nasaan kami ngayon.

"Prince Ryle!"

Agad binalagtas ni Ryle ang pagitan nila ng pintuan at agad itong binuksan. Doon, kitang-kita namin ang humahangos na itsura ni Roweenah.

"They are making their move." Hindi pa man kami nagtatanong ni Ryle ay 'yan agad ang sinabi niya.

Agad naman kumunot ang noo ni Ryle, maski ako ay napakunot na rin ang noo. Hindi ko mawari kung ano ang ibig niyang sabihin.

"But they started their move a long time ago, why are you so surprised?" Tanong ko naman dito dahil oo nga naman, ang tagal-tagal na nilang nagpapakita ng bakas nila. They were so eager to kill, Xianna. They were so eager to go with what we want.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 17 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Reincarnated as the feeble daughter of kingWhere stories live. Discover now