Chapter 24

3.5K 176 46
                                    

SOMEONE'S POV

"Why are you so careless!" Sigaw nito sa akin. Na-kwento ko na kasi sa kanya iyong nangyari kanina sa pagitan namin ni Asher.

"Hindi ka naman nakita, nakaalis ka na kanina." I tried to explain myself but it seems like it's not working.

"Kahit na! The fact that it's Asher, sa tingin mo ba titigil lang iyon sa kaalamang ikaw ang isa sa mga gustong pumatay kay Xianna? Hindi!" Kanina pa ako rinding rindi dahil sa kasisigaw nito sa akin kaso wala manlang akong magawa.

"Calm yourself down, daughter...malapit na rin naman silang ikasal, and you know what does that mean." Saad ng nanay nito pero imbes na kumalma siya ay mas lumala ang galit.

I am fully aware that this lady is so head over heels to Asher but I do still like her, I still stay by her side hoping that she'll change her mind and see that she belong with me, that I can be everything she wants.

"Nakakainis!" She shouted before storming out of the room.

Lumingon ako sa nanay niya nang tumikham ito. "Pagpasensiyahan mo na siya, Ro, it's just that...she gave all her blood and sweat for this." Saad nito na ikinatango ko nalang din naman.

"Alam ko naman po," ngiting saad ko bago humugot ng malalim na hininga. "That's why I'm helping her." Dagdag ko pa na ikinangiti naman niya. "Mauuna na po muna ako." Paalam ko rito na tinanguan naman niya.

Agad akong naglaho at pumunta sa lugar kung saan mapapanood ko sina Xianna ngayon.

Nasa daan sila pabalik sa Noxus, alam ko kung saan sila galing dahil galing din doon ang babaeng kausap ko kanina.

"I told you to wear your necklace." Rinig kong saad ni Asher na ikinatigil naman ng prinsesa.

I was just intently watching them when Xianna spoke.

"No need." She said refusing to do what the prince commanded. Napangisi ako dahil sa katigasan niya ng ulo.

Hindi ko inakalang lalapit ang prinsipe sa prinsesa at pahablot na hinawakan ang mga kamay nito bago kunin ang kwintas sa bulsa ng palda niya.

Napakunot ang noo ko nang makitang nagbabago ang kulay ng kwintas niya.

I saw the prince getting startled as well as he watched the emerald pendant turning into black.

Kita kong agad na binitawan ng prinsipe ang mga kamay ni Xianna at masamang tinignan ito.

"I fucking told you princess." He dangerously said but this princess seems really fearless.

Agad niyang hinaklit ang kwintas niyang hawak ni prinsipe Asher bago ito pakatitigan sa mata ng seryoso. "Death is inevitable, prince." She said before walking away.

But I saw how she stop and got stiffed that made my forehead wrinkle. Pinapanood ko lang ang bawat galaw niya nang makitang bigla siyang lumingon sa gawi ko kaya naman agad akong naglaho.

"Muntik nanaman ako ron ha!" I said and started to calm myself. Pero bakit parang ang talas ng pakiramdam ng prinsesa ngayon? Bakit naramdaman niyang may nakatingin sa kanya kahit sobrang layo ko sa kanila?

"Good that you are back, she's looking for you." Iyan ang salubong sa akin ng nanay ng mahal kong babae.

Agad namang nabuhayan ang kaluluwa ko pero nabawi rin agad iyon nang maalalang baka mas galit siya ngayon.

"Don't worry, she's not mad." Tila nabasa niya ang iniisip ko kaya naman napatango nalang ako bago inayos ang sarili ko.

"You're here, finally." Hindi pa man siya lumilingon sa akin ay sinabi niya na 'yan.

Reincarnated as the feeble daughter of kingWhere stories live. Discover now