Kabanata 8

10 2 0
                                    

Kabanata 8






"Gusto mo ba siya? Magpapakasal ka talaga? " mahinang tanong niya sa akin. Pero makakapa mo roon ang kabiguan.

Nakatalikod siya kaya naman hindi ko makita ang mukha niya.

Ngunit sa tindig ng kaniyang katawan ay kilala ko na siya. Ang malapad at mabato nitong braso at buhok palang ay kilalang kilala ko na, maging ang boses nito.

Bumuntong-hininga ako at tumango. "Yes. Papakasalan ko siya—"

"Pero paano ako? " labag sa loob na tanong niya at hinarap ako ni Dante.


Tumalon ang puso ko.

Napataas ang kilay ko. What? "Paano ka? Ewan ko sayo. Wala namang tayo," nakasimangot kong tugon ngunit sa kabila ng mga iyon ay ang malakas na pag tibok ng puso ko.

Biglang naging seryoso ang ekspresyon ng mukha nito. "Then can i court you? " determinadong tanong niya na ikinagulat ko.

Malamig ko siyang tinignan. Pumungay ang bughaw at malamlam nitong mga mata. "Can i? " malumanay na tanong niya.

Napatitig ako sa kaniya. Bakit niya ako liligawan? Hindi ko pa siya masyadong kilala, o kahit pa man makilala ko pa siya ay wala akong pakialam. Dahil hindi ko mamahalin ang pamilya na kaaway ng aking ina.


"Stop it," malamig kong saway sa kaniya.


Namungay ang mga mata nito. "I can wait for your answer, Issa. Pero huwag mokong pag tabuyan. " sabi nito at pagkakuwan ay malungkot na ngumiti.

Naitikom ko ang aking bibig. Napatulala ako sa mga labi niya, iyon ang kauna-unahan kong nasaksihan ang malungkot na ngiti niyang iyon.







Bumuntong-hininga ako at tumingin sa orasan. At tumulala ulit.


Laging gano'n. Parang wala ako sa huwisyo. Tatlong araw na ang lumipas simula ng malaman kong ikakasal ako sa Suriaga.



Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kay Mommy kasi galit siya sa mga Suriaga pero ipapakasal niya ako sa isa sa mga Suriaga.


At sa tatlong araw na iyon ay hindi ako tinigilan ni Dante. Kahit saan ako mag punta ay nakasunod siya sa akin. Kung minsan ay nakikita ko siya, pero bihira ang lihim na pag sunod niya sa akin. Kasi naiirita ako kapag nakikita ko siya. Hindi ako naiirita sa mukha niya o sa presensiya niya. Naiirita ako sa puso ko kasi bumibilis ang tibok nu'n sa tuwing makikita ko siya, mararamdaman, naririnig at nahahawakan.


Gaya na lamang ngayon. Nakahawak ako sa mga kamay niya habang siya ay nakangiti naman sa akin ng kay tamis at sa isa niyang kamay ay may hawak siyang plauta.


Umupo siya sa tabi ko. Wala akong ibang ginawa kundi ang sundan siya ng tingin.



Tumingin siya sa akin. May pagkamangha kang makikita sa mga mata niya habang nakatitig sa akin. Dahil para sa kaniya tila ako ang nag-iisang magandang babaeng nakikita niya.



Umiwas ako ng tingin.



"Tutugtog ako ng plauta para sa'yo. Sabi kasi nila gumagaan raw ang pakiramdam ng isang tao kapag nakakalabit ng emosyon ng plauta ang mga puso nila. " imporma niya.



Sumandal ako sa puno habang nakahalukipkip. "At naniniwala ka naman? "


Kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi at sinuklay ang buhok na tinangay ng hangin. Damn, so sexy...



"Oo naman. Para sa'yo. "

Tumaas lang ang kilay ko. Gusto kong ngumiti. Pero hangga't nakakayanan ko pa ay hindi ko gagawin iyon.




Itinapat niya ang plauta sa kaniyang bibig na kung na saan ang butas para tumugtog ang plauta sa pamamagitan ng hangin na nagmumula sa kaniyang bibig.



Unang ihip palang niya sa plauta at pag galaw ng kaniyang mga daliri sa butas ng plauta ay parang may kung ano ng humaplos sa puso ko.


Lihim ang kantang napili niya na ikinanta ni Arthur Miguel.




Habang ginagawa niya iyon ay lunod na lunod ako sa emosyon na kahit kailan ay hindi ko naramdaman kay Abraham noon.

Parang may kung anong umaakit sa akin na huwag ng patigilin si Dante.

"Nagustuhan mo ba? " tanong niya pagkatapos niya at tumingin sa'kin.



Kumurap-kurap ako dahil sa pagkabigla sa emosyon na naramdaman ko kanina.



"Gumaan ba ang pakiramdam mo? " at kahit hindi ko sabihin sa kaniya ay alam kong nawala ang bigat doon.



Naramdaman ko ang pag hawak niya sa aking ulo kaya naman napatingin ako sa kaniya. At doon napagtanto kung gaano kalapit ang mukha namin sa isa't isa. Napawi rin ang ngiti sa labi niya ng mapagtanto ang bagay na iyon.


Bumaba ang tingin niya sa aking labi na siyang ikinanuyo ng lalamunan ko.


Pero unti-unti ring bumaba ang tingin niya sa kwintas ko na nasa aking leeg.


"Mahilig ka sa kulay pula? " nakangiting tanong niya at tila naaaliw na malaman iyon.




Parang gumuho ang mundo ko at binuhusan ng malamig. Napatitig ako sa labi niya. Nakangiti siya at nasisiyahan habang hindi nalalaman ang tunay na kahulugan niyon sa akin.


"Red is symbol of love, right? " naaaliw na tanong niya sa akin muli at tumingin sa aking mga mata na ikinatalon ng puso ko.



Humigpit ang hawak ko sa damo. "It's not symbol of love for me... " anas ko. Kaya naman gumuhit ang pagtataka sa kaniyang mukha.


Lumunok ako. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng panlulumo.



"Ano? Jealousy? You know hindi kita pagseselosin kasi hindi ka naman selosa. Pero ako, seloso ako. " walang pakundangang sabi niya.


Hindi ko alam kung saan ako natawa. Sa parte ba niya o sa parte ko.

"It's symbol of death f-for m-me... "




Natigilan siya sa sinabi ko at parang binuhusan siya ng malamig na tubig at tila may narealize.



Sa puntong iyon ay tanging nakatitig lang ako sa kaniya. Bigla siyang nagsisi. Nakita ko kung paano napalitan ng pagsisisi ang mangha sa kaniyang mga mata.



"I-i'm sorry... " sabi niya at bigla akong niyakap.


Bakit siya humihingi ng tawad? Dahil sa namangha siya nong una habang hindi inaalam ang totoong kahulugan niyon para sa akin?




"Please... H-hate the color red. I don't want you to die... Iiwan mo'ko? Isama mo nalang din ako. "



Pumikit ako. Sa puntong ito. Pakiramdam ko ay hindi talaga ako nag-iisa. Pero natatakot ako... Natatakot akong aminin na unti-unti na akong nahuhulog sa kaniya...





--

Yong plauta scene na inspired ako sa plauta sa leonara na song ni sugarcane huhu.

Don't forget to vote, comment and share your thoughts my shinecils^^

In The Mindst Of Uncertainty (Casa Bilarmino #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon